SKY
“Ayos na ba lahat, Anak?” tanong ni Mom at tinapik pa ako sa likod. Napangiwi ako sa sakit pero hangga't mamaaari ay hindi ko pinakitang nasaktan ako. Magtataka si Mom at baka hindi pa matuloy ang pag-alis ko.
Ilang araw pa lang kasi ang nakalipas ng gabing iyon, at sariwa pa rin ang sugat ko kahit sabihin mang ginamot ito ni Maxz. Hindi ako purong bampira para gumaling agad ito, at hindi ko puwedeng gamitin ang kapangyarihan ko kasi magtataka sila bakit magaling na ako. Palagi kasing nakatingin sa akin ang mga kapatid ko, kaya wala akong takas.
“Opo, Mom. Nailagay ko na po lahat sa bag na binigay ninyo.” Ang bag na tinutukoy ko ay katulad ng pouch ni Tita Cassy na kasya ang kahit gaano karaming gamit. Lahat ng kailangan ko ay naipasok ko na, halos wala na ngang damit sa kabinet ko, e.
Ang damit ko ay kaunti lang naman dahil hindi naman ako binibilhan palagi ng damit simula noong nawala na si Cloud. Noon, si Cloud ang palaging nagbibigay sa akin. Ngayon ay si Mom kapag naaalala niya.
Ang mas nagparami lang sa bag ko ay ang mga nakolekta kong kung ano-ano na puwede kong magamit sa aking magic. Also, some ingredients for some potion. Pinag-aaralan ko pa ito kaya dadalhin ko roon sa bago kong bahay. Mga rare ingredients ito at masasayang lang kapag iniwan ko dahil for sure ay itatapon ng mga kapatid ko.
“‘Nak, may nakalimutan ka pa,” tawag ni Mama Tessa na kakapasok lang ng aking silid. Bitbit niya ang iba’t ibang gamot na siya mismo ang gumawa.
“Oo nga po pala. Salamat, Ma’!” Kailangan ko nga itong mga gamot na ito. Maliban sa sugat ko ngayon, hindi maiwang minsan ay nagkakasugat ako because I am clumsy.
“Mabuti na lang nandiyan ang Mama mo kaya may mabisa kang gamot na magagamit.” Ginulo pa ni Mom ang buhok ko pagkatapos niyang magsalita. Nakangiti ito kay Mama bilang pasasalamat at ganoon din sa Mama sa kaniya. Hindi ko alam pero may kakaiba sa kanila, kaya lang hindi ko na lang pinansin.
Binuhat na ni Mom ang dala ko at ako naman ay sumunod na. Nakapag-ayos na ako kaya ready to go na.
Sina Mommy at ang mga Kuya ko ay wala rito sa bahay. Wala naman silang pakialam kung aalis na ako rito. Kaya ayon, nasa training silang tatlo at si Mom lang ang maghahatid sa akin dahil si Mama naman ay magluluto ng pananghalian nila. Magagalit ang isa kong ina kapag dumating siya na walang pagkain na nakahain sa lamesa.
“Mag-ingat ka doon, Anak." Habilin ni Mama habang kayakap ako.
“Opo. Kayo rin po." Ngumiti siya sa akin at tinuro niya ng pumasok na ako sa portal. Nakapasok na si Mom dala ang bagahe ko kaya ako na lang ang naiwan.
Kumaway ako sa huling pagkakataon bago ako pumasok. Una ay parang iniikot ka nito hanggang makalabas ka sa kabilang dulo ng portal.
Napangiti ako nang nakaapak na ako sa lupa. Unang tingin pa lang ay napakaganda na ng paligid.
Nasa maliit kaming hardin tapos may maliit lang na bahay sa harapan namin. Pang-isahang tao lang talaga ito batay sa kaniyang laki at mukhang maaliwalas dahil gawa sa kahoy lahat. Ito ang gusto kong bahay. Parang bahay na tinatawag nilang nasa probinsiya.
Ang ganda dito at mukhang payapa.
“Nagustuhan mo ba, Anak?" umakbay sa akin si Mom at sabay naming tiningnan ang buong paligid. Tumango na lang ako dahil walang itulak-kabigin ang ganda ng lugat na ito.
“Halika! Para makita mo rin ang loob," sabi ni Mom.
Sumunod ako sa kaniya, at sa pagpasok nakin ay mas nakakamangha. Ang liit sa labas pero ang lawak pala ng loob. Fully furnished at marami na ring gamit ang nandirito.
Unang bubungad sa iyo ay ang sala na mayroong television, at maliit na mga sofa. May mesa rin sa gitna at iilang bulaklak bilang palamuti. Sa kanan ay ang nag-iisang silid na kompleto na rin sa gamit. Kapag tumuloy ka mulang sala ay kusina na agad. Nandoon na rin ang banyo at iba pang parte ng bahaya.
Isang palapag lang itong bagay na kinulayan ng kulay ginto at itim, dalawang paborito kong kulay. Simple lang siya at magandang tirahan sa tulad kong nagsisimula pa lamang na magsarili.
Napayakap ako kay Mom sa sobrang galak. “Salamat dito, Mom.”
“Wala ito, Sky. Kaunting bagay lang ito at alam kong gusto mo ito.” Humarap sa akin si Mom at alam ko na agad kung ano ang kasunod nito. “Paano? Aalis na ako dahil may trabaho pa ako. Si Maxz pupunta rito mamaya para tulungan ka sa pag-aayos.”
“Sige po, Mom. Mag-ingat po kayo.”
“I will,” she said then she kissed my forehead. Pagkatapos ay umalis na siya habang ako ay nakatanaw lang sa kaniya hanggang nawala na siya sa paningin ko.
Maaga pa naman, pero mas mainam ng matapos ang pag-aayos ko ng gamit ng maaga. Para kung may oras pa mamaya, maaaya ko si Maxz na mamasyal.
Nasa silid ko na ang bag ko kaya doon na ako maglalabas ng bagahe ko. I sighed but later it was replaced with a smile. I need to think positively with all the things that are happening to me. I am also excited for the following days now that I am living her on human world.
Ngunit isang katok ang nagpatigil sa akin. Napakunot ang aking noo dahil wala naman akong nararamdamann kung sino ang nasa kabilang pinto. Nagtataka kaya wala akong balak na buksan ang pinto.
May kumatok ulit pero wala pa rin akong maramdaman. Bigla kong naisip na baka si Maxz lang ito dahil kaya niyang magtago at hindi nararamdaman.
Wala akong magagawa kundi pagbuksan siya. At least, sa pakakataong ito ay hindi niya ako ginulat.
Pero sa pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako nang makita ko kung sino ito. Napalunok ako nang makita ko siya at ang bilis ng tahip ng aking puso.
Pagkatapos noong halikan ko siya, ngayon na lang ulit kami nagkita. Ilang buwan na ang nakakalipas ngunit ang mukha niya ay ang bilis na naging mature. Ngunit parang halatang mas naging masama ang ugali.
“Papapasukin mo ba ako o hindi?" Naging mature rin ang boses niya pero nakakatakot naman ito dahil sobrang seryoso.
“A-ano ang ginagawa mo rito?" Nabulol pa ako dahil sa kaba. Hindi ko alam bakit siya nandito.
Tinaasan niya lang ako ng kilay at walang pasakalye na pumasok na lang sa bahay ko. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o maiilang.
“Maxz begged me to come here. So, where's your luggage?” parang wala lang na sabi niya. Hindi ko mabasa kung masaya ba siya o naiinis sa tono mg kaniyang boses dahil sobrang neutral nito. Isa pa, hindi naman talaga ito pupunta kung hindi dahil kay Maxz.
“Nasa kuwarto ko," sabi ko lang, nang iniwan niya na ako. Daig niya pang bahay niya itong bahay ko.
Pumasok na lang bigla sa silid ko, at nang makita niya ang aking bag ay agad niya itong binuksan. Gamit ang kapangyarihan ay pinalipad niya kung saan-saan na ang mga gamit ko. Ngunit may nakakamangha siyang ginawa. Ang lahat ng bagay ay napupunta sa kung saan ko dapat sana ilalagay.
Napanganga na lang ako, na siyang dahilan kung bakit muntikan ko ng mabitawan ang inihanda pala ni Mama na meryenda ko. Hinagis ba namam sa akin pagkakyha niya. Nasa loob pala ito ng bagahe ko na ngayon ay ayos na. Ang bilis niyang naayos ang lahat.
Ang gandang pogi ng nag-ayos ng mga gamit ko. May hanggang balikat siyang buhok ngayon na akala mo isang artistang Korean. Kulay blue ang mata dahil sa contact lens. Matangkad at maputi. Higit sa lahat, ang lakas ng karisma ng taga ayos ko ng gamit ko.
“Sa-salamat, Laxy.” Hindi ko alam pero nahihiya akong namamangha sa kaniya. Nakakahanga dahil lumalakas na talaga siya, sa lakas na hindi namin inakala.
“I’m going then,” sabi niya. Nataranta ako sa narinig. Ayaw ko pa siyang paalis.
“Huwag!” kasing bilis ng bibig ko ang mga braso ko. Hinawakan ko lang naman ang kaniyang braso.
Ngunit nakatikim ako ng nakakamatay na tingin. Siguro kung kutsilyo lang ang titig niya, nasa ilalim na ako ng lupa at inuuod. Ang talim talaga na akala mo ang laki ng kasalanan ko.
Her brows raised up asking me what.
“Gu-gusto mo bang magme-meryenda muna? Hinanda ito ni Mama at pinadala niya sa akin.” Hindi ko alam kung papayag siya, pero wala namang masamang gawin ko ito. Minsan ko lang siyang makasama, at sana kahit sandali lang ay maragdagan ang oras na kasama ko siya.
Hindi siya nagsalita, bagkus ay pumunta siya ng sofa at naupo roon.
Binuhay niya ang telebisyon at naupo roon na akala mo sariling bahay niya ito. Wala naman iyon sa akin kaya walang problema.
Bagkus mas sumaya ang puso ko dahil alam kong kakain pa siya ng meryenda. Makakasama ko siya kahit sandali pa.
All I wanted was just to look at her, memorize her beauty and flaws. Just a few minutes with her, make my heart grow fonder.