CHAPTER 1

1394 Words
Kathlene POV: labing siyam na taong gulang na ako ngayon pero sariwa parin sa akin ang araw na iyon. Matapos kasing mailibing ni mommy ay siya ring pagtira ng kabit ng aking ama sa bahay. Nung araw na iyon gusto ko silang palayasin sa bahay pero wala akong magawa 10 years old lang ako nung araw na iyon. _ _ _ _ Ano nga bang kakayahan ng isang batang tulad ko noon. Nawala ang pagmumuni-muni ko ng may malalakas na katok akong narinig sa pinto ng aking silid. "Ano ba Kathlene buksan mo itong pinto." Malakas na sigaw ng aking ama. Napabuntong hininga nalang ako bago tumayo at pagbuksan ng pinto si Daddy para tumigil na ito sa kakasigaw sa kanya. Kaya lang ay lumala pa ang paninigaw nito sa kanya. "Nagpunta ka na naman ng bar kagabi. Puro nalang ba kahihiyan ang dala mo sa pamilyang ito." Galit at pasigaw na sabi sa akin ni daddy. Napairap na lang ako sa kawalan at binalewala ang mga sinasabi niya. "Ni hindi ka na nga pumapasok sa eskwelahan ganto pa ang ginagawa mo, Wala ka talagang kwenta." Biglang singit naman ng kanyang madrasta. Hindi niya pinansin ang mga ito, patuloy lang siya sa panonood ng movie sa kanyang flatscreen T.V kahit hindi naman talaga siya interesado sa kanyang pinapanood. "Manang - mana ka talaga sa nanay mong walang kwenta, kagaya mo." Pagkarinig niya palang sa sinabi ng kanyang madrasta ay agad siyang nakaramdam ng galit kaya di na niya napigilan pa ang sumagot. "Ang kapal din naman ng mukha mong pagsabihan ng ganyan ang mommy ko. Porket ikaw lang ang pinili ni Daddy kung umasta ka......" Biglang naputol ang kanyang sasabihin ng bigla siyang sigawan ng daddy niya. "Wala kang karapatang sabihan ng ganyan ang mommy Diana mo Kathlene." "Umayos ka sa pananalita mo Kathlene at baka makalimutan kong anak pa kita." wika pa nito. "Kausapin mo ng maayos yang anak mo Daniel hindi na marunong gumalang sa nakakatanda sa kanya." wika rin ni Tita Diana never niya itong tinawag na mommy or mama dahil para sa kanya nakakasuka itong pakinggan. Bago ito umalis ay mababanaag mo sa mukha nito ang galit sa kanya dahil sa sinabi nito kanina. Nang makalabas sila ng kanyang silid ay agad naman siyang nagmadaling maligo at magpalit. Pupunta siya sa Highland boxing gym para magpalamig ng ulo. Ito ang lagi niyang pinupuntahan sa tuwing bad mood siya. Halos kilala na ako ng mga tao doon. Nandoon din ang aking coach na si coach Reynald Reyes siya ang nagturo sa akin sa Taekwondo. Mabait ito sa akin kahit may pagka istrikto ito minsan. Kung tutuusin parang ito pa nga ang tatay niya. Habang abala siya sa pagsuntok sa punching bag ay bigla namang may nagsalita mula sa kanyang likuran. "Problema" Wika ng taong iyon sa kanya. Hindi na niya kailangan lingunin ito dahil alam niyang ang kanyang coach iyon. Tumigil siya sa pagsuntok at humarap dito. Inabotan naman siya ng bottled mineral water. Uminom muna siya bago sinagot ito. "Di po ba pwedeng naboboring lang po ako sa bahay kaya nandito ako." Pabiro niyang wika pero mababanaag mo pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata. "kilalang-kilala na kita Kathlene hindi ka pupunta dito kung wala kang problema." Napabuntong hininga nalang ako. Totoo yun sa halos araw-araw na niya sa gym ay kilalang- kilala na siya nito. "Ganto na siguro ang buhay ko coach." "hayyyyy, Di kita pipiliting magkwento sa akin pero ito ang tatandaan mo kahit gaano man kahirap ang pinagdadaanan mo nandito lang ako kung gusto mo nang kausap." Pagkasabi nito ay agad na itong nagpa alam dahil naghihintay na daw ang kanyang asawa at baka ma outside dikulambo na naman daw ulit ito. Buntis kasi ang asawa nito kaya madalas uminit ang ulo. Naghanda narin ako upang umuwi dahil alas otso na rin nang gabi. Pagkapasok ko palang nang gate ay naririnig ko na ang sigawan nang aking ama at madrasta. Sana'y na siya sa mga ito dahil lagi - lagi naman niyang naririnig na nagsisigawan ang mga ito. Hindi rin naman siya interesado sa mga pinag-aawayan ng mga ito. Pagpasok niya sa bahay nila ay bahagya pa siyang nagulat dahil nagkalat ang mga nabasag na vase, picture frames at iba pang mga babasagin. Mas lumala pa ata ang away ng mga ito kaysa nung nagda-ang gabi. Nag tuloy-tuloy nalang akong naglakad hanggang sa makarating ako sa aking silid wala akong pakialam kahit magpatayan pa ang mga ito sa harap niya. _ _ Nasa office ako nang isa sa mga teacher ko ngayon. Us usual pinapagalitan na naman ako nito dahil sa hindi ko pagpasok at hindi ko paggawa ng mga homeworks ko. "Are you listening miss Samaniego." malakas na sigaw sa kanya nito. Pero inirapan niya lang ito. Actually, kanina pa kasi siya nito kinaka usap pero hindi niya ito pinapansin. "Aba't....." Nakikita niya itong nagtitimpi sa galit sa kanya pero nginisihan niya lang ito na mas lalong ikinapula ng mukha nito dahil sa inis sa akin. Maya-maya pa ay pumasok ang isang teacher at bigla siyang hinampas ng libro nito. "Ito na ang huling araw na pagbibigyan kita sa totoo lang mas gusto ko pa na ma kick out Kana. Pero araw at gabing nakiki usap at nagmamaka awa sa akin ang ama mo para intindihin ang walang kwentang anak na tulad mo." Duro pa nito sa akin. siya si ma'am Glenda ang adviser ko. "umalis Kana.Sandali, hindi ka ba magpapa alam." "Sa sama ng ugali niyo dapat masunog ang kaluluwa niyo sa impyerno." Sasampalin na sana siya nito ng agad niyang nahawakan ang pala-pulsuhan nito. "Hayop ka." wika nito. "Hindi na ako estudyante dito." Sabay baba ko ng kamay ni ms. Glenda. "Sisiguruhin ko yan. Alam mo naniniwala ako balang araw na ang isang katulad mo ay walang mararating." Hindi ko na ito pinansin at lumakad na palabas ng silid na iyon. Nang makalabas ako ay nakita ko naman ang aking ama na naghihintay sa akin. Kakausapin na sana ako nito ng hindi ko ito pansinin at nagdere-deretso akong lumakad. "Umuwi na tayo." saad ng kanyang ama mula sa kanyang likuran. "Mauna na kayo." Balik sagot niya dito ng hindi lumilingon. "Hanggang kailan kaba magrerebelde ha." sa pagkakataong iyon ay humarap na siya sa ama. "Alam niyo iniisip nang iba na mabuti kayong ama, pumupunta kayo dito at nagmamaka awa sa mga teachers ko na ipasa ako. Sa palagay niyo sapat nayon para kalimutan ko lahat ng ginawa mo kay mommy." Pagkasabi niya non ay tumalikod na siya at sumakay sa kotse ng kanyang ama. Habang nasa byahe sila pauwi ay nag suot siya ng kanyang airponds. Oo at mayaman sila pero hindi nila kailanman ginamit ang pera para lang maipasa siya. 19 years old na ako pero nasa senior high palang ako, hindi ba't nakakatawa iyon kasi dapat ang isang tulad kong 19 years old ay nasa kolehiyo na. Pero wala eh ganto na ang buhay ko sirang-sira na ako. Mula pagkabata ko kinimkim ko lahat ng hinanakit ko sa buhay. Ni kaibigan wala ako, wala akong mapagsabihan ng nararamdaman ko. Ang kailangan ko nalang gawin ay ang magpakatatag at harapin ang pagsubok ng buhay ko nang mag-isa. Nawala ang malalim na pag iisip ko ng mag salita si daddy. "Anong plano mong gawin ngayon?" Tanong nito sa kanya. "Wala, Tambay muna." Walang gana niyang sagot dito. "Sinusubukan kitang kausapin ng matino, kaya sumagot ka nang maayos." Ramdam mo na ang galit nito sa kanya dahil may diin na ang bawat salitang binibitawan nito. Maya-maya pa ay ini hinto nito ang sasakyan sa tabi at biglang hinablot nito ang kanyang airponds sabay tapon sa labas. "Umayos ka." Sabi nito sa kanya. Pero tinitigan niya lang ito ng masama. "Huwag mo akong titigan ng ganyan." Galit na sabi nito sa kanya. Napagbuhatan na siya ng kamay nito. Buong buhay niya mula bata pa siya ngayon lang siya sinaktan ng physical ng ama. Sasampalin na sana siya nito ng tumingin siya dito ng masama. "Patayin niyo nalang ako tulad ng ginawa niyo kay mommy." Malakas na sigaw niya sa ama. " Kung papatayin niyo ako, Hindi niyo nako problema." Dagdag sigaw niya pa dito. "Bakit hindi ka marunong umiiyak." wika ng ama. " Dahil manhid na ako." Balik sagot niya dito. _ _ _ C O N T I N U E . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD