EPISODE 1- First Day of School
"Couz Good morning!" wake up na baka mahuli pa tayo!..
"This is our first day of school, remember you promise me na dapat tayo ang mauuna sa campus?"
Naririnig ko naman ang couzin ko si Chaeng sa kabilang linya, she always doing this every morning kahit nung Junior High pa kami..
Ayaw talaga nyang nahuhuli lalo na pag unang araw ng pasukan..
"Couz, nabalitaan mo ba? OMG! si Jisoo doon din mag aaral! kaya bilisan mo na kasi, punta na ko jan ha Bye!!!"
" Oo eto na bumabangon na nga..."
then she end the call.
Napahawak ako sa batok ko, ramdam ko ung pagod..
Napuyat ako sa pinagawang report ni Daddy last night..Whole summer di ko naenjoy,buti pa tong pinsan ko kung saan saan nakagala..painggitin ka lang din ng mga picture kasama mga new friends nya..
Okay na din na back to school na,ayaw ko din talaga ng mga pinapagawa sa kin ni daddy.. katwiran nya ako naman din kasi magmamana ng lahat kaya aralin ko na kung paano magpatakbo ng company..Hay naku kaya no choice ako..
Buti na nga lang anjan si Chaeng para isama ako sa University, buti pumayag naman si mommy pero ayaw sana ni Daddy kung hindi lang napilit. Gusto ko ibang ambiance naman and environment ng school, excited narin naman ako dahil marami akong makikilala.
-----------------------------------
Chaeng POV:
"Yes!!" katapos ko lang tumawag kay Lisa, sa couzin kong very close ko sa lahat.
Kinakabahan ako na di ko maintindihan, Magiging Classmate ko ba naman ang isa sa mga hinahangaan kong actress si Jisoo Kim, di lang sya actress kundi napaka talented na singer at dancer pa. Sobrang Crush ko talaga sya ever since.. Kaya dapat bilisan ni Lisa talaga!
"Mr.Jang sa Manoban Mansion po tayo" sabi ko sa driver namin..
Ilang minuto lang din at nakarating na kami sa kanilang Mansion..
Talagang dumiretso na ko sa kwarto nya at di ko na pinansin mga maid na nag bow pag pasok ko..
" Lisa!!!!" sigaw ko habang papalapit sa kwarto nya..
Pero napahinto ako nung nakita ko si Uncle at dinahan dahan ang lakad ko..
Nakalimutan ko napaka strict pa naman ni Uncle..buti na lng nakita ko agad sya.
"Oh you are here, Ikaw na bahala kay Lisa sa school, if theres' anything happen just call me.."
Nakakagulat naman, si Uncle ba talaga to? "Ah yes Uncle I will.."then I smile at him.. then biglang nag ring ang phone nya.
"Okay excuse me.."
Napabuntong hininga na lng ako buti na lang talaga...Si Uncle ay kapatid ng mommy ko, di ko alam bakit iba sila ng ugali..napakabait ni mommy pero sya minsan lang siguro,basta napaka strict nya..kasundo ko rin naman sya minsan..pero minsan lang yun.
kaya nga hindi makatanggi si Lisa sa kanya kapag may inuutos ito lalo na about sa company nila..well atleast okay naman na..
then naglakad na ko ng maingat papunta sa room ni Lisa.
-----------------------------------
At a School...
Lisa POV:
"Here we go.."
Natatawa na lang ako sa kwento ni Chaeng nung pumunta sya sa Mansion, grabe talaga ang takot nya kay Daddy..may time na strict at nakakatakot nga sya pero bihira na lng yun ngayon.
Nagpark muna kami sandali dito sa Parking Area, Si Chaeng ang nagdrive at sumabay na lang ako, tinamad na kong mag drive dahil mas sanay ako na may driver..
Actually hindi lang si Chaeng ang excited na may makita sa campus na to..ako din syempre meron.
Di ko kasi makalimutan nung time na pumunta din kami dito ni Chaeng, may isang girl na napaka cool at nakipag away pa sa Register Office para doon sa nirerequest nya..
di ko na alam pinakadetail ng nangyari pero kakaiba ang naramdaman ko sa kanya nung araw na yun..
Napatitig na lang ako sa ganda nya, pero dahil saglit lang naman yun, hanggang doon lang at di ko na nagawang makipag kilala sa kanya..
Ngayon napapangiti na lang din ako pag naaalala ko..
Malawak din pala talaga ang school na to, di narin masama para sa dami ng estudyante dito.
Parang nakakailang lang maglakad dahil halos lahat ata ng estudyante nakatingin sa min ni Chaeng, kakaiba din naman kasi ang karisma ng pinsan ko.. sa akin, Haha ewan ko lang..
Nililibot ko ng tingin bawat tanaw ko sa campus..
May mga nag aapproach sa min pero ako hanggang ngiti lang sa kanila.
Si Chaeng di mapakale dahil hinahanap nya nga yung Jisoo Kim na yun, hanggang sa pinagtatanong nya na nga sa mga estudyante..
Ako na lang talaga nahihiya sa ginagawa nya..
Sa sobrang aga namin maghihintay pa tuloy kami sa gym para sa orientation ng mga freshman..One Hour pa bago magsimula.
Kaya itong kasama ko todo hanap talaga, makikita naman nya din yun pag lahat andun na sa gym..pero gusto nya mangyari makatabi nya to doon sa orientation.
" Chaeng Nagugutom ako, ang aga kasi natin halos di ko nakain ng maayos ang breakfast ko.. punta muna tayo ng Canteen.." niyaya ko na muna syang kumain at buti naman pumayag din naman sya agad kasi kung hindi awayin ko sya, hehe joke lang.
Pero habang naglalakad kami papunta doon, daming estudyanteng nagsipagtakbuhan..at ayun na nga, si Jisoo Kim na ang dumating..
Nagulat na lang din ako wala na ang pinsan ko sa tabi ko..
Bakit kailangan pa nyang makipag unahan doon kung kaya naman nyang magkaroon ng schedule sa artistang yun..
Kung tutuusin isang tawag lang sa manager nun magagawa nya na..
Pero wala nga namang thrill kung ganun ang mangyayari. Naeenjoy ko na din ang ganito..Sarap maging ordinaryong estudyante.
" Hoy ikaw! di ka rin ba makikipag unahan sa kanila para makita ang artistang yun?" napalingon ako sa gilid ko kung sino ang nag hoy sa kin, parang familiar ang boses na yun..di ko alam parang nagkaroon ng slow motion habang papalingon ako sa kanya at tila parang napatigil ang oras ko..
------------------------------------