LIGTAS ngunit malalim na ang gabing nakarating ang tatlo sa mansyon ng mga Rivera, ang tahanan ni Kleya. Pilit na inaaya ni Kleya si Alexander na matulog sa kanila dahil alas dose na’t pagod sila sa biyahe ngunit matigas ang loob ni Alexander at sa bandang huli’y nanalo si Alexander sa ilang minuto nilang argumento.
“Magpahatid ka na kaya kay Sir, Babe? Magpapaalam lang ‘yon kay Mama, madali lang naman,” presenta ni Kleya kay Alexander.
“Nandiyaan si ate mo?”
“Yes, why?” naguguluhang tanong nito sa kaniya.
Kumibit-balikat siya, “who knows. Mauuna na talaga ako, wala naman akong planong sumabay kay Sir eh. Hindi ko kayang mapag-isa sa kaniya, you know your gay friend, Kley.” pagkatapos ay tumawa siya.
Natawa rin si Kleya at mahina siyang hinampas nito sa balikat, “g*ga ka talaga, magiging Asawa na ‘yan ng ate ko. Well...pwede ka namang maging kabit”
Sinamaan niya ito ng tingin, “hoy, hindi magiging kabit ‘tong face ko ‘no. Pang-high standard ‘to. Nagkagusto nga ex mo sa'kin” inirapan siya ni Kleya, “really, Kley, I gotta go” pagpapaalam niya rito. Tumango ang kaibigan at nagyakapan pa sila, “see you tomorrow---Oh, hey! Taxi!”
Napahinto ang taxi at sumilip dito ang isang binatang driver, “saan po, Sir?” magalang nitong tanong sa kaniya.
“Gwapo Babe ah” bulong ni Kleya sa kaniya at nginitian nito ang driver, “sa Hermosa Hotel, Kuya. Mag-ingat ka po sa kaibigan kong ‘to, baka hindi lang magpapahatid sa'yo, papapasukin ka pa sa kuwarto. Boom, rhyme!” biro nito sa driver na mahinang natawa.
Napapailing na natawa si Alexander, “baliw. Well, you heard it right Kuya, I can do that to you HAHAHA char lang” tangkang papasok na siya sa backseat nang may magsalita sa kanilang likuran at sabay silang lumingon dito.
“Going home?” seryosong tanong ng binatang propesor, “if you insist, Mr. Maghirang. I can drive you home”
“Si Ate, Kuya?” kuha ni Kleya sa atensyon ng binatang propesor.
“Sleeping,” tipid nitong sagot sa kaibigan na hindi na aalis ang tingin sa kaniya, “you’re my responsibility, Mr. Maghirang. Your aunt said that I'll take care of you, and if she knew that I didn't sent you home, she'll be angry to me”
“Ah, e-excuse me Sir. Mukhang matatagalan pa po ang pag-uusap niyo, mauuna na lang po ako---”
“No, Kuya. I'm actually planning to sleep with you tonight” Alexander boldly said to the young driver and he did what the young professor did to Kleya, sinabi niya iyon nang hindi nakatingin sa driver.
“S-Sir? M-Matutulog ka po sa a-akin?” inosenteng tanong ng binatang driver at nang marinig ni Kleya iyon ay malakas itong natawa.
‘Innocent?’ manghang napalingon si Alexander sa driver, “wow, can't believe meeting someone like you. What's your name?”
“K-Kieffer Bandila po---”
“Pumapatol ka ba ng bakla?” seryosong tanong niya rito habang hindi pinapansin ang binatang propesor na tahimik lang na nakikinig sa kanila.
Napansin niya ang pamumula ng pisngi ng driver, “b-bakla po ‘yong e-ex ko, Sir” nahihiyang saad nito.
“Hmm. Magpapasada ka pa mamaya?”
“Last na po ‘to. U-Uuwi na po kasi ako” ngumiti ang binatang driver sa kaniya.
‘Sh*t, my heart’ napakagwapo ng ngiti nito lalo pa't kumpletong-kumpleto ang mapuputi nitong ngipin. Parang hindi driver eh.
“Pakiuwi na rin ako, mukhang mabait ka naman. Pwede ko ring isama ‘tong kaibigan ko. Mas marami, mas maganda---”
“Mr. Maghirang” may pagbabanta sa boses ng binatang propesor.
“Oh, Sir. Nand’yan ka pa pala” hilaw siyang natawa, “thank you na lang talaga, Sir. Sasabihan ko na lang po si Tita kung nababahala po kayo. I'm really lonely tonight HAHAHA. Psst, Kley, gotta go---hey!”
Nanlaki ang kaniyang mga mata nang biglaang hinablot ng binatang propesor ang pulupulsuhan niya. Narinig niyang napasinghap si Kleya na nakatingin lang sa kanilang dalawa. Binuksan ng binatang propesor ang pintuan ng kotse nito sa front seat at malakas siya nitong itinulak papasok. He heard the young professor locked the car's door pagkatapos ay umikot ito papuntang driver's seat.
“Tell your Mom, Kleya that we're going and you...” sinamaan nito ng tingin ang nakatungangang driver, “go home.” he seriously said before entering its car.
Nadatnan nito ang nagsisigaw na si Alexander.
“F*ck you! This is kidnapping!”
Hindi pinakinggan ng binatang propesor si Alexander, sa halip ay pinaandar nito ang makina ng kotse. Umabante ang binatang propesor pagkatapos ay bumusina hudyat na aalis na sila.
“Are you out of your mind?! Forcing me to enter your car just because of me not coming with you?! Are you really a professor?! You see, pumara na ako ng taxi and now, nagmukha tuloy akong paasa and I missed the chance to sleep with that innocent guy! Cause when I said no, no!”
“SHUT UP!” tumigil ang binatang propesor sa kalagitnaan ng madilim na daan at gulat namang napatingin dito si Alexander, “get out.”
The young professor was unbelievable, matapos siya nitong puwersang pinapasok sa kotse ay palalabasin lang siya sa gitna ng daan? Ni hindi nga siya nakapagseatbelt eh.
“You’re f*cking crazy, psycho!” lalabas na sana siya ngunit naalala niyang nakasara pala ang pinto ng kotse, “unlock it first. I'm going out just like you said, tatawagan ko na lang si Kleya. Sasabihin ko sa kaniya na may isang baliw na propesor na matapos akong puwersang pinapasok sa kotse nito ay palalabasin lang pala ako sa gitna ng daan” sarkasmo na may halong inis na sabi niya.
Biglang kumabog ang dibdib niya nang inilapit ng binatang propesor ang katawan nito sa kaniya, “w-w-what a-are you d-doing?” utal-utal niyang sambit.
“Unlocking the door, what else I'm doing?” seryosong sabi ng binatang propesor at napansin niya ang nanunudyong ngisi sa mga labi nito.
Namumulang inilayo ni Alexander ang katawan dito at hindi niya naiwasang mapakagat-labi nang maamoy ang mamahalin nitong men's perfume, ‘d*mn professor, ambango...’ he thought.
The young professor unlocked the car's door and when he turned around, nagkatagpo ang mga mukha nila. Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya nang dumapo ang tingin ng binatang propesor sa kaniyang mga labi.
“L-Lumayo ka nga---uhm!” nanlaki ang kaniyang mga mata nang ilang segundo’y siniil siya ng halik ng binatang propesor.
Mapusok ang halik nito ngunit mali at nasa tamang katinuan siya. Lalo na’t may fiance na rin ito.
Malakas niyang itinulak ang binatang propesor. Nang mapalayo ito sa kaniya ay hinihingal silang nagkatitigan sa isa't isa.
“Y-You’re engaged... haa... this is w-wrong, Sir. K-Kissing me right now is not good for the both of u-us and...Please, Sir, just stop.”
Instead of listening to him, the young professor pinned his wrists on the seat, “f*ck this, you've been in my mind. Don't f*cking stop me” he said annoyingly before kissing him again, deep and breathless.