SKY
I will grab every chance I have to be with her while she's still not eighteen. Dahil kapag dumating ang araw na iyon, kailangan ko ng magtago. Hindi pa ako handa sa susunod na mangyayari dahil wala pa ang kapatid ko.
Nagmamadali akong ihanda ang binigay ni Mama. Sopas ang isa na may iba’t ibang halo, at isang homemade na tinapay. Mainit pa ito kaya masarap kanin.
Nilagay ko ito sa bowl at nilagay sa mesa. Kumuha rin ako ng dalawang bowl at nilagay ang isa harapan ni Laxy at ang isa ay sa kaharap niyang silya. Kumuha rin ako ng mga kubyertos at panandok bago ko naalalang may kulang pa.
Binuksan ko ang refrigerator na nandoon. Mukhang handa naman si Mom sa paglipat ko dahil may laman ito. Mayroong karne sa freezer, mga gulay, at iba ay inumin at iba pang mga panghalo. Sa itaas ng refrigerator ay may sobra at alam kong pera ang laman. Ito ata ang allowance ko ngayong buwan.
“Ano ang gusto mong inumin? Mayroon ditong orange and four season juice, softdrinks, at… beer?” patanong kong sabi. ‘Di ko kasi alam kung ano ito pero nabasa ko ring alcoholic drink siya. “Hindi ko alam pero iyon ang nababasa ko.” I never heard of it before kaya hindi ko ito alam.
“Water will do,” sagot niya sa akin kaya tumango ako at nilabas ang isang bote ng tubig na nakahanda na rito. Kumuha na rin ako ng baso at nilagyan ito ng laman.
Naupo ako at tumingin sa kaniya. Napangiti ako ng hindi ko namamalayan. Ang gana niya kasing kumain. Naalala ko pa noon, gustong-gusto niya ang luto ni Mommy kaya ang dami ng kaniyang nakakain kapag nasa bahay siya. Parang ngayon lang.
Hindi ako nagkomento at kumain na rin habang tinitingnan pa rin siya. Napapangiti na lang ako dahil ang cute niyang kumain.
“Kumusta ka na?” lakas-loob kong tanong nang hindi ko na talaga mapigilan. Gusto ko lang malaman kung ano ang nangyari sa kaniya sa nakalipas na mga buwan.
Tiningnan niya lang ako na parang wala siyang pakialam at istorbo ako sa pagkain niya. Napakagat na lang ako ng aking pang-ibabang labi. Hindi ko alam kung tatanungin ko pa ba siya o ano.
Sumubo na lang ako ng pagkain at napapatingin sa labas. May bintana kasi rito at kitang-kita ang taniman sa likod. May nakatanim na mga gulay at may maliit na greenhouse, malakas ang kutob ko na halamang gamot iyon.
“Fine!” sabi ni Laxy. Mabilis akong napabaling sa kaniya, hindi ko alam kung pinaglalaruan ba ako ng pandinig ko dahil kumakain lang naman siya. Pero sigurado talaga akong nagsalita siya.
I smiled with the thought that she answered my question. Nagkalakas-loob akong magtanong ulit.
“Palagi ka bang mag-eensayo?”
“Nope." Isang tanong, isang sagot man siya sa akin, literal na isang salita lang, pero ayos lang. Masaya na akong nakausap ko siya pagkatapos ng ilang buwan.
“Kumusta naman ang pag-aaral mo?”
“Great."
“Ayos lang ba kayo ni Maxz?”
“Yeah.”
Isang salita lang talaga ang sagot niya sa akin. At least, sinasagot pa ako.
“Malapit na ang birthday mo, saan iyon gaganapin?” nakangiti kong tanong. Napansin kong naubusan na siya ng pagkain kaya agad akong nagsandok para sa kaniya. Hindi naman siya umimik at hinayaan ako kaya nilagyan ko na lang siya sa bowl niya.
“Sa bahay. Mom will arrange everything.” Nanlaki ang mga mata ko sa narinig kong sagot niya. Lumawak na rin ang aking ngiti.
“Mabuti kung ganoon.” I smiled while eating. Hindi na mapuknat ang ngiti ko. “Ipapadala ko na lang ang regalo ko kay Maxz. Hindi ako makakapunta, e.”
“Okay," akala ko iyon lang pero may karugtong pala na nagpawala ng ngiti ko. “Ayaw rin kitang nandoon.”
“A-” hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin. Napaawang ang aking labi. Hindi ko naisip na ganoon pala ang kaniyang gusto.
May sasabihin pa sana ako nang may tumunog na modernong musika. Alam kong nagmumula iyon sa tinatawag nilang cellphone. May tumatawag ata sa kaniya.
Sinagot niya ito at narinig ko ang boses ng isang babae. Napakunot ang aking noo sa pagtataka dahil parang kilala ko ang boses na ito pero hindi ko mawari kung sino.
“Baby, puwede mo ba akong sunduin dito? Nandito ako ngayon kanila, Lolo. It is so boring here. Kaya sunduin mo na ako. Let’s go and have some fun," she said and laughed. Ang arte ng kaniyang pagkakasabi kaya parang nangasim ang aking panlasa sa kinakain ko. “You know what I mean, at hahayaan kita kung ano man ang gusto mo.”
Bumilis ang t***k ng puso ko ng marinig ko ito. Alam ko ang pinapahiwatig nito. Hindi ko man naranasan, pero hindi naman ako sobrang inosente na walang ideya kung ano ang tinutukoy nito.
“But I am busy right now.” Nag-iba rin ang boses ni Laxy. May kakaibang damdaming sumisibol sa puso ko, ang panibugho.
“Baby, iwan mo na muna iyan. Sige ka, magtatampo ako,” sabi niya sa malanding boses.
“I am waiting for my sister. Baka mamaya ay nandito na iyon. Just wait for a minute," sagot ni Laxy. Binitawan niya na ang kutsara at sumandal sa upuan habang kausap ang haliparot na babae. Ayaw kong magsabi ng masama sa babae, ngunit hindi ko na talaga mapigilan.
“Hindi niya naman malalaman kung umalis ka, e. Sabihin mo ang tagal niya or may emergency. Sige na, Baby. Sunduin mo na ako.” Nakakasuka!
Nawalan ako ng gana pang kumain. Hindi ko na rin kayang marinig ang sinabi ng babae, lalo na ang malalam na boses ni Laxy. Bastos na kung bastos, pero agad kong niligpit ang pinagkainan namin. Hindi pa man siya tapos ay kinuha ko na, total ay binitawan niya na ang kaniyang kutsara at mas inuna ang katawagan na malanding babae.
Mabilis pa sa kidlat na aking niligpit ang lahat. Wala akong pakialam sa pinagsasabi nila. Hindi ko kayang marinig ang iba pa nilang sasabihin.
Kung kay Laxy ay hindi pa ganoon kalalim ang kaniyang nararamdaman sa akin dahil mag-e-eighteen pa lang siya, pero para sa akin na dalawang taon ang tanda sa kaniya ay masakit na iyon. Sobrang lalim na ng nararamdaman ko para sa kaniya at sa kaunting salita niya lang ay masakit na sa akin. Parang hinihiwa na ang puso ko.
Hindi ako nagsalita at hinayaan siya kung aalis siya o ano. Nagligpit na lang ako hanggang naramdaman kong nawala na lang siya bigla. Ngunit, nagbabakasakali pa rin akong nandiyan lang siya.
Napaharap ako sa kung nasaan siya kanina at wala na nga siya roon. Umasa lang pala ako. Napasandal ako sa gilid ng lababo at napapikit. Hindi ko napigilan ang pagbugso ng sakit sa aking puso, ay ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.
Masakit! Nakakaselos!
Patuloy na tumutulo ang luha ko habang inaalala ang usapan nila kanina. Akala ko, maganda na noong umpisa dahil nandiyan siya at kausap ako. Hindi pala sa ganoon magtatapos.
Tama nga sila. Kabalikat ng saya ang lungkot. Kung ano ang saya ko kanina, ganoon din ang kapalit ngayon.
Parang pinipiga ang puso ko sa sakit. Gusto kong magwala ngunit hindi ko kaya. Napahawak ako sa bibig ko para pigilan ang hikbi na gusto kumawala. Pinipilit kong patigilin ito.
Hindi ito maaari! Kailangan kong makontrol ang emosyon ko. Ayaw ko makain ng selos at gumaya kay Mommy.
Ngunit, tao lang ako. Nasasaktan din.
Dahil doon, napasalampak ako at umiyak. Hindi ko kayang may iba siya. Paano na kapag pumasok na ako at makita ko sila? Ano ang gagawin ko? Paano ko kukontrolin ang emosyon ko? Wala kaya akong gagawing masama sa kanila?
Hindi ko alam. Kaya dapat ngayon pa lang ay maayos ko na itong emosyon na ito. Dapat kong makontrol o baka ako pa ang kontrolin.
Mabilis akong tumayo at pinunasan ang luha sa pisngi. Mag-aayos na lang ako para kapag nandito na si Maxz ay puwede na kaming umalis. Kailangan kong maisagawa agad ang plano ko bago ako maging abala sa eskwelahan.
Mabilis akong naglinis ng bahay, walis-walis lang naman. Pagkatapos ay naligo na ako at nagbihis ng maayos. Itim na T-shirt at pants ang sinuot ko, at may rason kung bakit ganitong kulay ang sinuot ko.
Pagkatapos kong mag-ayos ay inayos ko na rin ang bag ko. Nandito ang mga kakailanganin ko. Si Maxz na lang talaga ang kulang.
Pagkaupo ko sa sofa, napabusangot ako dahil naalala ko na naman. I turned on the television to divert my mind from the event a while ago.
Ganoon ang ginawa ko, hanggang dumating ang tanghali na wala pa rin si Maxz. Siguradong importante ang nilakad niya kaya wala pa rin siya ngayon.
Kumain na lang ako ng pananghalian at natulog na muna ako. Maaga pa lang ay nagising na ako, kaya inaantok ako ngayon. Isa pa, kailangan ko rin ito para may lakas ako mamaya.
Ngunit sa pagtulog ko, parang may humahaplos sa ulo ko at hinahalikan ako sa noo. Napakagaan at masarap sa pakiramdam ang haplos na ito. Dahil dito, napasarap ang pagtulog ko.
“Babe! Wake up! Babe!” paulit-ulit na tawag sa akin ng isang boses. Nakakabanas naman. Gusto ko pang matulog, e.
“Tulog pa," sabi ko.
“Pero gabi na. May lakad tayo, ‘di ba?” Dahil sa sinabi niya ay napadilat ako. Doon ko napagtantong si Maxz pala ito at ginigising na ako. Madilim na rin ang labas at isa pa ay may lakad nga kami.
“Kararating mo lang ba?” tanong ko habang inaayos ang aking sarili. Agad akong tumakbo sa banyo para maghilamos, at sa paglabas ko ay nakita ko agad si Maxz na inaayos ang hapunan namin.
“Kararating ko lang rin kaya kumain na muna kayo. Nagutom talaga ako sa lakad ko. Hamakin mo ba naman! Pinakuha lang naman ni Dada sa akin ang isang kuwintas sa loob ng kuweba na puno ng iba’t ibang nilalang. Buti buhay pa nga akong nakalabas, e.” Daldal nito sa akin.
Mukhang nahirapan nga ito dahil may bali sa wheelchair niya. Kumumpas ako at umayos naman iyon.
“Mabuti naman kung ganoon.”
“Thank you sa pag-ayos.” Ngumiti pa ito at kumain na. Naupo na rin ako sa kaniyang tabi at kumain na rin. “Umaga pa lang ay nandoon na ako. Papalubog na ang araw no’ng ako’y nakalabas. Nakakagutom!”
“Kung gayon, kumain ka ng kumain. Mamaya ka na magkuwento.” Nilagyan ko pa ng pagkain ang kaniyang pinggan. Ngumiti siya sa akin at kumain na nga lang kasabay ko.
Ilang minuto rin kaming kumain. Pagkatapos ay ako na ang nagligpit habang siya ay naligo at nag-ayos. Hindi pa pala ito nakaligo pero kung ano na ang ginawa.
“Si Laxy ba pumunta dito?” tanong niya habang nasa banyo pa.
“Oo. Tinulongan niya ako kanina.” Totoo namam sinasabi ko. Gusto ko sanang magsabinpara makahinga ang bigat ng loob ko, ngunit huwag na. Ayaw kong nag-away pa sila.
Hindi siya sumagot pero dinig ko ang ginagawa niya sa loob. Maya pa ay tapos na nga ito.
“So, saan tayo ngayon?” tanong niya paglabas niya ng banyo. Bihis na ito at tuyo na rin ang buhok. Hindi iyon mahirap gawin para sa kaniya dahil kaya niyang kontrolin ang tubig at hangin.
“Basta. Samahan mo lang ako. May pupuntahan ako at tama lang ang oras ngayon.” Tumaas pa ang kilay ko kaya natawa siya.
“Pero baka mapagod naman ako riyan ng sobra?”
“Hindi. Samahan mo lang talaga ako at taga-tingin sa paligid.” Napangisi ako noong ngumiwi siya.
“Gagawin pala akong look out. Ang galing din! Ano, Babe?”
Napatawa ako sa mukha ni Maxz. Para siyang nagsusungit pero nakangisi.
“Sige na, Babe. Please!” Parang nagdadasal pa akong pinagsikop ko ang dalawa kong palad.
Tiningnan niya lang ako ng mataimtim. Akala mo inuusig ako.
“Sige. Dito ka na matutulog. Magluluto ako bukas ng paborito mong agahan." Pangguguyo ko pa sa kaniya.
Matalim pa rin ang tingin niya sa akin hanggang ngumiti na ito nang makita niyang seryoso ako.
“Deal?”
“Deal!” walang pasubali kong sagot.
“Sige. Kaya alis na tayo.” Natawa ako sa excitement niya.
Umayos na ako at dinala ang bag ko. Nandito lahat ng kailangan ko kaya nilabas ko ang isa sa nasa loob.
“Saan naman ang punta natin?” tanong niya at tinuro ang hawak ko. Isa itong bato na binigay ni Mom at mahalaga ito. Sabi niya, kapag gusto kong umuwi ay puwede ko itong gamitin, kaya gagamitin ko na.
“Uuwi tayo sa amin,” sabi ko.
“Hindi puwede iyan. Mararamdaman ka ng Mommy mo kapag ganiyan.” Mukhang nakuha niya na ang gusto kong gawin.
Tama siya sa sinabi niya. Malalaman ni Mommy ang ginawa ko kapag ito ang ginamit ko.
“Paano iyan? Ikaw na lang ang gagawa?” Tinago ko na agad ang bato.
“Ganoon na nga,” she said and sighed. Then with just a move of her wrist, we are already on the border. Hindi ko alam paano niya nalaman itong lugar na ito gayong ako nga hindi pa nakakapunta. “Huwag ka ng magtanong kung paano. Basta nakapunta na ako rito at alam kong nasa loob ang kapatid mo.”
Sa sinabi ni Maxz ay hindi ko napigilang huwag siyang yakapin. Ang laking tulong nito sa akin. Kaya agad kong sinuot ang kuwintas na pinaglagyan ko ng batong binigay ng spirit guardian. Ito ang magiging tulay ko para makapasok sa barrier na ito.
Ngunit napatigil ako noong makita ko ang barrier. Kakaiba ito sa ibang barrier na nakita ko noon.
“Isa ito sa pinagtataka ko," sabi ni Maxz mula sa gilid ko. Nakaupo pa rin siya sakaniyang wheelchair at hindi gumagalaw.
My mouth moved because I didn't know what to say.
“Bakit itim ang harang na ito? Ano ang mayroon sa loob?" puno ng pagtataka kong tanong.