Habang abala si Elias sa babae nito ay abala naman sa pamimili si Ysabelle sa loob ng isang mall. Nasa likod niya lang si James dahil utos daw ng amo nito na hindi siya maalis sa paningin at ‘wag hayaan mag-isa. Bakit? Natatakot ba ito na may gawin siya na nakalahiya? Hindi naman siya gano’n lalo na sa publiko.
Una s’yang pumasok sa isang shop ng mga damit. Tiningnan niya ang ilang price nito at pinakamababa na yata ang 299 pesos. Dati hindi siya nakabili dahil sa mahal nito minsan pa ay sa divisoria siya namimili dahil mura na doon, magaganda pa ang kalidad.
“Yes, ma’am?” Lumapit ang isang sales lady sa kan’ya.
“Ah, meron ba kayong ibang kulay nito. May puti ba? Marami na kasi akong kulay na itim na damit. P’wede rin naman na kulay kayumanggi,” tanong niya rito.
“Mga rason! Wala lang ‘yang pambili,” sumbat ng isang sales lady na malapit sa cashier.
Narinig iyon ng dalawa at binigyan na lamang ng sales lady si Ysabelle ng mapaumanhing ngiti. “Pasensya na po sa naturan ng kasama ko.”
“Ayos lang, pero sana ‘wag n’yang ulitin dahil walang bibili sa shop niyo na ‘to kapag nagkataon.” Iilan lang ba ang narito? Tatlo lang naman sila. Hindi naman siya mabait na tao, sa mga pinagdaanan niya natuto s’yang tumayo at lumaban para sa sarili.
Imbes kasi na maging maganda ang pamimili ng customer ay aalis na lang ito dahil sa inis.
“Pasensya na po talaga. Balikan ko po kayo at titingnan ko sa stock room kung may kulay kayong hinahanap.”
“Sige.”
Naglibot-libot pa si Ysabelle sa loob at kumuha ng tatlong pants, dalawang shorts, dalawang mahabang palda at isang jacket.
“Hmp! Wala kaming home credit dito at hindi ‘yan p’wede bayaran ng installment.”
Huminga ng malalim si Ysabelle dahil sa komento ng sales lady. Talagang sinadya pa nitong maglakad sa likod niya para sabihin iyon.
“Huwag kang mag-alala miss, may pambayad naman ako,” kalmado n’yang sagot.
“Dapat lang. Iyong pumapasok dito lahat bumibili at hindi tumitingin-tingin lang.”
“Hoy, ano ba!” saway ng kaninang sales lady na nag-assist sa kan’ya. Tumingin ito sa kan’ya at inabot ang puting blusa. “Iyan na lang po ang last na stock at siguradong kasya sa katawan niyo.”
“Salamat. P’wede mo ba akong tulungan dalhin ito sa counter. Magbabayad na kasi ako.”
Tinulungan naman siya nito at isa-isang pi-nunch ng cashier ang mga damit.
“4,865.50 pesos ang kabuuan ng lahat na pinamili niyo.”
Kinuha ni Ysabelle ang kan’yang card sa bag at iaabot na sana nang may isa pang card ang sumingit sa kan’ya.
“Ako na ang magbabayad. Pakilagay na lahat ‘yan sa paper bag,” utos nito.
Nabaling doon ang tingin ni Ysabelle at hindi niya ito mamukhaan dahil hindi niya ito kilala.
“Hindi na, miss. Gamitin mo itong card ko dahil may pera naman ako,” giit niya sa cashier at pinilit iyon sa kamay ng babae.
“Ako na. Ako nga pala si Franco. Ikaw?”
Kayumanggi ang kulay ng buhok nito, makapal ang kilay, bilugan ang mata, matangos ang ilong na tila ba may lahi at may dimple kapag ngumingiti sa kanan.
“Ako si Ysabelle. Hindi mo na dapat ginawa iyon dahil kaya ko naman magbayad. Babayaran na lang kita.” Kumuha ng pera sa loob ng pitaka si Ysabelle. Mabuti na lamang at nag-withdraw siya kanina. Binigyan niya ito ng limang libo. “Ayoko nq magkaroon ng utang na loob. Salamat.”
Kinuha ng dalagaa ang paper bag at umalis na sa shop. Doon siya sinalubong ni James at kinuha ang pinamili nito.
Samantala, ang lalaki naman na nagngangalang Franco ay nakatingin lamang sa papalayong dalaga. Napailing siya. Hindi man lang siya lubos na nakapagkilala dito.
Tumingin siya sa sales lady kanina. “Tanggal ka na sa trabaho. Hindi ko gusto ang talas ng dila mo sa nga customer ng shop ko. Pumunta ka sa HR para kunin ang sahod mo.”
Oo. Sa kan’ya ang shop na ‘to. Malimit lang talaga ang customer nila dahil karamihan ay online ang mga ito bumibili.
“Sir, pero—”
Itinaas ni Franco ang kan’yang kanang kamay para patigilin ang sasabihin nito.
“Alam ko ang nakita ko at sapat na ‘yon para paalisin ka rito.”
Napahinga siya ng malalim. Babalik pa kaya ang dalagang ‘yon dito?
—
Imbes na kumain sa restaurant ay naisipan na lamang ni Ysabelle na mag-take out sa fast-food chain na pamilyar sa kan’ya. Sa loob na lamang siya ng kotse kumain. Niyaya niya naman si James, pero busog pa raw ito kaya hindi na niya pinilit.
“Saan tayo pupunta, James? Tanda ko hindi ito ang daan pabalik. Ibang ruta ba ang tinatahak mo?”
“May inutos sa akin si Sir Elias na kunin sa kompanya. Mabilis lang po ako, Miss Ysabelle.”
Sa kompanya? Gaano kaya katayog ang kompanya nito? Katulad kaya sa nakikita niya sa telebisyon? Tumingin siya sa labas habang kumakain. Ilang sandali pa ay tumigil ang sasakyan sa tapat ng entrance nito.
“Gusto mo bang sumama, Miss Ysabelle?” yaya ni James rito.
“Hindi na,” tanggi niya. “Gusto ko pang kumaim kaya hihintayin na lang kita dito.”
Tumango ang lalaki at umalis na. Bago ito tuluyang makapasok sa loob ay may hinabilin ito sa guard.
Ang totoo n’yan ayaw talaga ni Ysabelle dahil hindi angkop ang kan’yang kasuotan dito. Mapapahiya si Elias.
Kamusta na kaya ang mga katrabaho niya sa club? Ano kaya ang sinabi ng boss n’yang rason sa kan’yang pag-alis? Hindi naman siguro ito kawalang puso para sabihing ipinagbili siya kay Elias.
Napahinga siya ng malalim at tumingin sa mga pinamili niya. Nakakagaan at ang saya sa pakiramdam na nabibili niya na ang gusto niya. Iyong datibg hanggang tingin lang ngayon nahahawakan niya na. Hindi nga siguro masama na um-oo siya sa kondisyon ni Elias. Apat na buwan lang naman, mabilis lang ‘yon.
Ilang minuto pa ay napatingin siya muli sa malaking gusali at natyempuhan na papalabas si James. Napangiti siya ngunit tila na-stuck iyon nang makita sa likod nito si Elias habang may kausap na babae.
Maganda ito pati na rin ang katawan. Mukhang magkakilala ng lubos ang dalawa dahil nakita niya pang natatawa si Elias sa sinasabi nito.
Bagay sila.
Sino kaya ito? Kasintahan? Mukhang hindi rin dahil bakit pa siya aalukin ni Elias kung may nobya na ito? Hindi ba’t panloloko iyon?
Nagkunwari s’yang may tinitingnan sa telepono nang makarating ito sa kotse. Bumukas ang pinto sa gilid niya at pumasok ang lalaki.
“Tapos ka nang bumili ng mga gusto mo? Ang bilos mo naman akala ko aabutin ka ng hapon,” wika nito at nilagay sa ibaba ang mga paper bag para umusod sa tabi ng dalaga.
“Ah, oo. Gusto ko nang umuwi dahil nakakapagod na at dumarami na ang tao sa mall. Ikaw? Ano’ng ginagawa mo rito? Hindi pa tapos ang trabaho mo ‘di ba?” pagtataka niya. Atsaka may kausap itong babae bigla na lang iniwan. Napatingin siya sa leeg nito na namumula pa.
Gano’n pala. Maliban sa kan’ya meron pang iba. Ila n kaya silang babae nito?
“Uuwi na ako ng maaga. P’wede naman ako magtrabaho sa bahay lang. Bakit ayaw mo?”
Umiling si Ysabelle. “Wala akong sinabi. Kadalasan kasi alas singko ng hapon natatapos ang trabaho. Sabagay ikaw naman ang may-ari kaya lahat ng gusto mo nagagawa mo.”
Tumaas ang kilay ni Elias at mahigpit na hinawakan ang kan’yang hita na kinatingin nito sa kan’ya na may halong pagtataka at isa pa. Nagsalubong ang kan’yang kilay at lumapit ang mukha sa dalaga.
“Bakit parang inis ka? May nagawa ba akong mali? Hindi ko gusto ‘yang tono mo, Ysabelle. Baka gusto mong galawin kita rito sa kotse? Magandang ideya ‘yon ‘di ba?”