02

1107 Words
Chapter 02 3rd Person's POV Noong umaga inilabas ni Barry ang anak na babae sa hospital. Binalot niya ang anak sa jacket at niyakap. Tumungo sila sa sakayan at nag-abang bus. Umupo doon si Barry habang nakahilig sa balikat ni Barry ang natutulog na anak. Makalipas lang ang halos limang minuto ay sumakay na sila sa bus na patungo sa isang probinsya. Iyon ang probinsya kung saan lumaki ang ina niya. Sumakay na siya sa bus matapos magbayad at tumungo sa pinakalikod na upuan ng bus. Pasalamat na lang si Barry dahil walang gaano na tao doon. Umupo si Barry at sumandal sa upuan. Nagising na din ang batang babae at pagmulat niya ng mata nakahilig siya sa balikat ng ama. Nakaupo si Myles sa mga hita at tiningnan ang ama. Ngumiti si Barry at binati ng good morning ang anak. "Daddy," ani ni Myles at kinusot-kusot ang mata. "Uuwi tayo ng probinsya. Iyon ang probinsya kung saan lumaki ang grandma mo. Iyong mommy ko," ani ni Barry. Parang nagising ang diwa ng anak ni Myles matapos marinig iyon. "Mommy ni daddy? Nandoon ba si grandma? Makikita ba natin siya doon?" tanong ng batang babae. Bumakas ang lungkot sa mukha ni Barry ngunit pinilit nito ngumiti. "Pag-uwi natin ipapakilala kita sa kaniya. Siguradong matutuwa siya kapag nakita ka," ani ni Barry na may malambot na expression. Pinakain ni Barry si Myles ng binili niyang soup na nasa lalagyan kanina. Sinabi ni Barry na kailangan ni Myles kumain ng marami at magpalakas ng katawan. Walang gana si Myles halata naman iyon ni Barry ngunit natutuwa siya dahil pilit ang bata na kumain. "Daddy, kumain ka na?" tanong ng bata. Sinabi ni Barry na wala siyang gana. "Mamaya kakain ako before mag-lunch okay? Sasabayan kita," ani ni Barry na may ngiti sa labi. Hinaplos ni Barry ang buhok ng anak. Hindi na natulog ang batang babae. Tumingin na lang ang bata sa bintana at sinilip ang mga nadadaanan nilang mga palayan at mga puno. "Daddy, kapag big girl na ako. Ako naman mag-aalaga sa iyo," ani ng bata. Napatigil si Barry at napatingin sa anak na nakaharap sa kaniya habang nakaupo sa mga hita niya. Nakahilig ang bata sa dibdib ni Barry. "Bago mo isipin paano ako aalagaan isipin mo muna kung paano ka lalaki agad," ani ni Barry na natatawa. Bahagyang lumayo ang bata at tiningnan ang ama. Ngumuso ang bata at sinabing 4 years old pa lang siya natural na maliit pa siya. "Tiyaka narinig mo ako daddy? Sabi ko kapag big girl na ako. Pagtapos na ako sa studies ko," ani ng bata. Pinisil ni Barry ng bahagyang pisngi ng anak habang natatawa. "Hindi ka pa nagi-start mag-study ilang taon pa iyon. Princess, dapat isipin mo ngayon dapat magpagaling ka na at maging strong para hindi mag-worry sa iyo si daddy," ani ni Barry at niyakap ang anak. Noong nakarating sila sa pang apat na station ay bumaba na ulit sina Barry. Sumakay ulit sila sa huling bus na sasakyan nila patungo sa province kung saan lumaki ang ina niya. Noong hapon na after nila mag-lunch ay nakatulog na din ulit ang anak ni Barry habang nakasiksik sa dibdib niya. Tumingin si Barry sa labas ng bintana. Nag-start na umulan. Habang nakatingin sa labas ng bintanda at biglang pumasok sa isip ni Barry ang asawa. Umuulan din 'nong natagpuan niya si Miriam na sobrang lasing sa pinagtatrabahuhan niya na restobar. Flashback Part-timer si Barry sa isang restobar. Habang nag-aaral siya ng college ay nagtatrabaho siya doon bilang bartender. Matapos ang libing ng ina ni Barry at umalis na din siya sa puder ng ama lalo na noong nag-uwi ito ng ibang babae. Nag-rent ng maliit na apartment at pinasok ang kahit na anong trabaho basta legal. Sinusustentuhan niya ang sarili gamit ang pera na pinaghirapan niya. Nagmi-mixed si Barry ng mga alak 'nong bigla siyang lapitan ng owner. Sinabi ng owner na ayusin ang trabaho may mga kilalang tao ang dumating. Nagtaka si Barry ngunit hindi na siya nagtanong pa. Nag-focus siya sa trabaho niya at ini- entertain ang ilang babae na nandoon. "Here the martini. Enjoy your drink madam," nakangiti na sambit ni Barry. May mga lumapit na waiter at maraming kinuha na drinks. Umupo sa high chair ang mga ito at sinabing ang gaganda noong mga babae na dumating. "Yayamanin. Gaganda ng kutis," ani ng isa sa mga waiter. Nailing na lang si Barry at sinabing tigilan ng mga ito ang pambababae. "Masakit kapag tinamaan kayo ng karma," natatawa na sambit ni Barry at naglabas ng limang klase ng wine. "Here we go again. Dami mong paniniwala Barry kaya hindi ka nagkakaroon ng girlfriend. Kung may ganiyan lang ako na mukha baka lahat na ng babae natikman ko na ," ani ni Jacob isa sa mga barkada ni Barry sa restobar. Sumabat naman ang kapatid ni Jacob na si Ian at tumawa. "Kaya siguro hindi ka nagkarion ng mukha na katulad ng kay Barry dahil walang hiya ka," ani ni Ian. Nagtawanan ang mga ito at agad sila nasita ng manager. Napatayo ang mga waiter at agad na dinampot ang mga tray nila. Lumabas ang manager nila sa staff room. Binigay na ni Barry ang mga inumin at bago umalis ang mga lalaki humabol pa si Jacob. "Barry, hanap ka na agad ng girlfriend baka mapag-iwanan ka tumanda ka din walang asawa katulad ni manager," bulong ni Jacob. Natawa si Barry lalo na ng batukan ni Ian si Jacob. Hindi na yata nagawa ni Barry magpahinga ng gabi na iyon. Nawalan din siya ng breaktime dahil sa dami ng tao. "Kailan pa dumami ng ganito ang costumer natin?" tanong ni Barry habang kinakalog ang mixer at nakatingin sa mga lalaki doon na mga nag-iinuman. Napako ang tingin ni Barry sa mga babaeng nasa kabilang gilid ng restobar. Mga artistahin ang ganda ng mga ito at mukhang nag-iinuman. Puno ang table ng mga ito ng alak. Walang tulak kabigin sa mukha ng mga ito. Napako ang tingin ni Barry sa babaeng sunod-sunod ang lagok sa hawak nitong malaking baso na may laman na beer. Napatigil si Barry noong biglang tumingin sa kaniya ang babae matapos nito ibaba ang baso sa lamesa. Nagtama ang mata nilang dalawa. Hindi alam ni Barry kung imagination niya lang o nakatitig talaga sa kaniya ang babae. "Barry, iyong alak. Marami pang order," ani ng manager at hinampas ang table. Napatalon si Barry at muntikan pa nito mabitawan ang bote na hawak. "Sorry, manager!" Agad na sinalin iyon ni Barry sa kopita at hindi na muli tumingin sa magandang babae. Baka matulala ulit siya batuhin siya ng manager niya ng tray.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD