Chapter 10: Itim

1539 Words
SKY Ang bilis ng tahip ng puso ko, nagbabakasakaling hindi ito marinig ni Dada. Kinakabahan rin ako sa maaaring mangyari.  “Mga anak, galingan ninyo ang pagtatago. Nandiyan na ako!” sigaw ni Dada na nag-echo talaga sa buong gubat. Sinabayan niya pa itong tawa na matatakot ka talaga. Aakalain mong totoong kalaban na ang kaharap mo.  “Calm yourself!” sigaw ni Maxz sa isip ko na halos kinagulat ko pa. Sa sobrang kaba ko nga, baka mahuli kaki ni Dada. Hindi ako sumagot pero naging alerto ako dahil naramdaman ko si Dada sa malapit. Mabagal lang itong naglalakad na akala mo namamasyal lang siya. Hindi man lang niya natamaan ang mga patibong kahit parang balewala lang ang kaniyang paglalakad.  Maya pa ay tumigil ito bago pa man siya nakapasok sa ginawa kong trigger warning. Hindi maipagkakaila magaling talaga siya dahil alam niya agad na mayroong ganoon doon.  Dahil parang isang robot ang mga taong ginawa ko sa loob ng barrier, naka-program na atakihin ang sino mang nasa malapit, ay agad na binaril ng puppet na Maxz ang ina. Hinaluan niya ng hangin ang bala para makaliko ito at ang habulin lang ay si Dada.  Through my enhanced eyesight, I saw how Dada just walked a little and the bullet missed her. I was amazed how she easily felt and deflected it.  “Paano ba iyan? You missed!” natatawa niyang sabi bago pumasok sa ginawa kong trigger. Alam ko namang papasok siya, pero nagulat pa rin ako. Hindi ako nagulat dahil sa tunog at dapat kung maramdaman, kung hindi dahil walang tunog na nangyari. Parang hindi lang siya na detect ng ginawa kong detector.  I looked at my puppet at ito naman ngayon ang bumabaril sa kaniya. May unlimited bullet itong paintball gun kaya kahit sunod-sunod na pagbaril ay ayos lang. Isa itong enhance na paintball gun at ang kapangyarihan nito ay nagmumula sa isang bato.  Pinagbabaril ko siya ngunit ang bilis niyang gumalaw at hindi ko siya mabaril. Using my puppet, I materialize many gun na bumabaril lang kahit walang tao. Nakapalibot ito kay Dada pero parang hangin lang siya kung makailag.  “Oh! I like this.” Mukha ngang nag-i-enjoy ito sa pinaggagawa ko.  Si Maxz ay sumali na rin gamit ang kapangyarihan niya. She tried to held her mother with her power, pero agad itong nasisira ng ina at nakakawala. Naiilagan pa rin nito ang pagpapaulan ko ng mga bala.  “Sh*t! Maxz use your power properly!” my puppet shouted on Maxz’s puppet.  “Ginagawa ko naman. Sadyang malakas lang si Dada sa akin.” Sagot naman nito habang pinipigilan pa rin ang nanay. Sadyang malakas nga ata si Dada dahil hindi siya namin kayang mahuli.  Isa pa, kung ano ang kapangyarihan ni Maxz ay kapangyarihan niya rin. Ibig sabihin lang ay madali niyang makontra bawat atake ni Maxz.  Napansin na lang namin na binabaril niya na rin kami. Doon niya napansin na may barrier na nakapalibot sa puppet.  “Not bad!” She smirked. “But still not enough.”  When she said that, she suddenly vanished that even myself couldn’t see her. How about the puppet that only has our conscience but not really us?  Nagulat ako noong lumitaw siya sa harap ng dalawang puppet at sinira niya ang harang. Agad siyang pinagbabaril namin ni Maxz kasama ng mga baril na ginawa ko kanina. Pero mabilis talaga siya at malapit niya na kaming mapatay.  Pinalabas ko ang isa ko pang ginawa. This is my last straw, at kapag hindi ito uubra ay siguradong talo na kami.  Sa isang pitik ng aking kamay, ang maninipis na pisi ay agad na hinila si Dada pataas. Hindi pa siya nakaka-react ay agad ko siyang pinaulanan ng bala. Lumabas ako sa lungga ko at ako mismo ang tumira.  Pero may agad akong naramdaman mula sa likuran ko kaya binaril ko na rin ito. I don’t care sino ang matamaan. Parang nagising ang survival instinct ko at babarilin ko kung sino man ang lumusot.  May sumulpot ulit kaya binaril ko naman ito. Hindi ko na binigyan pa ng pansin para makapagsalita. “F*ck! Sky, masakit! Bakit pati ako nadamay? Panalo na tayo kaya ibaba mo na iyan,” sigaw ni Maxz ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Para akong nag-blackout na hindi ko alam.  “Good job, Sky.” Nakangiti sa akin si Dada habang nakasabit pa rin siya. Ngunit parang wala lang at parang nag-i-enjoy pa siya.  “Ako na magdadala lang ng pagkain, binaril mo na rin.” Napalingon ako sa isa kong nabaril. Si Lucia pala ito at nakangusong tinitingnan ang kulay gray niyang damit na may pintura.  “Sorry,” paghingi ko ng paumanhin.  “Okay lang. I like how you suddenly move.” Sumang-ayon naman ang mag-ina sa sinabi ni Lucia. First niya ito, at so far she thinks she did well.  Pumitik ako ulit at nawala na ang lubid at si Dada ay parang wala lang na nakatayo na ngayon.  “Paano iyan, Maxz? Mukhang mas magaling si Sky sa iyo.” Hindi ko alam kung ano ang rason ni Dada at sinabi niya iyon sa anak.  “Okay lang, Da. Mas bata naman po ako sa kaniya, kaya mas marami pa akong kakaining bigas bago ko mararating ang naabot niya at ninyo po.” Tumingin pa sa akin si Maxz na nakangiti, like she is proud of me. I smiled back, on my best friend, the only one.  “Yeah, it would be great to practice more.” Ginulo ni Dada ang buhok ni Maxz bago lumapit sa anak pagkatapos niyang suminyas kay Lucia na mauna na. “Maaga pa naman. Let’s have a night swimming at mag-enjoy ngayong gabi.” Inakbayan niya ang anak at lumapit din sa akin at ganoon din ang ginawa. “I can say na gumaling na talaga kayo, and I am proud sa narating ninyo. Pero hindi ibig sabihin ay hindi na kayo mag-eensayo. Kailangan ninyo pa rin iyon.” “We understand, Da. Wala naman po kaming balak na tumigil, e.” Si Maxz ang unang sumagot na sinundan ko.  “Alam naman po namin na hindi pa iyon sapat para maprotektahan namin ang mahal namin sa buhay.” Tumango naman si Dada at tiningnan kami ng may pag-uunawa.  “Kung gayon, mas pahihirapan ko kayo.” “Dada!” sabay naming reklamo na kinatawa naman ni Dada.  Nang gabing iyon ay masaya naming pinagsaluhan ang pagkaing dala ni Lucia. Mga magagaan lang sa tiyan dahil matutulog na rin naman kami. Naligo rin kami sa dagat at talagang enjoy naman.  Sa pagsapit naman ng madaling araw, isang matamis na halik ang siyang palaging gumigising sa akin. Nakakapag-energize ng katawan kaya kinaumagahan ay ready na naman sa panibagong ensayo at mga nakakaaliw na bagay.  Ang bilis dumaan ng tatlong araw, kaya ngayon ay umuwi na ako. Halos nga nagsaya lang kaming magkaibigan noong huling araw namin. Ngunit kailangan na talagang bumalik sa totoo naming buhay.  Hinatid lang ako ni Maxz sa silid ko bago siya umalis agad kasi may lakad pa siya sa eskwelahan. Nakaka-miss ang bahay pero minsan ay ayaw ko ring umuwi rito.  Wala akong maramdamang tao dito sa bahay, kaya nagpasya akong pumunta ng sa library sa unang palapag ng aming bahay. Maghahanap na lang muna ako ng paraan paano ko makikita ang kapatid ko, at mag-aral na rin ng iba’t ibang spell.  Ang library namin ay malaki rin na akala mo maliit. Ilang palapag ang libro rito sa sobrang dami. May sofa kung saan ka puwedeng magbasa at mayroon ring lamesa kung magsusulat ka.  Mabilis akong narating ng library at pinuntahan ang sunod na libro na hindi ko pa napag-aralan. Ang mga nasa libro ay mga enhancing spell, at nangunguna doon ang paano ma-enhance ang lakad mo.  Naupo na ako at nagbasa na naman. Noong natapos ko, isa na namang libro ang nahanap ko. Ito naman ay paano wasakin ang iba’t ibang barrier.  Marami akong natutunan dito lalo na iyong ginawa ni Dada bakit hindi nag-trigger ay nandito. I also realized some of my mistakes before, bakit mabilis akong mahuli ni Mommy.  “Parang abala ka ata? At ano ito?” Hindi ko man lang namalayang nandito na si Mommy sa tabi ko.  Agad niyang hinablot ang hawak kong libro at tiningnan ito. Sinuri niya pa hanggang nanlilisik ang mga mata na tumingin sa akin.  “Talagang ayaw mong tumigil?” Pabalya niyang inilapag ang libro sa harapan ko bago ako nito hinarap na nanlilisik pa rin ang paningin. Napalunok na lang ako sa takot ko sa sarili kong ina.  “Mo-” hindi niya ako hinayaang magsalita.  “Kahit ano ang gagawin mo, hinding-hindi mo makikita ang kapatid mo. Hindi ko iyon hahayaan. At kung sakali mang makita mo siya, mauunahan pa rin kita at ilalayo ko siya sa iyo. Tandaan mo iyan.” Bulyaw niya bago ako iniwan doon.  Hindi ko alam pero kinilabutan ako sa pambabanta ni Mommy. Natakot ako! Noong oras na iyon, nakakita ako ng kung ano sa mga mata niya. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o ano. Pero nakita ko talaga.  Naging kulay itim ang kaniyang mga mata...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD