SKY
Hindi ko alam bakit ko hiniling iyon kay Mom. Gusto ko lang naman ay makapag-aral nang maayos at mahanap ang kakambal ko. Gusto ko lang matuto, hindi lang simpleng bagay kung hindi ay higit sa roon.
Palagay ko, ito na ang kabayaran ng pagpayag ni Mom at paggawa niya ng paraan para maibigay ang hiling ko. Pero kailangan ba talagang umabot sa ganito?
“Maghihintay lang kami rito. Huwag mong subukang tumakas dahil kung ginawa mo, magkakaalaman tayo, Sky.” Kitang-kita ko ang ngisi ng kapatid ko ang pagbabanta sa buhay ko.
Hindi na ako sumagot at pumasok na lang sa gubat. Hindi ito sakop no’ng black witch at nasa loob pa ito ng teritoryo namin. Kaya lang, maraming mababangis na hayop ang nandito. Mas lalo na sa pinapakuha nila na may nakabantay roon.
Huminga na lang ako ng malalim at tiningnan ang dala kong kutsilyo. Ito lang ang ibinigay nila sa akin dahil gusto nila akong mahirapan.
Palagi naman!
Ang pinag-uutos nila ay dalawang balahibo ng Cygnus, at dalawang lila na bato na makukuha lamang sa loob ng kweba. Ipinagbabawal pa ang may katulad kong level na pumunta roon dahil delikado para sa amin. Dapat sila ni Kuya dahil task nila ito at kanina pa dapat ito tapos. Siguradong nagdahilan na naman sila.
Pumasok na ako na hindi ginagamit ang kapangyarihan ko. Maglalakad lang ako para hindi sila maghinala mamayang pag-uwi ko. Isa akong walang silbi sa paningin nila tapos magugulat sila tapos na agad? Kahina-hinala iyon. Kaya gagawin ko na lang ito na parang ordinaryong witch.
Wala namang akong nakaharap na ano mang nilalang. Sinigurado kong ligtas ang mararaanan ko at umiwas ako sa may mga natutulog na mga mababangis na hayop. Kapag nararamdaman ko naman ang papalapit na ibang hayop, umiiwas agad ako. Ika nga, safety first.
Una kong pupuntahan ay ang Cygnus. Isa itong swan na nakatira sa isang malawak na lawa rito sa amin. Maaaring ang gandang pakinggan kapag sinabing swan, ngunit kakaiba ito sa karaniwang swan.
Ang Cygnus ay malaki, puti ang balahibo, at maganda. Ngunit ito ay isang predator dito sa lugar namin. Hinahabol niya ang kaniyang prey at pinapatay gamit ang kaniyang laway. Ito ay parang asido na susunog sa sino mang matapunan.
Ngayong gabi at tulog sila, at basta hindi lang sila magising ay makakakuha ka ng balahibo nila. Kung may makikita pang hindi pa nila kinakain. Nalalaglag din naman ang balahibo nila na agad nilang kinakain. Kaya walang sino man ang agad makakakuha nito. Ang balahibo ay may kapangyarihan na paliparin ang isang bagay o tao kaya marami rin ang gustong kumuha nito.
Sandali pa, nakarating ako sa lawa kung saan sila natutulog. Mula sa malayo, kitang-kita ko agad ang grupo ng mga Cygnus. Natutulog ang mga ito, at malapit sa kanila ay may isang balahibo akong nakita. Mukhang kalalaglag lang nito dahil nagkamot ang isang tulog na Cygnus.
Hindi ko naman kailangan lumapit, kaya ginamit ko ang kapangyarihan ko para lumipad ang balahibo papunta sa akin ng walang ingay na nangyayari. Sa isang kumpas ko ay hawak ko na ang isang balahibo, maputi ito at napakakinis. Kulang pa nga lang ako ng isa.
Naupo na muna ako bilang pahinga at maghintay sa malalaglag na balahibo. Malawak itong lawa at napakalinis ng tubig. Nililinis kasi ito ng Cygnus kaya wala ka talagang makikita. Napapalibutan ito ng matatayog na mga puno kaya sa umaga ay hindi rito gaano kainit.
Suddenly, I heard the sweet voice of a bird, a sweet lullaby. Hinihele nito kung sino mang makaririnig, at talagang aabutin ng ilang araw bago magising.
“Sh*t!” Mapapamura ka talaga kapag ito ang nakasagupa mo. Sagabal na, medyo delikado pa lalo na’t wala namang maghahanap sa akin kapag nakatulog ako rito. Sigurado, nagpiyesta na ang mga hayop sa katawan ko.
Mabilis akong pumikit at isinara ang aking pandinig. Ngayon, sa pandama at paningin na lang ako puwedeng umasa. Isa pa, hindi na ako puwedeng magtagal dito.
Gamit ang nakuha kong balahibo, lumipad ako papalapit sa mga Cygnus. Tulog na tulog sila, na advantage sa akin.
There, I saw another fallen feather between two Cygnus. Dapat ko itong makuha ng hindi sila nagigising. It's just a piece of cake for me. Pinalipad ko lang ulit palapit sa akin.
Kailangan ko na agad makuha ang isa pa nilang pinapakuha bago ako abutin ng madaling araw. Kailangan ko pang mag-ayos para sa pag-alis ko at magpahinga na rin.
Ginamit ko na ang balahibo kaya nakarating agad ako sa harapan ng kuweba. Dito naman, wala akong ideya kung ano ang nasa loob basta delikado rin dito.
“Kaya mo ‘to, Sky!” Pampalakas ko sa aking sarili bago ko kinuha ang kutsilyo ko at pumasok.
Dahan-dahan akong pumasok, siguradong walang ingay na malilikha at nakaalerto. I looked in every direction to any possible attacker. Ngunit nakapasok ako sa loob ng walang kahirap-hirap.
“Nakapagtataka!” nasabi ko dahil talaga namang hindi kapani-paniwala. Kinibit ng balikat ko na lang ito.
Doon, kita ko agad ang nagkikislapang mga bato. May iba’t ibang mga bato na nandoon pero ang lila lang ang kailangan ko kaya kinuha ko ito at inilagay sa bag na binigay nila kanina kasama na ang mga balahibo.
Ang gaganda ng mga bato, iba maaaring kakailangan ko sa susunod ngunit hindi pa naman ngayon. Hindi ako gahamang tao, kaya wala akong planong kunin ang lahat ng mga ito.
Tumalikod na ako para umalis. Ngunit nabigla ako noong may itim na biglang umatake sa akin. Hindi ko ito napaghandaan kaya tinamaan ako sa braso ng kaniyang limang mga kuko.
“G*d*mm*t!” napamura ako sa sakit at umatras. Isa itong bear at nagbabaga ang mga mata. Bantay ata ito ng lugar na ito. Hindi ko siya maaaring patayin.
Kaya itinago ko ang aking kutsilyo at naghandang sambitin ang mahika para makatulog ito. Ngunit ang nangyari, mabilis itong umatake sa akin.
Umikot agad ako para makailag. Nakailag nga ako mukha ko, ang likod ko naman ang hindi. Napaluhod ako sa sakit.
“Roar-roar!” Isang malakas na tunog ang ginawa ng bear bago ako atakihin.
Maybe instinct kicked in, I waved my hand in front of me. Then next thing I know, the big bear fell down a loud thud.
Nanlaki pa ang mga mata ko sa gulat. Napatulog ko ang bear kahit hindi ako nagsambit ng spell. Akala ko katapusan ko na.
Sinubukan kong makatayo sa abot ng aking makakaya. Masakit pero kinakaya. Kailangan ko pang umuwi.
“Kailangan mo ba ang tulong ko?” Nagulat ako nang may biglang nagsalita. Napalingon ako rito at nakita ko ang isang babae na nakasuot ng isang puting damit.
Napatanga ako nang makita ko siya. Ngayon lang ako nakakita ng isang spirit guardian. Gusto kong lumuhod bilang pagbigay galang, ngunit hinawakan niya ako at umiling siya.
“Hindi na kailangan.” Tiningnan niya ang mga sugat ko. “Kailangan mo ba ng tulong? Pasensiya na kung nahuli ako.”
Unang beses kong makakita ng spirit guardian kaya manghang-mangha talaga ako. Hanggang libro ko lang kasi sila nababasa at ang sabi ay maganda sila at mababait. Hindi naman nagsisinungaling ang mga libro.
“A-ayos lang po. Saka hindi na kailangan. Kaya ko naman. Kung walang sakit, hindi ko masasabing hindi ako nagtagumpay,” nakangiti kong sabi.
“Ikaw ang bahala,” sabi niya. May kinuha siya sa gilid, at doon ay isang bato na kulay dalandan. “Ito. Kunin mo ito dahil sigurado akong kailangan mo ito.” Nagtataka man ay tinanggap ko ito.
“Para saan po ito?”
“Makatutulong iyan sa iyo. Magtiwala ka.” Nakatitig lang ako sa kaniyang mga mata habang nagsasalita.
Doon, buong puso akong naniwala sa kaniya.
Hating-gabi na nandito pa rin ako sa daan. Paika-ika pa ang lakad ko dahil sa sugat ko na natamo.
Malapit na ako sa bahay at mabuti na lang tulog na sila. Pagkapasok ko ng gate ay nakita ko kaagad sila Kuya na nakaabang sa pinto.
“Mabuti at buhay kapa. Sayang!” binulong lang ni Kuya Troy ang huling salita pero rinig ko pa rin. Inilahad niya ang kamay niya. “Saan na?” Alam ko na kung ano ang hinihingi niya kaya binigay ko na ito. Pagkaabot ko ay iniwan na lang nila ako na hindi man lang nagtanong kung ayos lang ako. Ni hindi man lang ako tinulungang maglakad lalo na at may sugat ako.
Paika-ika akong pumasok sa bahay. Maingat ang bawat hakbang ko dahil baka magising sila Mommy. Pero malas talaga ako.
Biglang lumiwanag ang buong sala at nandoon si Mommy. Nakaupo ito sa isang sofa na nandoon at ang sama ng tingin sa akin.
“Saan ka na naman nanggaling, magaling kong anak? Gumawa ka na naman ng katangahan, ano? Tsk! Napakagaling!” Tiningnan ako ni Mommy mula ulo hanggang paa. Wala si Mom siguro nagka-emergency sa headquarter kaya gising si Mommy ngayon. “Hindi ko na lang tatanungin kung saan ka galing kasi alam kong walang saysay lang naman ‘yon. Bahala ka sa buhay mo! Magdusa ka sa katangahan at kabarumbaduhan mo!” sigaw niya pa at iniwan lang ako na naiiyak. “Ang tigas ng ulo! Hindi na lang namatay!” Narinig ko pang bulong ni Mommy.
Nasaktan ako roon sa huli niyang sinabi. Ngunit, may bago pa ba? Kailangan ba ako hindi nasaktan sa mga lumalabas sa bibig ni Mommy? Hindi ko na matandaan kailan ako huling inalagaan ng Mommy ko. Maaaring sandali pa lang siyang ganito, pero sa dami ng nangyari, palagay ko ang tagal na.
Natabunan na ang magandang ala-ala ng mga sakit na tinamo ko mula sa kaniya.
Nakayuko na lang akong pumasok sa kuwarto ko. Nasasaktan ako narinig ko pero masakit din ang katawan ko. Kailangan kong gamutin muna ang sugat ko at magpahinga. Napagod akong maglakad.
“Ginawa mo na naman ang pinag-uutos nila? Pang-ilan na iyan, ah. Nandaraya na sila.” Biglang may nagsalita na naman.
Hindi na ako nagulat na nandito siya. Kasi naman, parang mas kami pa ang kambal sapagkat nararamdaman namin ang sakit ng bawat isa. Siguro, nagkapalit kami.
“He-he!” Nagawa ko pang magbiro at matawa sa isip ko kahit masakit na ang katawan ko.
“Kaya nga ako masaya na aalis na ako rito, eh. Pumayag na si Mom at may tirahan na rin ako malapit sa inyo.” Napangiti rin siya sa wakas sa sinabi ko.
Gusto ko na ring maligo para malinis ang mga sugat ko. Kaya naghubad na ako kahit masakit ng buo kong katawan. Hindi din ako matutulungan ni Maxz kasi naka-wheelchair siya.
“Mabuti kung gano’n. Maglinis ka ng katawan at gagamutin kita.” Hindi na ako sumagot at ginawa ko na lang ang utos niya.
Matapos kong maglinis ng katawan at magsuot ng damit panloob ay naupo ako sa upuang inihanda niya sa harap niya. Inumpisahan na niya akong gamutin gamit ng kaniyang kapangyarihan at tahiin ang malalaking sugat. Napapangiwi na lang ako ‘pag nadidiin niya minsan. Medyo malalim din kasi.
“Sino ang may gawa nito?”
“Hindi sino, kundi ay ano,” sabi ko at napangiwi sa sakit. “Isang bear ang may gawa. Nakatira siya sa kuweba kung saan ako kumuha ng dalawang bato.” Tumango na lang ito at nagpatuloy hanggang matapos. “Thank you, Babe!”
“Bakit naman?” Nakakunot ang kaniyang noo na nagtanong sa akin.
“Para sa pagiging kapatid at kaibigan sa akin. Thank you kasi hindi mo ako iniwan. Tapos, dapat ako ang mag-alaga sa iyo pero ikaw itong gumagawa no’n sa akin kahit mas matanda pa ako sa iyo.” Naiiyak kong sabi sa kaniya.
Hindi ko maiwasang huwag maging emosyonal lalo na sa ganitong sitwasyon. Ngumiti lang siya sa akin at humalik sa pisngi ko. Hindi kasi masalita si Maxz ‘pag kadramahan ang usapan.
Pinakita ko na rin ang librong nakita ko sa library pagkatapos niyang magligpit ng kaniyang ginamit. Tuwang-tuwa rin siya kasi mahilig din siya magbasa. Dalawa kami ang magbabasa sa titirhan ko. Kukuha lang ako rito sa amin ng libro kapag natapos na namin ang dala ko.
“May isa pa, Babe. Puwede ko ng makita si Cloud dahil dito!” masaya kong sabi at pinakita ko ang isang dalandan na bato na bigay no’ng babae. Alam kong makikita sa malaki kong ngiti ang sobrang saya ko.
“Saan mo nakuha iyan, Babe? At paano?” she curiously asked. Kinuha niya ang bato at inusisa ito.
“Sa babae sa kweba. Isa siyang spirit guardian. Binigay niya ito sa akin kanina noong kinuha ko ang lilang mga bato at nasaktan ako noong bear. Noong una ay hindi ko alam ano ang gamit nito, hanggang naalala ko ang binasa ko noon tungkol sa mga bato. Sa pamamagitan nito, maaari ko nang makita ang kapatid ko. Itong bato ay magagamit para makapasok sa invisible wall.” Ngumiti rin siya at niyakap ako.
“Sasamahan kita.” Tumango ako sa kaniya. Hindi ko ito magagawa kung wala siya.
“Makikita ko na si Cloud. Makikita ko na ang kakambal ko!” Excited na ako.
Dahil doon, pagkaalis ni Maxz ay nakatulog akong may ngiti sa mga labi.