Kabanata 7: Moody

1270 Words
Pinigilan ni Ysabelle ang kamay nitong unti-unting pumapasok sa loob ng kan’yang blusa. “Elias, ano ba? May ibang tao atsaka mali ka ng napansin. Hindi ako galit,” sagot niya rito at mabilis na tumingin kay James para tingnan kung nakita ba nito ang ginawa sa kan’ya ng binata. Nakakahiya iyon. Sa harap pa talaga ang ibang tao? “Mukhang iba ang sinasabi ng mukha mo, Ysabelle? Kulang ba ang perang binigay ko sa’yo at ‘di ka nasiyahan sa pamamasyal mo? Gusto mong samahan kita?” sarkastikong turan ni Elias at hinawi ang buhok nito na nasa gilid ng mukha. Napakaganda ng ani Ysabelle kaya hindi nakakapagtaka kung bakit dumami ang dumadalo sa aliw sayawan dahil sa mga ganitong mukha. “Ikaw lang ang nag-iisip n’yan. Sobrang init kasi sa labas at dahil pumasok ako sa malamig mong kotse medyo sumakit ang ulo. Isa pa sobra na nga ang perang binigay mo sa akin, isang taon ko nang sahod ‘to doon sa club,” sagot niya. Kahit nagtataka siya kung sino ang babaeng kasama nito ay hindi niya na panghihimasukan dahil personal na buhay iyon ng lalaki. Kailangan niya lang manatili sa tabi nito ng apat na buwan at pagkatapos n’yon ay tapos na ang koneksyon nila sa isa’t-isa. “Ayokong ng gano’n ka sumagot sa akin, naiintindihan mo? Baka gusto mong gumawa tayo ng milagro sa loob ng kotse. Magandang ideya ‘yon ‘di ba?” mapang-akit ang boses nito at kinagat pa ang kan’yang tenga. Napakislot si Ysabelle at napatikom ng bibig para walang lumabas ng ingay. “Elias, pakiusap ‘wag naman dito,” pagmamakaawa niya nang maramdaman niya ang mainit nitong labi na tumutulay sa kan’yang leeg. Napatigil ang lalaki pero hinaplos-haplos nito ang kan’yang kurba bago bumalik sa p’westo nito at tumingin sa unahan. Ito na nga ba ang sinasabi niya na para s’yang hayok sa babaeng ‘to. Kahit kakatapos niya palang k*nt*tin ang kstulong ng secretarya niya ay parang hindi siya nakokontento. Ang bilis kasing labasan ng babaeng ‘yon kahit hindi pa siya pumapasok sa p*ke nito. “Mamili muna tayo ng mga kakailangan sa penthouse. Dahil nariyan ka na, inaasahan kong ikaw ang mag-aalaga at mag-aasikaso roon habang nagtatrabaho ako. Gusto ko kapag uuwi ako ay nakahain na ang pagkain. Sasalubungin mo ako ng halik mo sa labi ko naiintindihan mo?” Muntik nang mapapreno si James sa narinig sa amo. Ano raw? Tama ba ang narinig niya? Sa inuutos nito ay parang asawa na ang turingan ng dalawa. Ano kaya ang reaksyon ni Miss Ysabelle? Nagulantang kaya ito? “Sige kung ‘yan ang gusto mo.” Napaawang ng bibig ng driver sa sagot nito. Toto oba ‘yon? Agad na um-oo ng walang pag-aalinlangan. Napailing siya. Mukhang nasa unahang ranggo ng mga babae ng amo niya ang bagong babae nito. Sino kaya ang magtatagal sa huli? — Pumasok sila sa pamilihan at agad na kumuha ng malaking pushcart si Ysabelle. Kapansin-pansin ang itsura ng dalawa lalo pa’t matatangkad sila, tila mga modelo kung pagbabasehan. “P’wede kang kumuha ng mga gusto dahil ikaw ngayon ang magiging tagapagluto ko.” Tumango si Ysabelle at agad na pumunta sa seksyon ng mga gulay, prutas, rekados at mga gagamitin sa kusina. Hindi naman siya ang magbabayad kaya marami ang kinuha niya iyong p’wede na sa isang buwan. May lumapit sa kan’yang isang lalaki at tinulungan siya sa pagkuha ng ilang bagay. “Ang ganda niyo ho. Kayo lang ba mag-isa?” tanong nito habang nakangiti ng malaki. Naghiwalay kasi sila ni Elias sa loob. Hindi niya alam kung saan ito nagpunta. “Ah, may kasama ako, pero may tiningnan lang.” Hindi naman maiwasan ng mga lalaki na humanga lalo na sa isa pang magandang dilag. Kaya naman itong lalaki ay kinuha ang pagkakataon na makilala ito. Malay ba niya kung kapatid pala ang kasama nito o kaibigan. “Kaibigan niyo ba? Kapatid?” “Ah…” Ano bang sasabihin niya? Girlfriend? Sabi lang kasi ni Elias ay babae siya nito? Babae lang dahil marami pa sila. “Nobya ko siya. Bakit mo natanong?” Pareho silang napatingin sa kinaroroonan ng boses na ‘yon. Nasa likod ng lalaki si Elias habang masama ang titig nito sa naturan. Biglang nakaramdam ng kaba at tumindig ang balahibo nito sa batok nang makita ang lalaki sa likod. Sa pangangatawan pa lang nito ay wala na s’yang binatbat. “Ah, kayo ho—” “Alis!” malamig na asik nito. Hindi nagustuhan ni Elias ang pagsunod-sunod nito sa babae niya. Hindi iyon maganda sa mata at ayaw na ayaw n’yang may kumukuha ng atensyon nito maliban sa kan’ya. “Elias, kumalma ka. Tinulungan niya lang ako,” malumanay na pagpapakalma ni Ysabelle sa binata at hinawakan ang braso nito. Natatakot siya na baka may gawin ito kaya mas magandang pigilan niya ito. Nabaling ang tingin ng binata sa kan’ya. “Tara na at umalis na rito.” Hinawakan nito ang kan’yang kamay at kinaladkad siya patungo sa cashier habang ang isang ay tulak-tulak ang cart. Ramdam ni Ysabelle na medyo humupa lang ang inis nito kaya hinigpitan niya ang kapit sa palad nito. Kanina pa napansin ni Elias ang matang nakatitig kay Ysabelle. Kung wala lang tumawag sa kan’ya ay paniguradong walang makakalapit sa dalaga. Agad n’yang binayaran ang pinamili at inutusan si James na bitbitin iyon patungong kotse. Pagdating sa loob ay doon lang nito binitawan ang kamay ni Ysabelle at inalis ang necktie dahil pakiramdam niya na naiinitan siya. “Galit ka ba?” mahinahong tanong ng katabi niya. “Hindi,” malamig na tugon nito. Tumahimik si Ysabelle hanggang sa makarating sila sa penthouse. Maging si James ay agad na dinala ang mga pinamili nito sa loob pagkatapos ay mabilis na nilisan ang lugar. Iba pa naman magalit ang boss niya. Mukhang si Ysabelle ang magre-reyna-reyna sa mga babae ng amo niya. Dapat n’yang ipagsabi ito sa mga kasamahan niya at magpustahan. “Elias,” tawag pansin ni Ysabelle nang nilalabas niya ang mga bagay na binili kanina. Hinubad nito ang suot na polo at kumuha ng malamig na tubig sa ref. Napalunok si Ysabelle at muling nag-pokus sa ginagawa. “Ano bang gusto mong lutuin ko?” tanong niya rito. Linapag ng binata ang baso sa counter ng kusina at umupo sa stool doon. “Sa susunod ‘wag kang lalabas na nakasuot ng maikling shorts. Simula ngayon ay ipapakita mo sa akin ang isusuot mo bago ka lumabas,” mariing utos nito. Kahit malamig na tubig hindi siya mapakalma. Napatigil si Ysabelle. “Bakit pati iyon? Hindi naman ‘yon kasali sa pinirmahan kong kontrata ‘di ba?” Pati ba naman pananamit niya ito ang masusunod. Lumingin si Elias sa dalaga at pinaningkitan ito. “Ngayon dinagdag ko na kaya sundin mo na lang.” Naglandas ang kan’yang mata sa mukha nito pababa sa labi. Napalunok siya at kinuyom ang kamao sa ibabaw ng mesa. P*tang*na. Dahil sa babaeng ‘to dumagdag ang kasalanan niya. Tumayo siya at pumunta sa likod ng dalaga. Nahigit naman ang hininga ni Ysabelle nang maramdaman ang presensya nito sa likod niya. Lumakas ang t***k ng puso niya at medyo nanginig ang kamay niya. Napapikit si Elias nang malanghap ang nakakaadik na amoy nito. Hinawakan niya ang magkabilang balakang ng dalaga at binigyan ng mumunting halik ang balikat nito. Napaarko si Ysabelle at tinagilid ang ulo para mabigyan ng espasyo si Elias. Unti-unting binalot ng dalawang kamay nito ang malusog n’yang dibdib kaya napaungol siya. “Oooh!” Tumigil ang binata at pinisil ang pwetan nito. “Tuwad.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD