Chapter 5: The Meeting

1110 Words
“ANG ANGAS MO KANINA BABE AH. Ikaw tuloy ang palaging tinatawag ni Mr. Hermes, but gladly nasasagutan mo naman. What can I expect to you, napakagwapo mo na nga, matalino ka pa,” pagpupuri ni Kleya kay Alexander. ‘May kailangan talaga ang bubwita na ‘to sa’kin...’ tinaasan niya ng kilay ang dalaga, “alam mo, gan’yan ka kapag may ipapagawa ka sa’kin o ‘di kaya may kailangan ka” walang emosyong saad niya rito. Pilit na ngumiti sa kaniya si Kleya, “e-eh, baka i-ikakagalit mo lang.” nauutal nitong sabi. Kumunot ang kaniyang noo at inubos ang burger na nilibre sa kaniya ng kaibigan. Tapos na ang klase nila at ngayon ay narito sila sa isang fastfood restaurant. Kleya treated him pero may kapalit pala ito. Sana sumama na lang si Jevon para makalusot siya. “Ba’t ako magagalit eh hindi mo pa nga sinasabi kung ano ‘yon, may saltik ka siguro” naiiling niyang sabi. Napanguso si Kleya na ikinangiwi ng dulo ng labi niya, “kapag ako may stapler dito, I'm really going to staple your lips. Tigil-tigilan mo nga ‘yang kakanguso mo, nagmumukha kang pato eh,” asik niya. “Nagpapa-cute ako, Babe. May dalawang lalaking tumitingin sa atin, from our University. Yun oh.” turo ng kaibigan niya sa kanilang likuran gamit ang nguso nito, “I bet they're waiting for you to look at them” “I don't care about them, Kley. I'm asking you, anong kailangan mo sa’kin?” he slurped the last chocolate drink. Kleya gulped before spitting out what Alexander want her to tell him and as usual, he just listened to her without complaining. “Hi...” “What?” mataray na nilingunan ni Alexander ang dalawang lalaking lumapit sa kanila. Gwapo ang mga ‘to at halatang mga bisexuals ngunit wala siyang oras makipaglandian. Maharot siya pero nasa lugar at hindi siya nakikipagharot sa mas bata sa kaniya tulad ng mga ‘to, “is there a problem?” A man with its brown hair smiled at him, “ah wala naman. Actually, we just noticed you---” “What’s your school grade? Age?” Narinig niya ang mahinang tawa ni Kleya sa diretsahang pagtatanong niya na ikinagulat naman ng dalawang lalaki ngunit nakuha namang sumagot ng kasama nito na may abong buhok. “We’re both 1st year colleges and he's 17, while I'm 16. Btw, my name is Calvin---” “Not interested, babies. From De Los Altos University, right?” magkasabay na tumango ang dalawa and they are both clueless to what's happening now. He smiled sweetly, “freshman, huh. Well, I'm your senior and your student president of the University, Alexander Ross Maghirang” Nagkatinginan ang dalawa at unti-unting namula ang mga mukha nito. Bumalik ang tingin ng mga ‘to sa kaniya at paulit-ulit na humingi ng tawad. After that, they excused themselves and as fast as they can, they finally left the fastfood restaurant with their blushing faces. Pagkaalis ng mga lalaking iyon ay sinundan naman ng malakas na tawa ni Kleya at siya naman ay natatawa na rin. PAGKATAPOS ng nangyari doon sa fastfood restaurant, narito’t nakaharap si Alexander na pormal ang suot sa mga magulang ni Kleya habang katabi niya ang naka-floral dress na kaibigan. _____ “Please, Babe. Act as my boyfriend in front of my parents. Dad wants me to be arrange marriage with someone I don't even love. And I know, he'll stop it if I introduce you to them. Si ate nga eh pinabayaan nilang ma-engaged sa taong mahal nito nang hindi ko alam, hindi ko nga rin kilala kung sino, basta ang pagkakaalala ko ay sobrang yaman daw,” mahihimigan sa boses ng kaibigan ang inggit na ipinagsawalang-bahala niya. _____ Iyon ang sinabi ni Kleya sa kaniya at tumupad naman siya sa kagustuhan nito. “Excuse me po, magsi-cr lang ako.” naramdaman niya ang paghawak ni Kleya sa kaniyang kamay upang pigilan siya na huwag itong iwan. Natuon ang tingin ng mga magulang ni Kleya sa kanila. Pressured na pressured kasi ang kaibigan kahit na hindi pa nagsisimulang magtanong ang mga magulang nito. Kinikilabutan nga siya dahil sa aktu-aktuhan nila pero para kay Kleya ay iwawaksi niya muna iyon sa kaniyang sistema. “I’m not going anywhere, Babe. You're missing me too much, magsi-cr lang ako” inilapit niya ang bibig sa tenga ng kaibigan na animo’y magbibigay siya ng halik ngunit bumulong lang pala siya rito na may kasamang mura, “g*ga ka ba? Kanina ko pa gustong umihi pero pinipigilan mo ako, papatayin mo ata ako eh...” Bumungisngis si Kleya at inalis ang kamay nito na nakapatong sa kamay niya. “You should go, Mr. Maghirang.” Tumango siya sa striktong ama ni Kleya at sinunod ang sinabi nito. Iniwanan niya na lang ng ngiti ang kaibigan bago tumungo sa CR ng eklusibong restaurant. Guminhawa ang pakiramdam ni Alexander nang matapos siyang umihi at ngayon ay nagpupunas na siya ng tissues sa basa niyang mga kamay. Pagkalabas niya ng CR, natigilan siya nang makasalubong ang nanay ni Kleya na nakatingin sa kaniya. “How can I help you, Madame?” magalang niyang tanong sa medyo may katandaang babae na nginitian siya ngunit sinuklian niya ito ng pekeng ngiti. “Honestly, I know you, hijo and I know it too that you're not Kleya’s boyfriend. Here,” kinuha nito ang kaniyang kanang kamay at may isinilid na isang maliit na papel, “you’re Alexander Ross Maghirang and you're related to Rosalita Maghirang, diba? Then that piece of paper, location ‘yan ng Tita mo, sinabi niya sa’kin na if you have time, meet her ‘cause she misses you. Consider it, hijo...” Naiwang tulala si Alexander nang makaalis ang nanay ni Kleya. “Hey, Babe! Narito ka lang pala. Umalis muna ako ro’n, bigla kasing dumating si ate at nakakagulat ay kasama niya ang bagong propesor natin---babe, ba’t ang tahimik mo? Hey, hey, why are you crying? Let's go outside” Magkasabay silang lumabas sa likod ng restaurant at dumiretso sa parking lot. Napansin niyang hawak ni Kleya ang phone nito habang may ka-text. “Humingi ako ng permission kay Mama, Babe---” “Do you know about this, Kleya? Your mother knows about me! Kaya ba hindi ka kay Jevon humingi ng pabor, because of this?! Alam mo kung gaano ko kinasusuklaman na sa isang sitwasyon ay ginagawa akong uto-uto and here I am, crying because of what your mother said! She even gave me this f*cking piece of paper!” Padabog siyang naglakad papalayo sa restaurant at nagsisigaw na sumunod sa kaniya si Kleya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD