bc

Pretending

book_age12+
7
FOLLOW
1K
READ
others
independent
brave
self-improved
confident
student
comedy
sweet
humorous
campus
like
intro-logo
Blurb

Gigising. Kakain. Maliligo. Papasok. Mag-aaral. Uuwi. Kakain. Gagawa ng assignment. Matutulog.

Daily routine ko, walang thrill at normal na normal.

Pero nagbago ang lahat ng bigla akong mapasok g**o.

Sana hindi na ko sumama sa kaibigan ko nung gabing 'yon.

Sana hindi ko na tinulungan ang batang inaapi.

Hindi na talaga ko natutuwa.

Lord, pinagtitripan mo po ba ko?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
▶Dashielle's POV February na ngayon pero ang boring pa din ng buhay ko. Gigising. Kakain. Maliligo. Papasok. Mag-aaral. Uuwi. Kakain. Gagawa ng assignment. Matutulog. Hays, ayoko na. Break time namin ngayon kaya naman nakatambay lang ako sa classroom namin. Buti pa yung mga kaklase ko ay mukang sayang saya sa mga buhay nila. Wala akong kaibigan sa classroom dahil wala rin namang nakikipag kaibigan sakin, lalapit lang naman sila kapag may kailangan sila sakin. Ayoko rin naman sa mga plastic. Wala din akong love life dahil wala namang nanliligaw sakin. Nagkakaroon ako ng crush pero sandali lang. Yung iba may syota tapos yung iba naman ay magaganda lang ang hanap. Mga lalake talaga. Kung pwede lang magpalipat ng mundo eh, doon na lang ako sa anime world. Okay lang kahit hindi na ko makabalik sa earth. Natapos ang break time namin at nagsimula na naman ang panibagong klase. Nakikinig naman ako kahit papaano. Yung iba ko namang mga kaklase ay kunyaring nakikinig pero wala naman talagang naiintindihan. Yung iba ay pasimpleng nag c-cellphone at yung iba naman ay natutulog. Pagkalipas ng dalawang oras na klase ay lunch time na. Mabilis na naglabasan ang mga kaklase ko na akala mong uwian na samantalang nakaupo pa rin ako rito. Nilabas ko ang lunch box ko saka kumain. Sandali lang naman ako kumain saka mas tahimik pag wala sila. Ako lang din ang nagbabaon ng lunch sa'min. Nang matapos akong kumain ay tumayo na ko saka lumabas, dumiretso ako sa banyo. Pagkapasok ko ay agad kong nakita ang mga babaeng nagpapaganda. Hindi naman nila ko napansin, pumasok ako sa isang cubicle saka umupo sa bowl. Naririnig ko ang mga pinag-uusapan nila. Tungkol sa mga lalakeng gusto nila, kung saan sila pupunta mamaya at kung sino-sino ang mga naging boyfriend nila. Hays, mga babae talaga. I mean yung iba lang, hindi ako kasama ro'n. Lumabas na ako pagkatapos kong umihi. Panay pa rin sila kwento at hindi pa rin nila ko napapansin. Dumiretso na ko sa classroom namin. Wala pa yung mga kaklase ko. Nagbasa na lang ako ng mga susunod na lesson kaysa tumunganga. Maya-maya pa ay nagdatingan na ang mga kaklase ko at pumasok na rin ang susunod naming teacher. Nag discuss lang ito saka may pinasagutan samin. Ang last subject namin ay math, ang paborito ko. Pagkapasok ng teacher namin sa math ay pinakuha niya kami ng papel, may surprise quiz kami. Nag ingay naman ang mga kaklase ko dahil may surprise quiz na naman. Ako ang unang natapos at nagpasa, pagka-check ng papel ko ay sinabi agad ng teacher namin ang score ko. "Del Coza got a perfect score." Sabi ng teacher namin kaya napatingin naman sa'kin ang ilang mga kaklase ko. Yung iba naman ay napabuntong hininga na lang. Mahirap talaga ang math kung hindi mo iintindihin. Maya maya pa ay nag bell na kaya naman nagpasa na ang mga kaklase ko. Inayos ko na agad ang gamit ko saka lumabas, wala ng rason para mag stay pa ako sa school. Nagsimula na akong maglakad dahil medyo malapit lang naman dito ang bahay namin saka para tipid sa baon. May pinag-iipunan din kasi ako. Pagkapasok ko sa bahay ay sinalubong agad ako ni nanay (lola ko), agad naman akong nagmano sa kan'ya. "Apo, pwede bang pakihugasan mo naman ang mga plato sa kusina. Tinatapos ko lang yung tahi ko." Pakiusap sa'kin ni nanay kaya tumango naman ako bilang sagot. Mananahi ang nanay ko at dito rin siya kumukuha ng pera para may pambaon at pangkain kami araw-araw. Umakyat muna ko sa kwarto ko saka nagbihis. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ko saka dumiretso sa kusina para mag hugas ng plato. Konti lang naman ang mga hugasin kaya mabilis akong natapos. Pagkalagay ko nang mga plato sa lalagyan nito ay umakyat na ulit ako sa kwarto. Wala kaming assignment ngayon kaya pwede kong gawin ang kahit na anong gusto ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko na kanina pa nakapatay. Pagkabukas ko nito ay may napakaraming messages mula sa isang tao. (-_-) 50 Messages From: Brea GOOD MORNING BESHYYWAAAAPP! NOTIS ME SANPAI! HOY! USO MAG REPLY DASHIELLE DEL COZAAAAA NOTIS MEEEEHH Hindi ko na binasa pa ang ibang messages dahil alam kong wala namang kwenta 'yon. Papatayin ko na sana ulit ang cellphone ko nang bigla siyang tumawag at agad ko naman itong sinagot. "Problema mo?" Tanong ko sa kan'ya. [Daaaaaassshhh! I'm bored huhuhuhu] "So?" [Ang bad mo talaga. May gagawin ka ba bukas?] "Hindi ko alam, bakit?" [Gala tayoooo!] "Ayoko." [Ehhh!! Pag hindi ka sumama ipo-post ko yung mga stolen pic mo sa'kin] sabi niya kaya naman napabuntong hininga na lang ako. [Yeeeyy! After ng klase niyo ah kita tayo sa tapat ng tindahan sa labas ng school. Labyu!] Sabi niya saka pinatay ang tawag. Tinabi ko na ang cellphone ko saka humiga sa kama, makatulog muna. Maaga pa naman, kaysa tumulala lang ako dito. Wala rin kasi akong load para mag f*******:. Nagising ako dahil sa tunog ng katok na nagmumula sa pintuan ng kwarto ko. Bumangon na ko at hindi ko maiwasang hindi mapikit dahil inaantok pa rin ako. "Apo, kakain na." Rinig kong sabi ni nanay mula sa labas ng kwarto ko kaya napatingin ako sa alarm clock sa gilid at nakitang 6:30 pm na pala. Agad akong lumabas ng kwarto saka dumiretso sa dining area namin. "Kamusta ang pag aaral mo, apo?" Tanong sa'kin ni nanay habang kumakain kami. "Ayos lang naman po." Sagot ko. "Ikaw ba'y may boyfriend na?" Tanong niya ulit kaya naman muntikan na kong matawa habang kumakain. Sobrang labo na magkaboyfriend ako. "Nay naman, syempre wala. Sabi ko naman sayo na magtatapos muna ko nang pag-aaral, 'di ba?" Sagot ko kaya napatingin siya sakin. "Apo, baka naman tumanda kang dalaga niyan. Pwede ka namang mag boyfriend dahil 18 kana, alam kong kaya mo namang pagsabayin 'yon pati ang pag aaral mo." Sabi ni nanay kaya naman napabuntong hininga ako. "Nay, darating din po iyon. Hindi naman po ako nagmamadali na magka-boyfriend." Sagot ko na lang. Nang matapos akong kumain ay nilabas ko na ang pinagkainan ko saka umakyat sa kwarto ko. Dapat nga ay maghuhugas akong plato kaso lang ay ayaw ni nanay, siya na lang daw kaya hindi na ako nakapalag. Humiga agad ako sa kama ko dahil itutuloy ko na ang tulog ko na nabitin kanina saka wala na naman akong gagawin. May pasok din kasi bukas at ayokong ma-late kahit never pa kong na-late. Pag na-late ang isang estudyante ay pagpupulutin siya nang kalat sa buong school. Ayoko nga ng gano'n. Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko, umaga na naman. Eto na naman ang paulit-ulit na routine ko. Maligo. Mag bihis. Kumain. Pagkatapos kong gawin lahat yan ay umalis na ko dahil ayoko ngang ma late. Si nanay naman ay mananahi na ulit. Pagkadating ko sa school ay wala pang gaanong estudyante dahil maaga pa. Well, mas mabuti na yung maaga kesa late. At lumipas ang oras at uwian na at ngayon kami magkikita ni Brea. Wala naman kasing bagong nangyari kaya ba't ko pa ikekwento? Paulit-ulit lang din. Pagkadating ko pa lang sa tapat ng tindahan sa may labas ng school ay nakita ko na agad siya. Nakangiti siya sakin samantalang naka poker face naman ako. "Tara na!" Sabi niya saka ako hinila paalis nang makalapit ako sa kanya. Sumakay kami sa taxi at habang nasa byahe ay panay siya kwento na hindi ko naman maintindihan. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa destinasyon namin. Pagkababa namin ay nanlaki ang mga mata ko nang malaman kung nasaan kami. "What.. the.. BREA!!" Tawag ko sa kanya at tinawanan lang niya ko. Jusko nasa tapat kasi kami ng bar at never in my life pa akong nakapunta dito. "Ano ka ba Dash, weekend na naman bukas at saka kailangan din nating mag enjoy noh." Sabi niya saka ako hinila papasok sa loob ng bar kahit labag sa loob ko. Pagpasok namin sa loob ay rinig na rinig ko ang malakas na music. Marami ring mga tao ang nagsasayaw sa gitna. Naaamoy ko rin ang mga iba't ibang uri ng alak. Hinila ako ni Brea sa isang table at umupo kami, umorder siya ng wine at pagkain. "Kung alam ko lang na sa ganitong lugar mo ko dadalhin ay hindi na sana ako sumama kahit i-post mo pa lahat ng stolen pictures ko." Inis na sabi ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako. Maya maya pa ay dumating na ang order niyang pagkain at wine. Umiinom naman ako ng wine kaya okay lang. "Alam mo Dash dapat humanap ka na ng jowa, ang boring masyado ng buhay mo." Sabi niya na kada buwan ay iba iba ang jowa. "Whatever." Sabi ko na lang. Nagpaalam muna ako sa kanya saglit na pupunta ako sa banyo. Madali ko namang nahanap ang banyo, naghugas lang naman ako ng kamay at saka naghilamos. Lumabas din agad ako. Babalik na sana ako nang bigla akong nakarinig ng ingay mula sa labas, katabi kasi ng banyo ang exit sa likod. Dahil curious ako ay lumabas ako saka tiningnan kung anong meron. Nakita ko ang limang lalake na binubugbog ang isang lalake na walang kalaban laban, nakahiga na ito sa sahig at mukang wala ng malay. Dahil sa nakita ko ay agad akong nakaramdam ng inis at awa sa lalake. "Hoy!" Sigaw ko sa limang lalake kaya napatingin naman sila sakin. "Wag kang makielam dito kung ayaw mong madamay." Banta sakin nung isang lalake may tattoo sa kaliwang pisngi. "Wag mo kong pagsabihan, gagawin ko kung anong gusto ko." Inis na sabi ko sa kanya. "Lakas ng loob mo ah." Sabi niya saka pasugod na lumapit sakin. Nailagan ko ang atake niya kaya naman sinipa ko siya sa likuran na naging dahilan upang sumalubsob siya sa semento. Sa ginawa kong iyon ay naalarama ang apat na lalake kaya sabay sabay silang sumugod sakin. Pinagsisipa ko sila sa tiyan, noo, dibdib, at hita. "Ang weak naman pala ng mga 'to." Nasabi ko na lang saka nilapitan ang lalakeng walang malay. Nang makita ko ang mukha niya ay bigla akong napatulala. One word to describe him, handsome. "Pst." Tawag ko sa kanya habang tinatapik ng mahina ang pisngi niya pero hindi pa rin siya magising. Maya maya pa ay may dumating na itim na van at huminto ito sa harap namin. May lumabas na mga lalakeng naka itim. Kulto? Napatingin sila sa mga lalakeng sinipa ko kanina saka napatingin sakin. May binulong yung isang lalake sa isa pang lalake. "Sumama ka samin." Sabi ng isang lalake saka ako hinawakan sa braso. Binuhat naman nila yung lalakeng walang malay saka pinasok sa loob ng sasakyan. "Teka, teka bakit pati ako? Bitiwan niyo 'ko!" Pagpupumiglas ko pero mahigpit ang hawak niya sa braso ko hanggang sa naisakay na niya 'ko sa sasakyan. k********g! Kid pa ba ko? Kumalma ako at inisip ang sinabi ni papa sakin dati. Dapat sa ganitong sitwasyon ay maging kalmado ako. Nag isip ako ng plano. Pagkalabas namin mamaya ay tatakbo ako ng mabilis. Makalipas ang isang oras na byahe ay huminto na rin sa wakas ang sasakyan. Binuksan nila ang pinto at lumabas na kami. Tatakbo na sana ako nang makita ko kung ano ang nasa harapan ko ngayon. Wtf! Dinaig pa ng bahay na 'to ang isang buong mall! Isang napakalaking gate na may sobrang laking mansyon sa loob. Tumingin ako sa taas ng gate dahil may nakasulat doon. Binasa ko iyon at para akong nawalan ng kaluluwa nang mapagtanto 'ko kung nasaang lugar ako. 'Del Virro Familia' A family of a mafia na sikat lang naman sa buong mundo dahil sa mga illegal na ginagawa nila! Lord, kuhanin niyo na po ako. ( ・ω・)☞ To Be Continued..

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook