Kabanata 8: Pagtatagpo

1324 Words
Hinaplos ni Elias ang natutulog na mukha ni Ysabelle. Magkatabi ngayon sila sa kama at dahil sa pagod sa ginawa nila kanina ay nakatulog ito ng malalim. Hindi sapat ang tatlong beses na sisirin niya ito dahil gusto niya pang ipagpatuloy, ngunit dahil pagod ito at tiniis niya na lang at ginamit ang palad para labasan ulit. Yumuko siya at hinalikan ang labi nito. Iyon na yata ang labing hindi siya magsasawang halikan ng paulit-ulit. May kung ano sa mga labi nito na kapag nadampian niya ay mas pinapalaliman niya ng halik. “Swerte ko dahil ako ang nakauna sa’yo. Nasa’yo lang ang paningin ko noong una tayong nagkita. Hindi man pumayag ang amo sa alok ko, may paraan parin ako para makuha kita, Ysabelle. Ayokong may kahati, ayokong may humahawak na iba sa’yo dahil pag-aari kita.” Bumuntong hininga siya at niyakap ito ng mahigpit. Pareho silang hubad sa kama at ramdam niya ang init ng kanilang katawan. Naging marahas ba ang mga galaw niya kanina? Napansin niya na namumula ang braso nito at iba pang parte ng katawan. Napamura siya sa sarili at kinuha ang isang gamot para ipahid ito sa dalaga. Muli n’yang hinalikan ang labi nito at hinigpitan ang yakap. Magdadahan-dahan na siya sa susunod. Samantala sa kompanya naman ay kanina pa sumisilip si Maine sa elevator. Hindi pa ba babalik ang amo niya? “Huwag mo nang hintayin si Sir Elias, Maine. Hindi na siya babalik.” Napatingin ang naturan sa gilid niya kung saan abala ang sekretarya ng amo sa pagtitipa sa laptop nito. Mabibilis ang kamay habang nakatingin lamang sa monitor nito. Magaling talaga ito at saksi si Maine sa kaganapan na ‘yon. “Ah, hindi ko naman siya hinihintay. Nagtataka lang ako kung bakit wala pa siya? Hindi ba niya sinabi sa’yo?” “Maagang umalis si Sir Elias. Hindi na siya babalik dahil may mga bagay pa s’yang gagawin. Ipapaalala ko lang sa’yo na ‘wag kang masyadong manghimasok sa buhay niya. Alam ko ang nangyayari sa inyong dalawa, pero sana ay ‘wag maapektuhan ang trabaho mo rito. Matagal na kitang kasama mahigit dalawang taon na. Huwag mong biguin ang pagpili ko sa’yo para sa posisyon na ‘to. Ihiwalay mo ang personal mong nararamdaman dito sa trabaho.” Napayuko si Maine at pinagpatuloy ang ginagawa. Alam ni Ginang Campbell ang nangyayari sa pagitan nil ani Elias, pero tikom ang bibig nito. Sa oras na may hindi sila pagkakaintindihan o magkagalit alam n’yang walang hesitasyon na kakampihan ng kanilang amo ang babae. Mahigit pitong taon na itong nagtatrabaho sa kompanya at pitong taon lang ang agwat nito kay Elias. Akala niya noon ay nobya ito ng binata, pero hindi pala dahil ang asawa nito ay tito ng amo niya. “Huwag kang mag-alala, Mrs. Campbell alam ko naman ang limitasyon ko,” nakangiti n’yang turan dito. “Mabuti naman kung gano’n.” Tumingin ito sa direksyon niya. “Huwag mong sayangin ang sarili sa lalaking ‘di kayang mag-seryoso, Maine. Maganda ka at matalino, higit pa kay Elias ang makikilala mo.” Tumango ito at huminga ng malalim. Naniniwala si Maine na magbabago si Elias. Hindi pa lang nito nakikita ang babaen mapapatino nito o nakikilala ng lubos. — Bandang alas kwatro na ng hapon nagising si Ysabelle. Napaungol siya dahil masakit ang balakang niya. Tumingin siya sa paligid at nakitang wala na si Elias sa tabi niya. Tumayo siya at dumausdos sa katawan niya ang kumot, lantad ang hubad n’yang katawan. Biglang bumukas ang pinto ng banyo at lumabas si Elias na may towel sa ibabang bahagi ng katawan habang tinutuyo ang buhok gamit ang isang pamunas. Nagkatitigan silang dalawa at nakita ni Ysabelle kung paano naglandas ang mata ng binata sa buong katawan niya kasabay ng pagdilim nito. Bakit ba niya hinayaan na mahulog ang kumot sa sahig? Akala niya wala ito. “Magbihis ka na kung ayaw mong maulit ang nangyari kanina. Tinatawag na naman ako ng katawan mo.” “Ah!” Napayakap si Ysabelle sa kan’yang katawan at tumakbo sa loob ng banyo. Namumula ang kan’yang mukha nang tumingin siya sa salamin. Napaka talaga ni Elias! Hindi man lang nahiya. Teka? Bakit ng aba siya nahihiya pa, eh ilang beses na nitong nakita ang hubad n’yang katawan at sinasamba pa. Huminga siya ng malalim bago pinindot ang shower. Sa labas naman ay napaupo si Elias habang tinutuyo ang buhok. Tumunog ang kan’yang telepono at nakita ang pangalan ng isa sa mga kaibigan niya. Nakauwi na pala ito. [Hindi mo ba ako na-miss, Elias? Wala man lang sumalubong sa akin sa Paliparan.] Napahilot sa noo ang binata nang marinig ang nagtatampong boses nito. “Kailan ka ba dumating. Paano ko malalaman na narito ka na kung wala ka man lang pasabi?” Tumawa ang nasa kabilang linya. [Alam ko. Gusto kong gulatin kayo sa pagbabalik ko. Mamaya ay pumunta kayo sa dati nating tambayan. May pa-handa ako at alak pumunta ka, ah? Nasabihan ko na rin ang iba. Kapag hindi ka pumunta puputulin ko na ang pagkakaibigan natin.] Napangisi si Elias. “Palagi ‘yan ang sinasabi mo, pero hindi naman natutupad. Huwag kang mag-alala, pupunta ako. Ano’ng oras ba?” Narinig n’yang bumukas ang pinto at nakita n’yang lumabas si Ysabelle nang nakatapis ng tuwalya. Napunta ang tingin niya sa binti nitong mahaba at walang kapeklat-peklat. Kapag nakikita niya iyon ay naaalala niya na sinasaklat niya lang ito sa kan’yang balikat habang naglalabas-pasok ang b*rat niya sa lagusan nito. Napatikhim siya at umiwas ng tingin. “Ano’ng sinabi mo?” Hindi niya kasi narinig ang sagot nito dahil nabaling ang pokus niya sa iba. [Ang sabi ko alas syete ng gabi naroon na dapat ang lahat. Siya nga pala, balita ko ay may bagong babae ka raw. Dalhin mo rin siya. Gusto namin s’yang makilala.] Tumahimik ng ilang sandal si Elias bago nakakuha ng sagot. “Sige. Pero huwag kayong magkakamali…” banta niya rito. Alam ng mga ito na ayaw na ayaw n’yang may humahati sa atensyon ng babae niya kahit pa kaibigan niya. Isa iyon sa mga pinagkasunduan nila. [Ano’ng akala mo sa’min? May babae rin kami ‘no!] Pagkatapos ng tawag ay tumayo si Elias at pumunta sa damitan ng dalaga. Nagtataka man ang kasama ay hinayaan siya nito sa pagpili ng damit. Kumuha ito ng isang damit na may mahabang manggas hanggang palapulsuan at high waist na itim na pants. “Ito ang suotin mo ngayon. Lalabas tayo at makikipagkita sa mga kaibigan ko.” Napanganga si Ysabelle. “Ha? Makikilala ko na ang mga kaibigan mo? Baka p’wede nalang dito ako sa penthouse mo? Paano na lang kung mapahiya ka?” Tumaas ang kilay ni Elias. “Sasama ka sa akin. Tandaan mo ‘wag kang lalayo sa tabi ko at ayoko rin na tumititig ka sa mga kaibigan ko naiintindihan mo?” malamig na utos nito. Kinuha ng dalaga ang mga damit at isinuot ito. Medyo kinakabahan siya dahil hindi niya maiwasang isipan na baka ano ang isipin ng mga kaibigan nito kapag nakita siya. Bakit naman kasi kailangan pa s’yang sumama? “Kung maganda ang kilos mo mabibigyan kita ng gantimpala. Pero kung hindi…” “Alam ko ‘wag kang mag-alala. Sa’yo lang ako, ayos ba ‘yon? Ikaw naman ang pinakagwapo sa paningin ko bakit pa ako titingin sa iba?” Gusto niya lang ikalma ang lalaking ‘to dahil mukhang nagagalit na naman at hindi naman siya nabigo. Lumapit ito sa kan’ya at niyakap siya ng mahigpit sabay arko ng kan’yang likod at halik sa kan’yang labi. Napapikit siya at nilabanan ang halik nito. Ipinulupot niya ang dalawang braso sa leeg nito. Tumungo ang halik ni Elias sa kan’yang leeg at sinupsop ang bahaging ‘yon. “Mabuti at alam mo. Baka hindi pa tayo matuloy kapag hindi ko napigilan ang sarili kong angkinin ka ngayon din. Magbihis ka na. Gusto kang makilala ng mga kaibigan ko.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD