03

1223 Words
Chapter 03 3rd Person's POV "Dala ka ng payong malakas ang ulan ngayon sa labas," ani ng kapalitan ni Barry na dumating na din at nakasuot na ng uniform. "Sige dre salamat. Palit lang ako ng damit," ani ni Barry at umalis na sa bartender station. Tinapik niya ang balikat ng kasamahan at dumiretso sa staff room. Pagkapasok doon at dumiretso siya sa locker niya sa loob ng staff room. Binuksan niya ang pinto ng locker at kinuha ang ilang mga damit niya para magpalit. May pasok pa siya bukas— kailangan niya makauwi agad para makapagpahinga kahit ilang oras. Matapos ayusin ang sarili sinara niya na ang locker niya at kinuha ang bag niya. Nagpaalam na siya sa owner at manager. Dala ang payong ay lumabas na siya ng restobar. Napatigil si Barry noong paglabas niya may nakita siyang babae na nakaupo sa gutter sa gilid ng isang sasakyan. Lumapit si Barry para mag-offer ng tulong. Hindi na bago iyon sa kaniya may mga costumer talaga na sobrang kalasingan ay hindi na nakakapasok ng sasakyan nila. "Kailangan mo ba ng tulong?" Nilagyan ni Barry ng payong ang babae. Nakatayo ngayon si Barry sa gilid ng babae na nakaupo sa gutter at nakayuko. Napatigil ang babae at tumingala. Natulala bahagya si Barry. Ito iyong babae na nakasalubungan niya ng tingin kanina— mas maganda pala kasi talaga ito sa malapitan. "Nagtatrabaho ka sa bar hindi ba? Magkano ang isang gabi mo?" tanong ng babae. Napa-what si Barry. "Iyong work ko? Gusto mo din ba maging bartender?" tanong ni Barry. Napatanong si Barry sa sarili kung lasing na ba talaga ang babae. Tumayo ang babae. Sumampa sa gutter at doon napansin ni Barry na matangkad pala talaga ang babae dahil halos magkasing height na lang sila. Nilapit ng babae ang mukha kay Barry. Tinanong ulit kung magkano ang isang gabi ni Barry. "I need someone who can spend a night with me." Na-shocked si Barry. Doon na-gets ni Barry ang sinasabi ng babaeng nasa harapan niya. Ngayon alam niya na kung anong tinatanong ng babae. Napagkamalan ba siyang call boy nito? Tiningnan niyang maigi ang babae at tinatantiya kung seryoso ba ito. Like sa mga nababasa niyang novel at napapanood na movies ang mga nagsasabi 'non ay iyong mga mayayaman na lalaki na walang mga magawa sa buhay. Hindi niya talaga maintindihan ang isip ng mayayaman. Ibubuka ni Barry ang bibig para sabihin sa babae na hindi siya available at wala itong time nang putulin iyon ng babae bago pa siya makatanggi. "20 thousand," putol ng babae sa kaniya. Umayos ng tayo ang babae at walang expression na tiningnan si Barry. "Kapag sumama ka sa akin may 20 thousand ka na agad. Kapag nagustuhan ko ang performance mo dadagdagan ko iyan ng 50 thousand," ani ng babae. Nagulat si Barry. Ilang buwan niya ng kita iyon sa restobar. Napaisip si Barry. Maganda ang babae, maganda din ang hubog ng katawan at makinis ang balat— wala naman mawawala sa kaniya kung papatulan niya ito. Bukod sa may pera na siya hindi na din siya aasarin ng mga kasamahan niya na ermitanyo. "Fine, payag na ako," sagot ni Barry. Hindi alam ni Barry kung imagination niya lang dahil nakita niya ang babae na ngumisi matapos sumagot si Barry na sasama siya. Tumungo sila sa malapit na hotel. As in isa iyong mamahalin na hotel— malapit naman iyon ngunit dapat ba talaga doon. "Huwag kang mag-alala ako magbabayad," sagot ng babae. Wala 'man lang itong emosyon either reaksyon. Napaisip si Barry kung ganoon pa din ba ang expression nito kapag nasa ibabaw na sila ng kama. Umiling-iling si Barry. Wala pa sila doon kung anu-ano na naiisip niya. Matapos ipakita ng babae ang I.D niya biglang yumuko ang receptionist. Nagtaka si Barry— inaya na siya ng babae patungo sa elevator. Doon kinabahan si Barry. Napatanong si Barry kung seryoso ba talaga ang babae doon— hindi ba ito nagbibiro lang. Pinindot ng babae ang elevator. Nasa likod si Barry na ngayon ay nagtatanong sa sarili kung bakit ba siya pumayag. Sumakay na ang babae sa elevator. Napalunok si Barry at sumakay na din. Kung sabihin ni Barry na wala siyang experience— ayaw niyang imaginin iyong magiging sitwasyon niya kapag bigla siyang tinawanan nito. Huminga si Barry ng malalim. Sinabi ni Barry sa sarili na bahala na. Nilingon ni Barry ng kaunti ang babae na naka-cross arm at hindi 'man lang siya nito tinapunan ng tingin. Sa kalibre ng babaeng nasa tabi niya walang lalaki ang hindi nito makukuha kahit pa mga artista iyon at modelo. Bakit siya ang niyaya nito— dahil ba siya ang unang lumapit? Napakamot sa ulo si Barry. Ayaw niya na isipin iyon dahil baka sumakit lang ang ulo niya. Hindi niya kilala ang babae— pagkatapos ng gabing iyon siguradong magkakalimutan na din silang dalawa. Siguro naman hindi siya ang unang lalaki. Masyado itong straight forward kanina. Paglabas nila ng elevator doon nagdesisyon si Barry na gagawin na niya. Lalaki siya— iyon paulit-ulit na sinabi ni Barry sa sarili Kinaumagahan, Sa gilid ng kama nakatakip ang mukha ni Barry habang mahinang minumura ang sarili. Half naked siya at nagkalat ang napakaraming damit sa sahig. Sa kama nakahiga ang babae na nakasiping niya ng hindi nalalaman ang pangalan. Nakatalikod ito sa direksyon niya. Bahagyang lumingon si Barry. Tulog pa din ang babae. Napasobra siya kagabi. Tapos nalaman niya pa na virgin ang babae— nabigla din siya. Mukhang nasaktan niya ito kagabi ngunit hindi siya nito hinayaan na tumigil. Hinalikan niya pa ito sa labi at naalala niya ang gulat sa mukha nito. Napatigil si Barry matapos maalala ang expression ng babae. Napasapo si Barry sa noo. Hindi maalis sa isip niya ang mukha ng babae. Tumayo na si Barry at nag-start ng magbihis. Mag-iiwan na lang siya ng note sa babae. Kumuha siya ng panulat at papel. Nagpapaalam na si Barry at nag-sorry din dahil nasaktan ito kagabi. May nakita si Barry na cheque. May 70 thousand doon na nakasulat. Hahawakan iyon ni Barry ngunit agad niya binawi ang kamay at pinatong na lang doon ang papel. Kinuha na ni Barry ang bag niya at naglakad na palabas ng room. Matapos buksan ang pito ay sandaling lumingon si Barry. Lumabas na si Barry at dahan-dahan sinara ang pinto. Akala ni Barry iyon na ang huling pagkikita nila ng babae. Hindi na din niya kasi kinuha ang pera at hindi na din bumalik ang babae sa restobar. Hanggang sa makalipas ang halos isang linggo bumalik ang babae sa bar at this time mag-isa na lang ito. Nag-order ito ng juice at makakain ngunit hindi naman kinakain either ginagalaw. May ilang guy na lumalapit sa table ng babae ngunit wala pang isang minuto ay umaalis ang mga ito. "Barry kilala mo ba ang girl na iyon?" tanong ng isa sa mga waiter na nanggaling sa table na malapit sa kinauupuan ng babae. Nilingon ni Barry iyong babaeng tinuturo ng kasamahan. Napatigil si Barry matapos makita ang pamilyar na babae. "Kanina pa siya patingin-tingin sa pwesto mo. Mukhang mataray eh— savage masyado. Nakakaagaw siya ng pansin. Sinabihan ba naman panget iyong lalaki na umupo sa table niya at sinubukan siya kausapin. Ang ganda sana kaso ang talas ng dila— ako na nahihiya para sa costumer." "Kilala mo ba?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD