Kabanata 5: Maine

1161 Words
Nakatulog si Ysabelle dala sa nangyari kanina. Naka-dalawang round pa kasi sila ni Elias at ginawa pa ‘yon sa lababo habang nakaupo siya. Nagpapasalamat na lamang siya dahil walang nakakakita sa kabalastugang ginagawa nila dahil sa taas ng condo nito at walang nagtatrabaho para linisin ang malalaking bintana. Wala na s’yang malay noon, pero alam niya na binuhat siya ng binata papunta sa kwarto. Kinabukasan ay naabutan n’yang wala na ito at nabasa na lamang ang isang sticky note sa ref na umalis na ito para magtrabaho. Nagluto siya ng almusal dahil tinapay lang ang naroon. Ayaw n’yang ma-bored sa penthouse na ‘to na kahit malaki ay wala naman s’yang ginagawa. Nagsuot lang siya ng simpleng blusa na berde at maong na shorts. Bago lumabas ng bahay ay nagbigay siya ng mensahe kay Elias na aalis lang siya at babalik ng hapon. Nakuha niya na rin ang ATM niya kahapon na bigay ng binata na naglalaman ng 150 thousand. Bakit? Nagustuhan raw nito ang performance niya sa nagdaang gabi na magkasugpo ang kanilang katawan. Napatawa si Ysabelle dahil napakagalante naman pala ng binata. Paglabas niya ay sumalubong sa kan’ya ang isang lalaki kaya napaatras siya. “Ma’am Ysabelle, ako po si James. Ako po ang inatasang driver niyo na utos na rin ni Sir Elias,” pagpapakilala nito. Sa totoo lang ay nakakapanibago para sa lalaki ang ganitong pangyayari dahil kadalasan sa mga babaeng naikakama ng boss niya ay hinahayaan lang nito sumakay sa kahit ano, pero ito ngayon siya at inutusang bantayan ang dalaga. Maganda oo, pero halos lahat naman ng mga babae ng amo niya ay kapwa magaganda at mas maganda pa rito. “Hindi sa’kin sinabi ‘to ni Elias, pero maraming salamat.” Hindi na tumanggi pa ang dalaga at pumasok sa loob. Libre na at mas maganda kung may sarili taslaga s’yang sasakyan. Pinaparanas talaga sa kan’ya ni Elias ang yaman. “Saan ho tayo?” tanong ni James na tumingin sa rearview mirror ng sasakyan. “Ah, sa pinakamalapit lang na mall,” sagot ng dalaga. Tumingin siya sa labas nang tanguan siya ni James. Dati nakipagsiksikan pa siya sa pampasaherong jeep at bus para makarating sa trabaho, ngayon ang komportable niya na. Iba rin talaga ang agwat ng mga taong mayayaman sa mahihirap na katulad niya. Panakana ang tingin ni James sa dalaga. Nagtatanong ang kan’yang isipan kung an oba ang naiiba rito. Maganda nga ang umaga ng amo niya nang dumating sa kompanya, eh. [Gusto mong butasin ko ‘yang mata mo, James?] Biglang napaubo si James kaya napatingin sa kan’ya ang dalaga sa likod. Itinaas niya ang hinlalaking daliri para sabihing maayos lang siya. Sh*t! Nakalimutan n’yang may naka-install na camera sa loob. Biruin mo nga naman, biglang nagpalagay ng camera ang boss niya. Simula na ba ito ng pagiging bantay sarado ng amo? Nawala ang magkasalubong na kilay ni Elias nang nag-pokus na sa iba ang tauhan niya. Napatingin siya sa makinis na binti ng dalaga na nakapatong lang sa balikat niya kagabi. Napahinga siya ng malalim. Ano ba ang pinainom sa kan’ya ng babaeng ‘to at para s’yang palaging uhaw? Sinara niya ang kan’yang laptop at kumuha ng malamig na tubig. “Sir?” “Pasok,” awtoratibong wika ni Elias dito na hindi nababaling ang tingin sa pinto. Bumukas ang pinto at pumasok ang assistant ng secretary niya na si Maine. Ang kanyang puso ay kumakabog nang bahagya habang siya'y pumasok. Ang opisina ay malinis na malinis tulad ng dati, na nagpapakita ng pagkametikuloso ni Elias. Ang mga istante na puno ng mga libro at parangal ay nagpalamuti sa mga dingding, at ang malalaking bintana ay nagbibigay ng malambot, natural na liwanag sa silid. Ang kan’yang amo ay nakaupo sa likod ng malawak na desk na yari sa mahogany, ang madilim nitong buhok ay bahagyang magulo, ang matalim na mga mata na itim ay nakatutok nang husto sa mga dokumentong nasa harapan nito. Bumilis ang t***k ng puso ni Maine sa kan’yang pagkakita, tulad ng lagi, ngunit tinago niya ang kan’yang damdamin sa pamamagitan ng isang propesyonal na ngiti. “Magandang umaga, Sir Escalante,” bati niya sa maayos na boses. Alam na alam niya ang lifestyle nito pagdating sa mga babae. Ang daling magpalit na tila isa lang silang laruan at alam niya rin na wala pang babae ang magpapatino rito. “Narito po ang mga ulat na hinihingi niyo.” Ibinaba niya sa mesa nito ang mga folder. “Hmm. P’wede ka nang umalis.” Napatikhim ang dalaga at inalis ang dalawang butones ng kan’yang blusa. “Mukhang kailangan mo ng pampalipas oras.” Dahan-dahang lumapit si Maine kay Elias, ang bawat hakbang ay puno ng layunin na gustong gawin sa binata, ang kan’yang mga takong ay mahinang tumutunog sa makintab na sahig na kahoy. Ang kan’yang puso ay tumitibok nang mabilis, ngunit matatag ang kan’yang loob. Huminto siya sa harapan nito. Tumingala ang lalaki mula sa kan’yang trabaho. Bago pa siya makapagsalita, yumuko ang dalaga, ang mapang-akit na ngiti ay kumikislap sa mukha nito. Dumulas ito sa kandungan niya nang may isang likas na galaw, ang kan’yang mga braso ay umikot sa leeg niya. “Maine,” simula ni Elias, ang kanyang boses ay halo ng pagbabanta at isang bagay pa—isang bagay na inaasahan n’yang pagnanasa. Pinigilan ito ni Maine gamit ang kan’yang daliri sa mga labi ng binata, ang kan’yang ngiti ay lumapad. "Shh, Elias," bulong niya, ang kan’yang boses ay mababa at mapang-akit. “Sandali lang, hayaan mo akong bigyan ka ng pampalipas ng oras. Hindi mo ba na-miss ang ginagawa ko sa’yo?” May nangyayari talaga sa pagitan nila ng assistant ng sekretarya niya. Sino ba naman siya para tanggihan ito? Ito na ang nagbigay ng sarili nito para makapagpalabas siya ng libog kapag narito siya sa kompanya. Ramdam ni Maine na tumatalab na ang ginagawa niya sa lalaki. Ginalaw niya ang balakang sanhi para pisilin nito ang kan’yang pwetan. Hinalikan niya sa pisngi ang amo, ang kan’yang mga labi ay nagtagal ng ilang sandali. “Gamitin mo ako, Elias. Gamitin mo hanggat sa gusto mo,” bulong niya, muling tinitigan ito sa mga mata. Umangat ang sulok ng labi ni Elias. “Alam mo naman siguro ang pinasok mo, Maine.” Tumango ang dalaga at kinuha ang kan’yang kamay para ilagay ito sa dibdib nito. “Alam ko. Alam ko rin naman na kakailangan mo ako ulit.” Habang wala pang babae na magugustuhan nito, gagawin niya ang lahat para mahulog ito sa kan’ya nang sa gano’n ay makuha niya hindi lamang ang katawan nito pati na rin ang puso. Ang silid ay tila lumiit sa paligid nila, ang mundo sa labas ay nawawala sa kawalang-halaga. Sa naising sandaling iyon, naramdaman ni Maine muli ang masarap na pagsasama nila. Ang kan’yang puso ay tumitibok kasabay ng walang katapusang pananabik na naghari sa hangin. Hinayaan n’yang gamitin ni Elias ang kan’yang katawan dahil iyon naman ay kagustuhan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD