Chapter 6: His Family

1631 Words
“I’M REALLY SORRY, BABE---” “T*ngina mo, kahapon ka pa sorry nang sorry. Just shut up!” Alexander annoyingly cut off Kleya. Napapikit naman ang dalaga sa pagsigaw niya rito at gaya ng sinabi niya ay tumahimik ito. Both of them were absent today except for Jevon, he's a devoted basketball captain, after all but they're excused with the help of Kleya’s mother. Dahil kasi sa ma-dramang senaryo na nangyari kahapon sa pagitan niya at ni Kleya, kasama ang nanay nito ay naisipan niyang mag-go with the flow na lang. Yesterday was yesterday, and today is today. Hindi porque malungkot kahapon ay malulungkot din siya ngayon. Nakasakay ang dalawa sa Van na pagmamay-ari ng pamilya ni Kleya patungo sa lokasyong ibinigay ng nanay nito kay Alexander. May galit mang nararamdaman si Alexander sa Tita niya dahil sa matagal nitong pagpaparamdam, ipinagsawalang-bahala niya iyon. He doesn't want himself to be clouded with negative emotions. “Ma’am, Sir---” “Ma’am din po ako. Ay charot lang Kuya, sige po, thank you for driving us here. Tapos paki-sabi na rin sa magulang ni Kleya na thank you at hindi ko na iuuwi itong anak niya, we're going to do honeymoon here” Alexander cheekily said. Mahinang hinampas siya ni Kleya while the driver awkwardly smiled at them before stepping out to open the door for its bosses’ daughter. Hindi na niya hinintay pang pagbuksan siya ng pinto ng driver, lumabas siya ng kaniya. He's not that hypocrite, may mga kamay siya para gawin iyon. Nang makalabas na sila sa Van ay nagpaalam muna ang driver bago ito tuluyang umalis. “You’re living the life, huh” Inirapan siya ng kaibigan, “my Dad won't let me. No’ng una kong ginawa ‘yang pagbubukas ng pinto at lalabas ng ako lang, pinagalitan nga ako. It's the driver's job daw to serve me,” Kleya said nonchalantly. “OA ng pudra mo. Hayst, magpapayaman na nga muna ako para ma-gets ko kayong mayayaman,” nangangarap na saad ni Alexander at natawa na lamang siya nang pumasok sa isipan niya ang babayaran niya pang napakalaking utang. “Mayaman ka naman sa kagwapuhan at katalinuhan---” “Mayaman sa utang siguro,” at sabay silang natawa ni Kleya. “Anyway, St. Maasim ba talaga ‘to? Hmm, hindi na lang siguro tayo tutuloy, Babe. Baka pati mga tao rito, maaasim” nakangiwing sabi ni Kleya. Pinagmasdan nito ang malinis na paligid at may mga kalakihang bahay. Limang oras din ang biyahe nila. Mabuti nga’t hindi lubak-lubak ang daan kundi ay mahihilo talaga si Alexander. Hindi pa naman siya adventurous, sa s*x siguro, oo. Kinurot ni Alexander ang beywang ng kaibigan, “akala mo naman ikinaganda mo ‘yang pagiging judgemental mo---” “Ate, pahinging chocolate?” isang batang babaeng nakapameywang ang lumapit sa dalawa upang matigil si Alexander sa pagsasalita. ‘Pulubi? Taray naman, manghihingi na nga lang, chocolate pa’ mga salitang nasa isip niya. Ngunit sa hitsura ng batang babae ay malabong maging pulubi ito. Malinis ang kasuotan at makinis ang morenang balat nito. Malabong-malabo talaga. “Hello, baby girl. We don't have chocolate, money? You want? So that you can buy chocolate” pagkausap dito ni Kleya. Kumunot ang noo ng batang babae at inakala ng dalawa ay hindi nito naintindihan si Kleya kaya inulit na lang ni Kleya ang sinabi nito sa bata sa lenggwaheng Tagalog na ikinatawa niya. “Hirap pa lang magkaanak, Babe...” bulong ni Kleya sa kaniya. Napabungisngis siya. “But I want chocolate po, ate. If pera ibibigay mo sa’kin, I can't buy chocolate kasi Tita won't let me. You don't want me to cry po, diba? People will look at you and think you're bad kasi---” “Kasi papaiyakin ka niya? Eh kung papaiyakin talaga kita. Napaka-choosy mong bata. Nasaan ba magulang mo nang masabihan ko sila that talking to stranger is dangerous” masama ang tinging tinutukan ni Alexander ang bata na imbes na pumalahaw ng iyak sa buwelta niya ay nakuha pa nitong pagtaasan siya ng kilay. He gasped. “Why are you talking to me then? I'm a stranger too!” high-pitched na pagkakasabi ng batang babae. “Luh...” tanging nasabi lang ni Kleya na parang t*ngang palipat-lipat ang tingin sa kanila. ‘This baby girl is like a mini version of Alexander. Parang bata naman ‘tong si Babe eh, pumapatol ng bata,’ she thought. “Hoy, ikaw ang unang namalimos sa amin. Pasalamat ka nga eh pinansin ka ni Kleya tapos ikaw pa ‘tong walang respeto sa mas nakakatanda sa’yo, how old are you na ba?” “My name is not ‘Hoy’, I'm Alexa, 9 years old at hindi po ako nagmalimos sa inyo. And you, wala ka ring respect sa batang katulad ko!” “Oh, bata ka pa pala? Akala ko eh matanda ka na. You should always look at the mirror, hindi tugma ang edad mo sa kung paano ka kumilos...” napangisi si Alexander nang makitang namula ang batang babae, sign na inis na inis na ‘to sa kaniya. Nilingunan niya si Kleya na nakatingin sa bata, “pabayaan mo ‘yan, Kley. Mukhang mayaman naman magulang niyan. Bata raw, mukhang gurang naman---” “F*ck---” “Hoy!”/“Alexa! Why are you being like that?! Diba sabi ko sa'yong bata ka na huwag kang lalabas ng bahay, pinag-alala mo ako lalo na si Yaya mo!” Napatulala si Alexander sa bagong dating na may katandaang babae, magara ang damit nito habang may katulong itong nakasunod na bakas ang pag-alala sa mukha. Inakay nito ang batang si Alexa na bigla na lang umiyak. “Titaaaaa! Inaaway po a-ako *hic* nitong bakla---” “Your mouth, Alexa,” magkasabay na lumingon ang may katandaang babae at ang katulong nito kay Alexander upang humingi sana ng patawad ngunit ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata nito nang makilala ang taong nasa harapan. “A-Alexander?” nanginginig ang boses ng may katandaang babae nang isinambit nito ang pangalan ni Alexander. Ibinigay nito ang batang babae sa Yayang naguguluhan sa nangyayari habang dahan-dahan itong lumapit sa nakatungangang si Alexander, “m-my handsome nephew, y-you've grown a lot...” marahang kinapa nito ang mukha ng pamangkin at walang alinlangan siyang niyakap ng Tita niya kasabay nang pag-iyak nito. MASAMANG tingin ang pinupukol nang magkapatid sa isa’t isa. Alexander was sitting alone in a single couch while his stepsister, Alexa, was sitting across in a family couch. Tanging babasaging lamesa lang ang nakapagitan sa dalawa at anumang oras ay tila magsasabunutan ang mga ‘to. Kung hindi lang nalaman ni Alexander na kapatid niya ang malditang ‘to sa naging bagong asawa ng Ina bago mamatay, kinaladkad na niya ito palabas. Ang kapal ng mukha eh, 9 years old na pero nagpapabuhat pa rin. Mukha pa lang kasi ay spoiled na spoiled na. Alexander felt a bitter feeling and jealousness towards the little girl. She's living a beautiful life while he was suffering for seven years at pitong taon na rin ang nakakalipas no’ng mamatay ang Ina niya---nila pala ng malditang ‘to kasama ang Ama nito sa isang aksidente and how Alexander wished that his real father would be dead, too. “Kapatid kita? Layo naman, sobrang panget mo eh,” seryoso ngunit may ngisi sa labing sinabi iyon ni Alexander sa kapatid. Mas sumama ang tingin sa kaniya ni Alexa, “I agree po, we're far from being sister and brother. You look like a nerd po eh, while I look like a princess---” “Prinsesa ng mga panget~” Alexander sing-song. Inilabas niya ang kaniyang dila para dilaan ito at sunod-sunod na inasar ang bata. “Titaaaaaaaa!” hingi nito ng saklolo sa Tita niya na saktong lumabas sa kusina na may dala-dalang meryenda kasama ang kaibigan niyang napakalapad ng ngiti. Tuwang-tuwa itong si Kleya nang pumayag siya na sumunod sa bahay ng Tita niya na napaka-bongga. Hindi ito normal na bahay kundi isang mansyon. Nakapag-asawa raw kasi ito ng Afam na goal ng magkapatid---ang kaniyang Ina at Tita. But sad to say, binuntis lang daw ng Aussie ang Ina niya pagkatapos ay iniwan ito at si Alexander ang naging bunga. Suwerte naman kung ganoon ng Tita niya, kahit wala itong anak ay patuloy pa rin itong minamahal ng Afam, binigyan na nga ng Mansyon, binigyan pa ng kabuhayan. ‘Magbabalak pa naman akong mag-abroad para lang sa Afam’ natatawang salita ng nasa isip niya. “Alexa... I said, stop bothering your Kuya, you must welcome him here” sumimangot ang batang babae na ikinangisi niya at inilapag naman ng Tita Rosalita niya ang isang platong cookies na kaka-bake lang nito na sinundan naman ng paglapag ng juice ni Kleya saka ito umupo sa tabi ni Alexa, “meryenda ka muna, Alex and please lang, be formal with your sister---” “Stepsister. How can I act formal with her if she's abnormal... Oy joke nga lang, Ta. Seryoso mo masyado. Hoy, Alexa! Huwag kang dikit nang dikit diya’n kay Kleya---” “Inggit ka? Bleh!” “No! Kulang na lang ay mag-iisa na ‘yang mga mukha niyo, parehas na panget! And you, say sorry to me, sabihin mo na ‘sorry, ate kong maganda, hindi na kita kukulitin pa’, tapos bati na tayo...” plastik siyang ngumiti sa kapatid at ganoon din ang ginawa nito. “Hindi kita ate, hindi ka rin maganda. You're a boy so you're handsome---” “Oy, tinawag akong gwapo~” Nagsitawanan ang tatlo nang makitang namula ang batang babae. In that situation ay napunan ng ilang porsyentong kasiyahan ang puso ni Alexander ngunit mabilis din itong nagbago nang gumabi na at may isang taong dumating na hindi niya inaasahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD