CHAPTER 19 Dayrit's POV Habang binabaybay ko ang daan pauwi, nakatingin ako sa rearview mirror. Tahimik si Heaven sa passenger seat, nakatingin sa labas ng bintana. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, pero sigurado akong tungkol pa rin iyon sa sinabi ko kanina. “Sa lahat. Sa lolo ko. Sa pagiging totoo mo.” Hindi ko alam kung bakit iyon ang mga salitang lumabas sa bibig ko. Pero iyon ang nararamdaman ko. Simula nang dumating siya sa buhay ko, naging mas komplikado ang lahat—pero sa isang paraan, parang mas nagkakaroon ng kulay. “Sir, dito na lang po,” sabi niya habang nililingon ako. “No. Ihahatid kita sa mismong pintuan ng apartment mo. Gabi na, delikado,” sagot ko nang hindi tumitingin sa kanya. Napansin kong napabuntong-hininga siya, pero wala na siyang sinabi. Tumigil ako sa

