CHAPTER 24 Third Person POV Nang makabalik si Keira sa kanyang apartment, tila naglalaro sa kanyang isipan ang mga nangyari sa Tree House. Hindi siya makapaniwala na ang lalaking mahal niya at pinagkatiwalaan niya nang lubos ay nagawa siyang lokohin, at higit sa lahat, sa piling pa ng isang babaeng tila walang ibang ginawa kundi ang agawin si Dayrit. Ang sakit ay tila apoy na lumalamon sa kanyang puso. Habang nakaupo sa gilid ng kama, hawak ang isang basong alak, pumikit si Keira at pilit na iniisip kung paano makakaganti kay Heaven. Hindi niya hahayaan na matapos na lang ito nang ganito. Kung iniisip ng babaeng iyon na madali lang siyang masasaktan at aalis, nagkakamali siya. “If you think you’ve won, Heaven, you’re dead wrong,” bulong ni Keira sa sarili habang ubos ang laman ng baso.

