PROLOGUE

640 Words
Sampung taong gulang lang ako nung namatay si mommy. Simula nang araw na mawala siya nawalan na rin ng kulay ang buhay ko. Sa bawat araw, at taon na lumilipas tanging dilim lang ang aking kasama. Simula nang mawala si Mommy ay labis ang pagkamuhi ko sa aking ama. Galit ako sa kanya dahil siya ang dahilan kung bakit namatay si Mommy. Flashback: Nagising ako sa mga ingay ng nababasag na mga gamit. Naririnig ko rin ang sigawan ng aking mga magulang at batid kong nag aaway ang mga ito. Bumaba ako nang hagdan upang silipin sila at mula sa aking kinatatayuan ay narinig ko si Mommy. "ʟᴀʜᴀ'ᴛ ɴɢ ᴘᴀɴʟᴏʟᴏᴋᴏ'ᴛ ᴘᴀɴᴀɴᴀᴋɪᴛ ᴍᴏ ꜱᴀ ᴀᴋɪɴ ᴛɪɴɪɪꜱ ᴋᴏ. ᴋᴀʜɪᴛ ʜᴀʀᴀᴘ ʜᴀʀᴀᴘᴀɴ ᴍᴏ ɴᴀ ᴋᴜɴɢ ɴɪʟᴏʟᴏᴋᴏ ʜɪɴᴅɪ ᴋᴏ ʏᴜɴ ɪꜱɪɴᴜᴍʙᴀᴛ ꜱᴀʏᴏ. ʟᴀʜᴀᴛ ɴɢ ʜɪʀᴀᴘ ɴᴀ ᴅɪɴᴀɴᴀꜱ ᴋᴏ ꜱᴀʏᴏ ᴛɪɴɪɪꜱ ᴋᴏ ᴋᴀꜱɪ ᴀᴋᴀʟᴀ ᴋᴏ ᴍᴀɢᴀɢᴀᴡᴀ ᴍᴏ ʀɪɴ ᴀᴋᴏɴɢ ᴍᴀʜᴀʟɪɴ. ɪᴛɪɴᴀᴋᴡɪʟ ᴀᴋᴏ ɴɢ ᴍɢᴀ ᴍᴀɢᴜʟᴀɴɢ ᴋᴏ ᴅᴀʜɪʟ ꜱᴀ ᴋᴀɢᴜꜱᴛᴜʜᴀɴ ᴋᴏɴɢ ᴍᴀᴋᴀꜱᴀᴍᴀ ᴋᴀ". ᴜᴍɪɪʏᴀᴋ ɴᴀ ᴡɪᴋᴀ ɴɪ ᴍommy. "ꜱɪɴᴜʙᴜᴋᴀɴ ᴋɪᴛᴀɴɢ ᴍᴀʜᴀʟɪɴ, ꜱɪɴᴜʙᴜᴋᴀɴ ᴋᴜɴɢ ᴍᴀʜᴀʟɪɴ ᴋᴀ ɴɢ ᴘᴀʙᴀʟɪᴋ ᴘᴇʀᴏ ᴅɪ ᴋᴏ ᴋᴀʏᴀ...."ᴡɪᴋᴀ ɴaman ni daddy. ᴍᴀɢꜱᴀꜱᴀʟɪᴛᴀ ᴘᴀ ꜱᴀɴᴀ ɪᴛᴏ ɴɢ ᴘᴜᴛᴜʟɪɴ ɴɪ mommy ᴀɴɢ ꜱᴀꜱᴀʙɪʜɪɴ ɴɪʏᴀ. "ᴅɪᴍᴏ ᴋᴀʏᴀ ᴅᴀʜɪʟ ꜱɪ ᴅɪᴀɴᴀ ᴘᴀ ʀɪɴ ᴀɴɢ mahal mo. Tama ba? Balita ko pa nga buntis siya. Ikaw ba ang ama?. mahinahon na wika ni mommy. "Sumagot ka ikaw ba ang ama ng ipainagbubutis ni Diana." pasigaw na tanong niya na kay daddy. Tumango lang si daddy sa tanong ni mommy kaya mas lalo pang humagolgol sa iyak si mommy. "Bakit sa bestfriend ko pa Daniel? Bakit sa kanya pa? ᴡɪᴋᴀ ɴɪ ᴍommy. "Mas magandang tapusin na natin ito, maghiwalay nalang tayo." wika ni daddy. Pagkasabi ni Daddy nun ay malakas na sampal naman ang pinakawalan ni Mommy. Halos mag-apoy sa galit ang mga mata ni Mommy. "Hindi ako papayag Daniel, Hindi ako papayag na kayo masaya samantalang kami ni kathlene ay miserable. Ito ang tatandaan mo Daniel kahit mamatay ako mananatili kang kasal sa akin." Galit at pasigaw na wika ni Mommy. "Grace naman matagal na kong nasasakal sa relasyon na to palayain mo na ako. kahit hindi mo pirmahan ang annulment natin aalis parin ako sa bahay na ito." Galit at pasigaw na rin na wika ni Daddy. Hindi ko alam na may ganitong problema ang aking mga magulang. Ngayon ko lang sila nakitang nag -away. Ang akala ko masaya silang nagsasama sila ni mommy pero palabas lang pala iyon lahat. Hindi ko mapigilang hindi humikbi dahil sa pag-iyak kaya napalingon sila sa akin. Nakita kong lumakad na papalabas si Daddy habang nakasunod naman si mommy sa kanya habang umiiyak. Sinundan ko ang aking mga magulang sa labas nakita kung nakaluhod na si mommy habang kapit-kapit nito ang isang binti ni daddy at nagmamaka awang huwag kaming iwan. Ngunit itinulak lamang ni daddy si mommy at sumakay na ito sa kanyang sasakyan at pinaharurot. Hinabol pa ito ni mommy hanggang sa high way. Nang bigla namang may sumulpot na malaking truck at nabangga nito si mommy. Halos hindi ako makagalaw sa aking pagkakatayo. Labis akong nagulat sa aking nasaksihan. Bumalik lang ako s sariling ulirat ng marinig ko ang sigawan ng mga tao kaya naman nagmadali akong tumakbo sa kinaroroonan ng aking ina. Mas lalo akong humagolgol ng makita ko si mama naliligo sa sarili niyang dugo. Agad akong lumapit kay mommy at niyakap ito. Agad namang tumawag ng ambulansiya ang mga taong nakapalibot sa amin. Mula sa di kalayuan nakita ko si daddy nakatayo sa harap ng kotse nito at nakatanaw sa amin akala ko ay babalik siya upang tulungan si mama peo hindi pumasok ito sa loob ng kotse niya at pinaharurot palayo ito sa amin. Dito na nabuo ang sobrang galit ko sa aking ama. At nang madala sa ospital si mommy ay dead on arrival na daw ito sabi nang doktor. end of flashback:
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD