Chapter 11: Realm of Witches

2393 Words
SKY “Mom, can I go to school with Maxz?” Pagbukas ko ng usapan ngayong nandito kami sa hapag-kainan. Ilang araw ding wala si Mom at ngayon lang siya ulit namin nakasama.  Sa nakalipas na araw, hindi ako pinapansin ni Mommy at ng dalawa kong kuya. Si Kuya Troy at Train, kambal din sila pero umiinom sila ng dugo dahil mas marami ang dugo na nakuha nila kay Mom na isang bampira, kaya more on vampire sila. Habang kami ni Cloud ay hati talaga na kahit hindi kami uminom ng dugo ay okay lang.  “Hindi! Dito ka lang at baka may ipahamak ka na naman!” sabat ni Mommy sa usapan. Ngayon lang siya ulit nagsalita sa harap ko at talagang pagkontra pa. Napayuko na lang ako.  “But tell me first where were you this past few days?” Mom raised her brow, questioning me. Alam ko namang alam niya kung nasaan ako palagi. Si Dada Fara at Mom lang ang may alam sa pinaggagawa namin ni Maxz. Gusto niya sana sabihin kay Mommy pero nakiusap ako na huwag. Kaya tinago niya ito sa loob ng isip niya at baka malaman pa ni Mommy.  “You know where I went, Mom," I said, defeated. Tumango si Mom at ngumiti na lang.  “Huwag mo sabihing pinapayagan mo siya? Sa eskwelahan ng mga tao nag-aaral si Maxz. Baka mamaya niyan malalaman pa nilang hindi tayo tao sa katangahan niyan.” Napayuko ako sa sinabi ni Mommy. Sana nandito si Cloud, at least may isa pa akong kakampi.  “Honey ko, mas mabuti nga ‘yon. Mas masasanay siya kapag doon siya nag-aral. Madidisiplina siya roon,” sabi ni Mom at tumingin siya sa akin at nag-wink. Gusto kong matawa kay Mom pero pinigilan ko na lang. Ang cool talaga ng Mom ko. “Wala akong tiwala sa batang ‘yan, Hon. Mapahamak tayo sa katangahan niyan-” “Hon!” Matigas na pagputol ni Mom sa sasabihin pa ni Mommy. Nakikita ni Mom na nasasaktan na ako. Alam ko gusto niya ring lumayo ako para hindi na ako masasaktan pa ni Mommy, physically and verbally. “Anak mo ‘yan!” puni ng diin na sabi niya. Alam ko galit na si Mom, at ‘pag galit na ito ay natatakot kami. Kahit si Mommy ay takot din kaya hindi na siya nagsalita pa at tumango na lang. Ngumiti naman si Mom at hinalikan si Mommy sa pisngi bago ako hinarap.  “Pupunta ako sa headquarter mamaya, kaya ipapa-enroll na kita at hahanap na rin ako ng tirahan mo ro’n. Malapit na ang pasukan nila roon kaya tamang-tama lang umpisahan ko mamaya.” Ngumiti lang ako at tumayo sa kinauupuan ko at lumapit kay Mom. I hugged her with all the gratefulness.   “Thank you, Mom!” sabi ko at humalik na rin sa pisngi niya. Ngumiti naman ito at ginulo pa ang buhok ko na gustong-gusto kong ginagawa ni Mom sa akin simula pa pagkabata.  Pagkatapos ng usapang ‘yon ay tahimik ulit kaming kumain. Kumakain ako pero nag-iisip parin ako kung paano ko mahahanap ang kakambal ko. Lahat ng magic ay nagawa ko na pero palaging putol, kung hindi dahil nandyan si Mommy, parang may wall doon na pumuputol naman. Na-try na rin ni Maxz na ma-locate ito pero may wall daw talaga at hindi siya puwedeng pumasok dahil malalaman nilang may pumasok do’n. Kaya palagay ko ay doon sa loob ng invisible wall si Cloud.  Kaya ngayon pinag-aaralan ko paano makapasok na hindi napapansin. Hindi rin ako sure kung nandoon si Cloud at ano ang nandoon sa loob.  Pagkatapos naming kumain ay pumasok na lang ako sa kwarto. Hindi kami magkikita ni Maxz ngayon dahil may pupuntahan silang buong pamilya. Kaya ang gagawin ko ngayon ay alamin kung anong klaseng wall ‘yon at maghanap na naman ng spell para makapasok ng tahimik.  Nag-iisip din ako no’ng spell na alam ko na. Marami pero hangga't hindi ko alam ang wall na ‘yon, wala rin saysay. Kaya ang next destination ko ay ang library. Marami rin namang libro rito at sana makahanap din ako ng iba pang libro na makakatulong sa akin. May ibang libro sa mataas na shelf akong hindi pa nababasa.  Pumasok ako sa library at walang katao-tao kaya mabuti na rin ‘yon. Hindi ko alam saan ako mag-uumpisa kasi hindi ko alam ang lugar na may wall. Para lang kasi itong gubat at alam ko sakop pa iyon ng forbidden forest. Dito lang din sa Realm of the Witches kaya malapit lang siya.  Siguro… unahin ko ang realm. Tama! Iba't ibang realm. Pumunta ako sa shelf about sa mga realm. Ngayon ko lang napansing ito sa pinakamataas. Binasa ko kasi muna ang nasa ibaba, e.  Pero ang hindi ko inaasahan na nasa nakabilog ito na shelf at ang taas. May mga row bawat isang realm. Sa first row ay ang Realm of Human, ang earth. Second, Realm of Wolves and shifter na nabura na. Third, ang Realm of Vampire na bura na rin. Fourth, there's the Fairyland. Fifth, the Realm of Spirits or Ghost kung saan wala talagang makakapasok. Sixth ay ang Realm of Witches. Seventh is the Realm of Other Creatures that also gone. Last but not the least, the Abyss kung saan pinapatapon ang masamang nilalang.  Gusto kong basahin lahat pero kailangan ko muna malaman about sa kakambal ko. Gusto ko na siyang makasama. Kulang talaga ang buhay ko kung wala siya. Hindi ko kaya na hindi ko man lang siya nakikita.   Marami ang libro ng Realm of Witches, kaya umpisahan ko na lang sa itaas pababa. Hindi ko rin naman alam ang pagkakaayos nito.  I used magic para makuha ang limang unang libro sa taas. Wala namang tao kaya safe akong gumamit. Wala kasi nakakaalam na naabot ko na ang kakayahan ni Mommy. Ang mahina lang sa akin ay physical dahil hindi ako umiinom ng dugo.  Nilapag ko ang libro sa lamesang nandirito. Kahit basahin ko lang ito at marami na akong matututunan dahil iba gumana ang utak ko. Nasasabayan ko na rin kasi ang kakayahan ni Maxz sa pag-aaral at pagsasaulo. Pero si Maxz at Laxy ay may iba pang kakayahan na hindi ko kahit kailanman magagawa.  I started reading the books. Ang unang libro ay about sa pinagmulan ng realm namin. Ikalawa gano’n pa rin. Pangatlo ay tungkol pa rin dito at ganoon din ang pang-apat. Ang pang-lima ay ang mapa ng buong lugar. Nahahati din pala ito sa iba't ibang distrito. Lima lahat at kami ang nasa sentro at Sentro din ang tawag. Mayroong Hilaga, Timog, Silangan, at Kanluran.  Nasa Kanluran ang wall, hinuha ko’y nandoon siya. Gusto ko mag-skip ng libro pero sayang pa rin ang dagdag kaalaman, at ang pangit kapag putol-putol ang malalaman mo. Mabuti na ring ito pagtuunan ko ng pansin hangga't wala pa ang kakambal ko. Hindi ko napansing hapon na pala ng matapos ko ang limang libro. Hindi ko rin naramdaman ang gutom, ngayon lang din. Alam kong walang maghahanap sa akin kasi wala naman silang pakialam kahit anong gawin ko maliban na lang kung katangahan na naman para sa kanila.  Pero kailangan ko na rin lumabas kasi mamaya nandiyan na si Mom. Ayaw kong pati si Mom ay magalit sa akin. Ayaw ko mawala din ang pagtitiwala niya. Siya na lang… “Hay!” Isang malalim na buntonghininga ang lumabas sa akin.  Naisipan kong ayusin ang kalat ko bago umalis. Patakbo akong umakyat kasi nasa baba ang library, kasama kasi basement ito. Babalik na lang ako mamaya para kumuha ng sunod na libro. Wala namang pumupunta roon kaya okay lang.  Pagkaakyat ko nakita ko kaagad si Mom na kapapasok lang ng bahay makikita sa mukha niyo ang pagod pero nakangiti pa rin.  “Mom!” Tumatakbo ako nang tinawag siya. Nang palapit na ako ay nakita ko ang ngiti niya. Paglapit ko ay yumakap agad ako sa kaniya ng mahigpit. Na-miss ko talaga siya kahit sandali lang siya nawala sa paningin ko.  “Saan ka galing? Amoy pawis ka na.” Inamoy-amoy niya ako habang nakayakap. I giggled kasi nakiliti ako sa ginagawa ni Mom pero natutuwa rin ako, syempre.  “Naglakwatsa na naman sigurado. Wala naman alam ‘yan, eh.” Sabat ni Mommy bago pa man ako makasagot.  Bumitaw na sa akin si Mom Sarah at nilapitan niya si Mommy. “Hi, Honey!” bati niya sa asawa bago siya tumingin at ngumiti ulit sa akin. “Hindi naman siguro, Honey. Amoy libro nga, eh.” Tinawanan pa ako na kinanguso ko naman.  Inamoy-amoy ko rin sarili ko, at tama si Mom. Amoy lumang libro ako. Iba talaga pang-amoy niya. Ngumiti lang ako ng alanganin at baka pagalitan ako.  “Sa library nga po ako galing.” Ngumiti lang si Mom at lumapit sa akin at ginulo na naman ang buhok ko. Si Mommy naman ay umismid lang at pumasok ulit sa kung saan hindi ko alam, basta umalis.  “Ilan ang natapos mong basahin?” “Lima po, Mom.” Nakayakap ako ulit sa kaniya, kapag si Mom kasi ang kasama ko ay nagiging malambing talaga ako.  “Okay!” Kumawala na kami sa yakap at naglakad na siya paakyat para makapagpalit. Nang may naalala siguro kaya napatigil siya sa gitna ng hagdan. “Oo nga pala. Naayos ko na lahat ng papeles mo para sa eskwelahan at tirahan mo. Puwede ka ng lumipat sunod na linggo. Pasama ka na lang kay Maxz. Malapit lang sa kanila ang tutuluyan mo roon.” Ngumiti siya ulit bago dumiretso ng akyat. Napatalon ako sa tuwa. Hindi talaga ako bibiguin ni Mom. ‘Pag sinabi niya, gagawin niya talaga.  “Thank you, Mom!” sigaw ko kay Mom na alam ko narinig niya.  “Huwag kang maingay. Abot hanggang labas ng bahay ang boses mong mala-tunog palaka. Ang tanga talaga!” Napayuko na lang ako sa sinabi ni Kuya Troy na kararating lang kasama si Juya Train.  Nawala ang saya ko kanina. Alam ko galing sila sa training dahil doon naman palagi sila, eh. Kahit minsan hindi nila ako sinasama.  Yumuko na lang ako at dumiretso sa kusina. Tutulong na lang ako sa paghahanda kay Mama Tessa. Kapatid din siya ni Mommy sa ama kaya hindi sila magkasundo, maliban noong una niyang dating. Pero para sa akin ay mabait sa akin si Mama Tessa. Palagi siyang nakikinig sa akin at alam niya rin lahat pero hindi siya nagsasalita kasi alam niyang hindi maniniwala si Mommy sa kaniya. It is futile to reason out with my Mommy.  “Oh, Anak! Halika at tulungan mo na lang ako kaysa nakabusangot ka riyan.” Tawag niya noong nakarating na nga ako sa kusina ng hindi ko namamalayan. Ngumiti ako nang pilit sa kaniya at tumulong na rin.  Maraming kuwento si mama Tessa kaya napapangiti at napapatawa niya ako. Ang saya ng usapan namin nang biglang sumulpot ang mga magulang ko.  “Kaya nagiging tanga, e,” bulong na sabi ni Mommy pero narinig ko nang malinaw. Hindi ko alam kung narinig ‘yon ni Mama Tessa. Pero si Mom, siguradong dinig niya ‘yon kasi tiningnan niya ang kaniyang asawa ng matalim ngunit binalewala lang ni Mommy at pumunta na ng dining table.  “Tapos na ba kayo?” tanong ni Mom na sumagot kami ni Nama Tessa ng tango. Tinulungan niya kami na madala ang pagkain sa lamesa.  Napansin kong lumaki ang ngiti ni Mama habang nakatingin sa Mom ko. May nakikita ako sa mata niya na hindi ko alam. Dumaan lang ito kasi nakita niya akong nakatingin sa kaniya. Binalewala ko na lang kasi baka namamalikmata lang ako.  Sabay-sabay na rin kaming kumain. Pinasama na ni Mom si Mama Tessa sa amin kaya masaya ako kasi may kausap ako. Ganoon din si Mama lalo na kapag nakatingin siya kay Mom.  Si Mommy Claire naman ay nakabusangot. Kaya sa ugali talaga ng isa kong ina na malambing, sinubuan niya ito at nagpakita ng ka-sweet-an na kinangiti ni Mommy. Nang tiningnan ko si Mama, ang sama ng tingin kay Mommy. Hindi ko alam pero parang galit siya.  “Mama? Okay ka lang po ba?” Nang tinanong ko siya ay parang doon pa lang siya nagising sa pagtulog kasi medyo napatalon pa siya.  “Okay lang. Kain ka lang.” Ngumiti siya sa akin na alam kong pilit lang. Ang weird, ha. Hayaan ko na nga lang.  Tahimik kaming kumain pagkatapos no’n. Pero nakikita ko sa gilid ng mata ko na parang iba ang tingin ng kambal sa akin. Alam kong may iba na naman silang balak ‘pag gano’n.  Hay, nakakapagod na rin minsan.  Nagmadali na akong kumain para makakuha na naman ako ng libro. Excited ako sa iba ko pang malalaman.   Pagkatapos ko ay nagpaalam agad ako sa kanila. Tumango lang si Mom at Mama. Si Mommy naman ay inirapan ako at tiningnan lang ako ng kambal.  Papunta na ako sa kuwarto pero dadaan muna ako ng library. Mabuti na lang at madadaanan ko ito kaya madali lang sa akin pumuslit.  Pagpasok ko, pinakiramdaman ko muna kung may ibang tao bago gumamit ng magic. Binalik ko sa dati ang librong nabasa ko na at kumuha ako ng lima ulit. Tungkol na ito sa bawat distrito.  Nagmamadali akong pumunta sa kuwarto kasi gusto ko ng simulan ang magbasa. Pero hindi ko inaasahan ang madadatnan ko. Ang kambal nandito at parang hinihintay ako.  Mabuti at hindi pa nila nakikita ang hawak ko sa likod kaya gumamit ako ng magic para ilipat ang libro sa kabinet ko.  “Bakit po, Kuya?” Kahit alam ko malakas ako sa kanila, takot pa rin ako kasi palagi nila akong sinasaktan at dalawa pa sila. Hindi ko sila kayang labanan at saktan kasi mahal ko pa rin sila.  “Sumama ka at gawin mo ang task namin para bukas.” Nanlaki ang mata ko. Kasi ang task na ibinibigay sa kanila at sobrang delikado.  “Pero… kuya…” paputol-putol ang pagsabi ko ng pagtutol. Ayaw ko gawin ‘yon dahil buhay ko na ang nakasalalay. “Ano? Gagawin mo o gusto mong masaktan?” Kuya Troy smirk at me. Si Kuya Train naman ay tahimik lang na nakaupo sa kama ni Cloud.  Wala akong magawa kundi sumunod sa utos nila. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD