Huminga ng malalim si Ysabelle bago lumabas ng kotse. Nasa isang dalawang palapag sila ng gusali na kung titingnan ay parang isa lang restaurant na malimit puntahan ng mga tao, pero kung makikita ang mga kumakain sa loob nito ay kapwa nakamamahaling kotse at mamahaling damit ang mga suot. Paano niya nalaman? Nakita lang naman niya ang mga brand na ‘yon habang papasok sa loob. Kausap ni Elias ang isang waiter at ginaya sila sa isang pasilyo. May hagdan pababa at sad ulo ay mag malaking pinto na gawa sa kahoy. Hindi naman kadiliman, pero katamtaman ang ilaw na nakalagay sa gilid ng pader.
Pagbukas nito ay tumambad sa kanila ang isang malaking aparador na naglalaman ng iba’t-ibang alak. Sa gilid naman ay may isang bartender na abala sa pagsasalin at paghahalo ng mga ito. Nginitian siya ng lalaki at binati sila. Hindi iyon pinansin ni Elias na diretso lang ang tingin kaya naman kinawayan niya na lang ito at sumunod.
“Nandito na pala siya, eh!”
“Kanina pa kami rito, oh. Akala ko nga ay ako ang mahuhuling dumating. Ikaw pa rin talaga, Elias.”
“Ano pa bang aasahan niyo d’yan?”
Napatingin si Ysabelle sa nagwagwapuhang lalaki na nakaupo sa isang pabilog na upuan habang may bilog ring mesa sa gitna. Ang tatlo sa kanila ay may mga kasamang babae habang ang dalawa ay solo.
“Ikaw!”
Nabaling ang tingin ni Elias nang tumayos si Franco at tinuro si Ysabelle. Kumunot ang noo niya at hinapit ang kasama sa bewang nito papalapit sa kan’ya. Senyales na sa kan’ya ang babaeng ‘to at ‘wag silang makikialam. “Ibaba mo ‘yang daliri mo, Franco,” utos niya rito.
Nabalik naman sa reyalidad ang naturan at umupo. “Nagkita tayong muli. Kamusta ka, Ysabelle?” nakangiti n’yang tanong rito. Hindi niya inaasahan na ang babaeng kinakasama ng kaibigan niya ay ito. Paano sila nagkakilala?
“Magkakilala kayo?” singit naman ni Elias at nagsalubong ang kilay. Bakit hindi niya alam ito? Tumingin siya kay Ysabelle na halatang kakilala nga nito si Franco. Hinigpitan niya ang hawak sa bewang nito. Hindi niya gusto iyon. Huwag nitong sabihin na may nakaraan sila ng kaibigan niya?
“Hindi. Isang beses lang kami nagkita noong namimili ako. Natatandaan mo ba?” kalmadong sagot ni Ysabelle. Dinikit niya ang sarili sa binata dahil ramdam n’yang parang nagagalit na naman ito. Huwag naman sana dahil ayaw n’yang mangyari iyon.
“Ano ka ba, Elias. Nagulat lang ako dahil nakita ko siya. Masaya nga iyon dahil siya pala ang baba emo. Huwag ka nang magalit d’yan dahil wala naman akong intensyon na agawin siya sa’yo,” wika ni Franco nang makita ang kaibigan na naglalabas ng madilim na awra. Sa kanilanbg lahat ay si Elias ay may pinakakaunting pasensya.
“Hindi mo siya makukuha sa’kin, Franco,” may diing sagot ng binata rito.
“Oy! Ano ba kayong dalawa? Nakakahiya sa mga babaeng narito. Itigil niyo nga ‘yan,” aniya ng isang lalaki na semi-kalbo ang gupit sa buhok, gayunpaman ay hindi iyon nakabawas sa kagwapuhan nito.
“Kaya nga. Alam naman ni Franco na may kalakaran tayong mga lalaki at ‘di niya ‘yon sisirain,” segunda naman ng isang may bangs na parang isang Koreano. Maputi ang balat nito ay may nakakaakit na ngiti. Parang mauubusan ng hininga si Ysabelle dahil lahat ng kaibigan ni Elias ay hindi nagpapatalo sa mukha.
Binawi ni Elias ang tingin sa mga ito at pinakilala si Ysabelle.
“Siya si Ysabelle. Ysabelle, ang mga kaibigan ko— si Dether, isa s’yang sundalo. Si Niel na isang doktor, si Cypres na isang propesor sa isang pribadong paaralan, Zion ang may-ari ng lugar na ito at isang mayor at ang huli hindi ko na siya ipakikilala sa’yo.”
Napatampal si Franco sa mukha nito. “Ako lang naman ang nagmamay-ari ng mall na pinamilihan mo, Ysabelle. Baka gusto mong maging miyembro para may bawas ang kabuuan ng pinamili mo libre lang.”
“Hindi niya na kailangan maging miyembro dahil kaya kong bayaran lahat ng gusto niya.” Nagsalin ng alak sa baso si Elias at binigay iyon kay Ysabelle.
“Salamat.” Lahat ng kaibigan ni Elias ay puro propesyonal at talaga namang mayayaman. Iyong semi-kalbo pala ay isang sundalo habang iyong Koreano naman ay isang doktor. Hindi nakapagtataka dahil sa kulay ng kutis nito.
“Paano ba kayo nagkakilala ni Elias, Ysabelle?” tanong ni Zion.” Halata sa awra nito na parang istrikto at palagings seryoso. Sabagay isang syudad ba naman ang hawak mo sa kamay.
“Ah, sa isang club—”
“Sa isang strip club,” pagtatama ni Elias. Napakapit ng mahigpit si Ysabelle sa malambot na sofa. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ng kaibigan ni Elias kapag nalaman nila kung ano ang klase ng trabaho niya. Kinakabahan siya.
“Strip club?” ulit ni Cypres at tiningnan si Elias. “Hindi ko alam na nagpupunta ka roon. Bago ‘to, ah.”
“Tss. Ano’ng akala mo sa akin? Walang oras mag-aliw?” sumbat ni Elias. “Doon kami nagkakilala ni Ysabelle. Siya ang babaeng nakakuha ng atensyon ko doon kaya inuwi ko na.”
Humagalpak ito ng tawa. Tumingin si Ysabelle sa mga babaeng nasa tabi ni Neil, Franco at Dether. Pare-pareho silang hindi nagpapansinan maliban sa babae na akbay ni Dether na ngumiti sa kan’ya. Mga nobya kaya nila ito o mga babae lang na kagaya niya?
“Iba ka talaga, Elias! Pero mukhang matino itong si Ysabelle, sabihin mo nga sa amin Ysabelle, mabait ba ‘tong kaibigan namin? Mahirap pakisamahan?” baling naman ni Niel sa kan’ya.
“Ahm, mabait naman siya minsan.”
“Sabi ko na, eh!” Napainom si Franco bago sumali sa usapan. “Alam mo bang walang nakakatagal d’yan? Ang mga babae n’yan ay tumataga lang ng isang linggo hanggang dalawang linggo. Pare-parehong dahilan na minsan mabait, madalas galit.”
“Hindi ba ako mabait?” Taas kilay na aniya ni Elias sa katabi. Hinawakan niya ang binti nito at pinisil.
“Mabait naman ang sabi ko ‘di ba?” bwelta ni Ysabelle sabay tungga ng alak. Napangiwi siya dahil sa lasa. Sobrang pait!
Napangisi si Elias. “Bakit mo kasi inubos? Talagang mapait ‘yan. Akin na at lalagyan ko ng yelo para hindi masyadong mapait sa panlasa mo.”
“Bantay na bantay mo Elias, ah?” komento ni Franco habang nakatingin sa dalawa.
“Ayokong may kaagaw. Muntik ko na ngang maipadala sa hospital ang lalaking kumausap sa kan’ya sa pamilihan, eh.”
“Ikaw talaga. Malamang nagagandahan sila kay Ysabelle.”
Tumigil sa pagpisil ng binti si Elias at bumaling ang malamig nitong mata sa kaibigan.
“Nagagandahan ka sa kan’ya?”
Natahimik ang buong silid. Maging ang bartender na nakikinig ay itinigil ang ginagawa. Ang mga babae naman ay nagpalipat-lipat ng tingin sa dalawa.
“Sino naman ang hindi magagandahan sa babae mo? Tingna mo nga ang mga katulad niya ay dapat na iniingatan kahit pa sabihing babae mo siya sa ngayon, Elias. Huwag mo sanang isipan ng mali ang sinasabi ko mukhang kakaiba si Ysabelle sa mga nakasama mong babae.”
“Maganda naman talaga siya. Hindi naman ako maghahanap ng babae na walang itsura. Alam niyo naman ang tipo ko, basta magaling gumiling,” malalim na wika nito na silang magkakaibigan lang ang nakakaintindi.
Napailing sina Niel at Zion. Basta magaling sa kama ang ibig sabihin ni Elias. Mukhang masaya ang m*libog na buhay nito dahil kita naman iyon sa mukha. Paniguradong maganda ang serbisyo ni Ysabelle sa kaibigan nila. Mukha lang silang mababait, pero pare-pareho silang halimaw sa kama.
“Balik tayo roon sa una n’yong pagkikita. Ano ba ang trabaho mo, Ysabelle? Isang waiter?” usisa ni Dether.
Napatingin si Ysabelle sa kan’yang baso at huminga ng malalim. Ano naman ngayon kung malaman nila? Gano’n din naman ang turing nito sa kan’ya. “Isa akong mananayaw, iyon ang trabaho ko.”
“Ngayon alam ko na kung bakit.” Bumaling ito sa kaibigan na ngayon ay nakapasok na ang kamay sa loob ng blusa ng dalaga. “Kahit siguro ako kapag nakakita ng target, iuuwi ko kaagad.”
Ngumisi si Elias. “Pare-pareho tayo, ‘di ba? Ang akin ay akin. Kaya huwag kayong magkakamali na galawin ang kung ano ang sa’kin. Hindi ko iyon palalagpasin.”