“MY NAME IS CAIN RAYVON HERMES. Gaya ng sinabi ng propesor niyo, I'm your exchange professor in Psychology. Mrs. Alcaldes was on her maternity leave, as you know. Am I welcome here? And you can ask questions about me,” seryoso ngunit nakangiti ang nagpakilalang binatang propesor.
Biglang umingay ang lecture Hall nila nang marinig ang mga salitang inaabangan ng mga estudyante. Ang ilang mga babae ay todo pa-cute at ang mga bakla naman ay ganoon din. Nakangisi lang ang ibang lalaki ngunit taliwas naman iyon para kay Alexander.
Sunod-sunod na nagtanong ang mga kaklase niya ng mga nonsense na tanong habang itong katabi niya ay nababaliw na.
“Babe, sobrang gwapo! Look at his body, masyadong ripped off, bumabakat tuloy sa white Polo niya. Fresh na fresh si Sir...” parang uod na nangisay sa kilig na bulong sa kaniya ni Kleya.
‘Gwapo nga pero p*tangina niya, may kasalanan ‘yan sa akin!’ nasa isip lang iyon ni Alexander ngunit halata sa mga kamay niya ang galit. He was clenching his fists ready to attack someone in front of him.
“Sir, sir. Single ka po ba?” tanong ng pabida nilang kaklase na si Natalie. Napakalaki ng ngiti nito na parang aabot hanggang tenga.
The young professor smiled, showed his left hand that has a silver ring on its finger, “taken. Any questions?”
Nanlumo ang kaninang mga kinikilig na estudyante sa nalaman habang si Alexander ay mahinang natawa.
‘Audacity, huh. Pero siya pala itong engaged na nakipags*x sa isang gigolo.’
“Why psychology... Sir? You look like someone's teaching in military” Alexander's voice echoed inside the lecture Hall.
Lahat ay napatingin sa pinakadulong hilera ng lecture Hall kung saan naroon ang nag-iisang student president ng kanilang Unibersidad kabilang na doon ang binatang propesor. The young professor eyed Alexander at kumunot ang noo nito sa nakitang appearance niya.
“A nerd...sa lahat ng nagtanong ay ito lang ang matino?” mahinang saad ng binatang propesor, “you are?”
“He’s the StOff President, Alexander Ross Maghirang, Sir.”
“I’m not asking you, Miss.”
Namula sa hiya si Natalie na tinawanan ng mga kasama nito. Seryosong-seryoso ang mukha ng binatang propesor at ang mga mata nito ay nakatuon lang kay Alexander.
“Can you please remove your mask, Mr. Maghirang? I can't even fully view your face because of your bangs and your eyeglasses. I'm okay with your fashion sense but I want to recognize my new students’ faces. So just your mask, wala namang virus---oh, thank you for listening---” natigilan ang binatang propesor at napako ang tingin nito sa mapupulang labi ni Alexander, “that’s too much lipstick you have, Mr. Maghirang. For your information, students especially girls and acting like girls, not to use excessive make up! Be formal as all of you are graduating college students!”
Alexander rolled his eyes. Kinuha niya ang wet wipes sa loob ng bag at pinunas ito sa kaniyang mga labi. He then showed the wet wipes to the young professor, “natural, Sir. And if you don't believe me, you can touch my lips or even kiss me. That's how I can prove it to you.” walang halong biro at seryosong saad ni Alexander sa binatang propesor.
Napa-‘ohh’ ang kaniyang mga kaklase ngunit sanay na ang mga ‘to sa feisty at walang preno niyang pag-uugali.
“Tinatawag nga siyang ‘magandang binata’ ng mga Filipino professors dito, Sir. Kaya nga eh proud na proud kami kasi nasa department namin ang StOff President, mga labi niya pa lang ay mabibighani ka talaga,” pagmamalaki ni Kleya kay Alexander na pinaboran ng ibang mga kaklase niya.
Palihim na kinurot niya si Kleya sa tagiliran, “ipapa-g*ngbang talaga kita sa mga gigolos---”
“G ako ‘no kapag kasali ka...” baliw itong tumawa na mas nakadagdag sa kaniyang inis.
May sira talaga ang dalawang kaibigan niya. Ibinalik niya ang tingin sa binatang propesor at kinabahan siya nang makita ang ngisi nito na madali ring nawala. ‘Ako lang ba ang nakapansin? F*ck, he's creeping me out.’ nanindig ang mga balahibo niya.
“That must be a pleasure to you, Mr. Maghirang to be called ‘Magandang binata’ but being a man, nakakababa ‘yan ng pride natin. And I apologize for mistaking you're using lipstick but really, I'll only kiss that when you're not a student anymore...”
“Feisty mo rin, Sir ah, parang hindi engaged,” bakas ang sarkasmo sa boses ni Alexander na nagpaangat sa isang kilay ng binatang propesor, “anyway, ‘yong question ko nga po pala, hindi mo pa po nasasagutan---ahh, huwag na lang, everyone loves studying the mind of others and their behavior and as we know, may mga psychotic sides din tayo, that might be the case for you, Sir. Or are you, like a psychiatrist din po?”
“Tama na ‘yan, Lex. First day pa lang ni Sir oh, pinapakitaan mo na agad. Hindi ka naman ganiyan sa Tita ko”
Nagsitawanan ang mga kaklase niya sa sinabi ni Jevon na sinabayan niya rin.
‘Can a crazy person be a psychiatrist?’
That thought came from nowhere.
“If I studied the mind and behavior of a person, I can be but I didn't major that pero kung may problema ka sa pag-iisip mo kaya't naitanong mo ‘yan sa akin, I'll gladly help you,” natahimik ang mga estudyante sa kanilang narinig while Alexander only clicked his tongue in annoyance, “by the way, who's the secretary here? Can you please give me the master list of this department?”
Sinagot ng “yes, Sir” ng sekretarya nila ang binatang propesor at nagpatuloy na ang kanilang klase.