Chapter 9: Ready?

1678 Words
SKY “Parang kinagat na nga ang labi mo ng bubuyog, mukha ka pang baliw kakangiti mo riyan. Good mood ka lang, girl?” Napairap ako kay Maxz dahil sa pang-aasar niya. Kanina pa ito simula nang nagising kami.  “Tse! Huwag ka nga!” I said then I pouted. “Ngayon lang naman ito kaya pagbigyan mo na ako.” Nakangiti ko pang sabi at napapatingin sa taas. I remembered what happened last night.  Wala namang nangyari sa amin kahapon. Hanggang halik lang kami dahil hanggang ngayon ay pinanghahawakan pa rin namin ang pangako namin sa mga magulang namin. Wala man siyang sinabi pero alam kong mahalaga rin ako sa kaniya lalo na sa pinaramdam niya sa akin kagabi.  Alam ko namang mukha akong baliw ngayon dahil sa mga ngiti ko. Mula pagkagising ay hindi na nawala ang ngiti sa mga labi ko. Masaya kasi ako ngayong araw kahit na late kami ng gising.  “Huwag mo sabihin sa akin na sinuko mo na si bataan? Naku! Sinasabi ko sa iyo, Sky. Iyan na lang pinaghahawakan mo tapos ibibigay mo pa. Ang rupok, girl.” Pang-aasar niya na naman kaya napalabi ako.  “Hindi, ah! Iniingatan ko pa rin ito, ano. Hanggang kiss lang,” sabi ko na nakangisi pa sa kaniya. Habang ang magaling kong bestfriend ay inikutan ako ng mata.  “Oo na lang. Basta marupok ka pa rin,” sabi niya at sumubo ng sausage na almusal namin. “Wala na akong sasabihin kung marupok ka. Basta ang gusto ko, kapag nagtuturo na ako mamaya ay makinig ka.” Tinuro pa ako nito ng tinidor kaya napaatras ako at napangiwi. Hindi talaga ito nagbibiro at baka mamaya sa akin niya itusok ang tinidor.  “Opo, Madam! Focus po ako mamaya. Promise!” panunumpa ko na itinaas pa ang kanang kamay. Hindi siya sumagot pero dinuro pa rin ako ng tinidor habang nanlilisik ang tingin sa akin. Napangiwi na lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain at hindi na sumagot pa.  Nandito kami ngayon sa isang open cottage. Ang ganda rito. Kitang-kita ang asul na dagat at langit, ang ganda rin ng mga bulaklak na nakakalat sa paligid, at ang simoy ng hangin ay kay sarap samuyin. Ang sarap tumira sa isang munting paraiso pero siyempre, kasama ang mahal natin sa buhay. Sa susunod, sa ganito rin akong lugar titira kasama ang mga anak at mates ko. Napangiti ako sa isiping iyon habang patuloy pa rin ang pagkain.  Ilang sandali ay natapos na kaming kumain kaya naghanda na naman kami. Dahil bomba ang gagawin namin, nagpalit kami ng damit na siguradong protektado kami. May dinala siyang lab gown na siyang agad naming isinuot. Una ay binasa namin ang isang libro na more on laboratory ang gawaan ng bomba. Gumawa kami ng pipe-bomb at iba pang maliit na bomba na pumutok naman nang sinubukan namin. Gumamit lang si Maxz ng power niya to insure our safety. In the afternoon, we still studied about bombs but we did it in the forest. We also get our materials from the forest itself. It could be juice from leaves, powdered from branches of trees, its sap, or the soil. We could make a bomb that can surely help us in time of needs.  Hindi ko naisip na puwede pala ang ganito. Pero sadyang ang mga Knight lang ang may alam dahil personal na ginawa ito ni Tita Cassy. Siya talaga ang nakadiskubre ng lahat ng ito. Pinag-aralan niya at sinuri ng maigi upang maging magandang survival skill.  “Tuloy na natin ang night swimming natin,” nakangiting sabi ni Maxz na nagpa-excite rin sa akin. Tapos na kami at hapon na.  So far, lahat ng ginawa namin ay gumagana at nagtagumpay kami sa isang subok lang. Naalala naman namin iyong sangkap at paraan paano gawin ang bomba dahil mas iba ang takbo ng aming utak kaysa sa ordinaryong tao.  “Si-” bago ako nakasagot ay may sumagot sa aming likuran. Hindi ko man lang napansin na nandito pala si Dada. Parang anak niya lang din, parang kabuteng sumulpot. “Hindi puwede. May ipapagawa ako sa inyo.”   “Da!” Maxz exclaimed. Nagtatakbo agad ito sa ina at yumakap. “Miss ninyo po ako?” Napatawa ako sa tanong ni Maxz dahil baliktad naman iyon. Siya itong naka-miss sa kaniyang ina pero makatanong.  Lumapit na rin ako at humalik sa pisngi ni Dada bilang pagbati. Nginitian niya lang ako bago bumalik ang tingin sa anak.  “Yeah. I miss you that is why I will train you later,” nakangisi pa nitong sabi na kinasimangot ni Maxz.  “Akala ko bakasyon na namin, e.” She pouted.  “Ano pala ang ginawa ninyo kanina?” Sa halip na sagutin, tinanong lang kami ni Dada.  “Nag-aral po kami ngayon kung paano gumawa ng bomba. Mula sa mga chemical sa laboratory hanggang sa mga mahahanap sa gubat in form of survival.” Ako na ang sumagot at naupo na ulit. Napagod din ako kakatakbo kanina upang huwag matamaan ng mga debris na lumilipad mula sa pagsabog.  “Maganda iyan. Dahil diyan sa bomba na iyan, nailigtas ako ng Mom ninyo. Parang kailan lang, kitang-kita ko kung paano gumawa ang Mom Cassy ninyo ng bomba gamit lang ang mga damu sa labas. Nakakamangha pero napakadelikado.” Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang nangyari noon para mailigtas ni Mom Cassy si Dada Fara. Dahil din doon ay nabawi ni Mommy ang Realm of the Witches sa kalaban. Sa tulong ni Mom Cassy ay nagkaroon ng tirahan ang mga witches.  “Kaya gusto rin po naming matuto.” Tumango si Dada sa sinabi Maxz.  “Kung ganoon, dahil wala kayong ginawa na pisikal, maglalaro tayo mamaya. We will use a paintball gun. Two of you versus me. Titingnan ko kung may nag-improve ba sa inyo. Puwede ninyong gamitin ang natutunan ninyo kahapon at kanina but made sure na walang may masasaktan.” I knew Dada was just challenging us.   Hindi ko alam kung kakabahan ba ako o matutuwa sa narinig. Ngayon lang ang nakaharap ng ganitong training. Iba pa rin kasi sa practice shooting kaysa sa totoong tao na ang kalaban. May utak kasi ang kalaban ngayon at hindi mo alam kung ano ang kaniyang gagawin, habang sa practice shooting ay lilitaw lang naman ang target at di gumagalaw.  “Sure, Da. Pero, puwede bang kain muna kami?” Napakamot pa sa kaniyang ulo si Maxz. Kanina pa kasi siya nagugutom.  Natawa si Dada sa kaniya. “Oo naman. Sa gabi pa naman tayo magsisimula. Ang buong isla ang ating playground mamaya.”  “Sige po. Kain po muna kami.” Humalik si Maxz sa pisngi ng ina bago siya umalis at nauna na sa open cottage. Mukhang may pagkain na naman doon tulad nang kaninang umaga at tanghali.  “Sige po, Da,” sabi ko na bago sumunod kay Maxz.  “Sige. Enjoy your meal.”  We really enjoy our meal like what Dada Fara said. Nag-enjoy rin kami sandali sa tubig bago nagpahinga. Kailangan namin iyon lalo na’t si Dada ang kalaban namin. Isang magaling na manghuhuli ng masasama habang kaming dalawa ay amateur. Ang laki ng pagkakaiba.  Nagplano na rin kami ng gagawin namin. Namemorya naman namin ang lugar dahil ito ang pinaglaruan namin kanina kaya alam namin saan magandang magtago at maglagay ng patibong.  Sumapit ang alas-otso ng gabi, ang oras na magsisimula na kami. Paglabas namin ng cottage namin, suot ang itim na fitted outfit, nakita namin si Dada na naghihintay na sa amin. Jeans lang at itim na t-shirt ang suot nito at nasa kaliwang kamay ang kaniyang baril.  “Ready na ba kayong matalo?” nakangisi nitong sabi sa amin. Alam ko si Maxz excited habang ako kinakabahan sa mangyayari mamaya. First time ko ito kaya hindi ko maiwasang huwag kabahan. “Don’t be nervous, Sky. This is just a game.” Napansin agad ni Dada na kinakabahan ako, paano pa kaya mamaya? “Saan kami, Da?”  “Kahit saan. Bibigyan ko kayo ng kalahating oras and I’ll gonna hunt you both.” Nakangisi na naman ito ulit pero kakaiba na ang ngisi nito. Iyong alam mong on game na talaga at hindi mo siya maiisahan.  Tulad ng gusto niya, nauna kami sa gubat. Nakapagplano na kami ni Maxz na roon kami sa isang bahagi ng gubat na maraming posibleng exit. Ayaw naming mapunta sa isang sitwasyon na wala na kaming matakbuhan.  “Gagawa ako ng flares at ikaw na ang magkalat sa paligid. Ako na ang bahala dito sa loob. Patibayin mo na lang pagdating mo,” sabi ko sa kaniya gamit ang mind link. Hindi puwedeng marinig ni Dada ang usapan namin at sinigurado ni Maxz na hindi rin niya mababasa ang nasa isip namin.  “Okay.” Gumawa na agad ako ng mga maliliit na flare na sa oras na madaanan ang trigger nito ay parang fireworks na iilaw ang langit. Isa lang ang ginawa ko tapos ay multiply ko lang ito gamit ang aking kapangyarihan. Pagkatapos ko ay umalis na rin si Maxz.  Gumawa ulit ako pero iba ito. Trigger ito na madi-detect ang kahit sino mang makapasok sa perimeter ay malalaman ko. Mabilis ko itong inilagay sa bawat puno na nakapormang parisukat.  Sunod ay kumuha ako ng dahon at gumawa ako ng dummy. Nilagay ko ito sa loob ng secured place at parang totoong tao itong, ako at si Maxz.  Dumating din si Maxz at pinagtibay ang ginawa kong harang. I secured the gun on my hand and we looked at each other.  “Ready?” she said while smiling. Excited na talaga ito. “Ready!” I smiled and we both vanished into thin air. Malapit na rin ang oras na palugit ni Dada sa amin.  Naging invisible ako habang si Maxz ay nag-camouflage sa puno. I have another idea kaya ginawa ko nang hindi nagpapaalam kay Maxz.  I may be nervous but I am also excited. Hindi basta-bastang kalaban si Dada… and it is a privilege kung matatalo namin siya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD