
Ano nga ba ang Pag-ibig? bakit nga ba tayo nagmamahal? bakit nga ba tayo nagpapaka tanga kahit alam nating ang sakit sakit na.
Para kay Hailey ang pag-ibig ay kusang dumarating at dapat hinihintay pero panu nga ba kung ang pag-ibig na iyong hinihintay ay magdadala sayo ng matinding pag subok ?
Lumaking mabait na anak si Hailey at kasama nito ang kaniyang ama at nakakabatang kapatid na lalaki. baga May salat ang kanilang pamumuhay sinisikap parin niyang makapag-aral nang mabuti dahil gusto niyang maabot ang kaniyang mga pangarap sa buhay.
Pero hindi sukat akalain ni Hailey na makakakilala siya ng taong lubos niyang hahangaan at iibigin. Ngunit akala niya ang pag-ibig ay magdudulot sa kaniya ng saya pero panu nga ba kong ang pag-ibig na iyong hinahanap ay magdudulot sayo ng matinding bangungot sa iyong buhay.
Susugal ka pa ba o tatalikuran mo na lang ang nararamdaman mo sa kaniya?
