CHAPTER 5
THIRD PERSON POV
Maagang nagising si Heaven kinabukasan. Nasanay siyang bumangon nang mas maaga kaysa iba upang maaga ring matapos ang mga gawain. Habang abala siya sa pag-aayos ng kusina, naisipan niyang magluto ng almusal.
Nasa gitna siya ng pagbati ng itlog at pag-aasikaso ng ginisang corned beef nang biglang bumukas ang pinto ng kusina. Hindi niya inaasahan ang pagdating ni Dayrit sa oras na iyon, kaya’t bahagya siyang nagulat nang maramdaman ang presensya nito.
Nasa hagdan pa lang si Dayrit nang maamoy niya ang aroma ng nilulutong pagkain. Tumigil siya saglit, sinundan ang pabango ng corned beef na parang musika sa kanyang ilong. Hindi siya sigurado kung ano ang nagtulak sa kanyang mga paa, pero bago pa niya napansin, nasa tapat na siya ng kusina.
Pagtapak niya sa pinto, natagpuan niyang abala si Heaven sa harap ng kalan. Nakasuot ito ng simpleng apron, may bahagyang mantika sa pisngi, pero mukhang kontento sa ginagawa.
“Magandang... umaga,” bungad ni Dayrit, bahagyang nag-aatubili sa tono.
Napalingon si Heaven, nagulat sa presensya niya, pero mabilis na nakabawi. “Sir Dayrit? Ang aga niyo po.”
“Amoy... mabango ang pagkain,” sabi niya, pilit na bumuo ng pangungusap sa Tagalog. Alam niyang hirap siya sa wika, pero hindi niya iyon pinansin.
Napansin ni Heaven ang pagiging bulol niya, at bahagyang napataas ang sulok ng kanyang mga labi. “Nagugutom po ba kayo, Sir?”
“Ano... ano ‘yang niluluto?” tanong ni Dayrit, tumango pa habang sinusubukang magtunog natural.
“Corned beef po at itlog,” sagot ni Heaven, nangingiti na. “Gusto niyo po bang tikman?”
“Gusto... gusto ko, pero paano ba... paano ba tawagin—uh, tawagin ang... itlog na... ganito?” tanong niya, itinuturo ang frying pan na may sunny-side-up egg.
Dito na napahalakhak si Heaven. Hindi niya mapigilan ang tawa niya, lalo na’t nakikita ang seryosong mukha ni Dayrit habang pilit itong bumibigkas ng Tagalog.
“Sir, itlog lang po talaga ang tawag doon,” natatawang sagot ni Heaven.
“Ito-log?” ulit ni Dayrit, tila iniisip kung tama ba ang pagkakabigkas niya.
Mas lalo pang natawa si Heaven. Halos mapabitaw siya sa hawak niyang spatula. “Hindi po! Itlog!” inulit niya, mas malinaw na ngayon.
“‘Yan nga ang sabi ko. Ito-log,” pilit ni Dayrit, nagtataka kung bakit mali pa rin ang kanyang pagsasabi.
Halos mapaupo si Heaven sa tawa. “Pasensya na po, Sir. Hindi ko lang po talaga mapigilan!”
“Hindi... nakakatawa,” sabi ni Dayrit, halatang naiinis pero hindi galit. Sa halip, napansin niya ang liwanag ng mga mata ni Heaven habang tumatawa ito. May kung anong mainit na pakiramdam ang bumalot sa kanya, kahit hindi niya gusto ang pagiging tampulan ng biro.
Habang nagpupunas ng luha sa kakatawa, napansin ni Heaven ang bahagyang pamumula ni Dayrit. “Pasensya na po ulit, Sir,” sabi niya, pilit na pinipigilan ang natitira pang hagikhik. “Ang hirap lang po kasi isipin na hirap kayo sa simpleng Tagalog.”
“Ano bang... masama sa hirap?” tanong ni Dayrit, nananatiling diretso ang mukha. “At least I try.”
Napailing si Heaven, nakangiti pa rin. “Tama po kayo doon, Sir. Pero baka mas maganda po kung magpractice kayo. Siguro po, dito sa kusina, pwede tayong mag-Tagalog lesson habang nagluluto ako?”
“Tagalog... lesson? Here?” tanong ni Dayrit, itinaas ang kilay.
“Opo! Para po hindi na kayo magmukhang—” pinutol niya ang sarili, ngumiti nang bahagya. “—hindi na kayo magkamali.”
Nakita niyang bumaba ang tingin ni Dayrit sa niluluto niya. “Kung... kung bibigyan mo ako ng pagkain, baka... pag-isipan ko.”
“Deal po, Sir,” sagot ni Heaven, tila masaya sa ideya. “Pero kailangan po ninyong magtagalog habang kumakain.”
“Challenge accepted,” sabi ni Dayrit, ang tono niya’y parang businessman na pumirma ng kontrata.
Napailing si Heaven habang iniabot ang plato ng corned beef at itlog sa kanya. “Heto na po, Sir. Tikman niyo.”
Nang tikman niya ang unang subo, nanlaki ang kanyang mata. It was surprisingly good. Hindi niya inasahan na ang simpleng corned beef ay magiging ganito kasarap.
“This is... masarap,” sabi niya, pilit na ginagaya ang tamang bigkas ng salita.
“Masarap po, Sir,” pagtuturo ni Heaven, inaayos ang kanyang Tagalog.
“‘Yan nga ang sinabi ko,” pilit na depensa ni Dayrit, kunot-noo pero halatang sinusubukan.
“Hindi po. Masarap. Mali po kasi yung tono niyo,” paliwanag ni Heaven, ang ngiti niya’y hindi pa rin nawawala.
“Ma... sarap,” ulit ni Dayrit, mas maingat na ngayon.
“Perfect!” sabi ni Heaven, masayang tumango. “Ang galing niyo na, Sir!”
“Of course,” sagot ni Dayrit, bahagyang ngumiti sa kanyang tagumpay. Pero mabilis din niyang binalik ang malamig na tono. “I mean, it’s just a word.”
Napansin ni Heaven ang mabilis na pagbabagong iyon at napailing muli. Kahit kailan talaga, hindi nagpapatalo si Sir Dayrit.
“Sir,” sabi ni Heaven, tinutukso na siya ngayon. “Next time po, bibigyan ko kayo ng mas mahirap na words.”
“Do your worst,” sagot ni Dayrit, kunwaring walang pakialam. Pero sa loob, alam niyang magiging hamon ito.
Habang patuloy na nag-uusap ang dalawa, hindi nila namalayan ang oras. Ang dating tahimik at malamig na kusina ay napuno ng tawanan at banter. Kahit si Dayrit, na palaging seryoso, ay nahulog sa mas magaan na usapan.
Sa kabila ng lahat, ramdam nilang pareho na may kakaiba sa sandaling iyon. Parang mas naging malapit sila sa isa’t isa.
At kahit na hirap pa rin si Dayrit sa kanyang Tagalog, hindi maikakaila na si Heaven ang dahilan kung bakit siya nag-e-enjoy na subukan.
Habang patuloy na nagsusubok si Dayrit na bumuo ng tamang Tagalog na pangungusap, hindi mapigilan ni Heaven ang muling pagtawa. Nakapamewang na ito habang nakatayo sa tapat ng kalan, pilit na pinipigilan ang sariling hindi humagalpak. Pero ang bawat bigkas ni Dayrit—laging mali ang diin, laging may kulang—ay tila musika na nagpapakiliti sa kanyang tainga.
“Okay, okay,” ani Heaven, iniangat ang kamay bilang senyales na susuko na siya sa pagtawa. Pero ang ngiti sa labi niya ay nanatili. “Sir Dayrit, pakiulit po. Sabihin niyo, ‘Gusto kong kumain ng masarap na almusal.’”
“Gusto... gusto kong ku-main ng masarap na al-mus—” Napatigil si Dayrit, halatang nag-iisip kung tama ba ang sinabi niya. Tumitig siya kay Heaven, naghihintay ng kumpirmasyon.
“Sir, almost po!” sagot ni Heaven, halos tumawa na naman. “Pero mali parin po ‘yung ‘kumain.’ Parang... parang kayo ang kakainin!”
Halos masamid si Dayrit. “Ano?” tanong niya, nanlalaki ang mata. “Hindi—hindi ko sinabi ‘yan!”
“Hindi niyo nga po sinabi, pero ganun po kasi lumalabas sa tono niyo!” muli niyang sagot, hindi mapigilang tumawa ng malakas. Napahawak pa siya sa tiyan niya dahil sa sobrang saya.
Pinagmasdan siya ni Dayrit nang ilang segundo, ang malamig niyang tingin ay mas lalong tumalim. Anong nakakatuwa rito? tanong niya sa isip. Ngunit sa halip na sumagot, naglalaro ang isang ideya sa kanyang utak.
Tumayo siya mula sa kinauupuan, tiniklop ang mga braso, at naglakad papalapit kay Heaven. “Sige nga,” aniya, bumaba ang boses niya nang kaunti, nagiging mas malamig. “Kung ikaw ang napapahiya, tatawa ka rin ba?”
Nagulat si Heaven sa paglapit ni Dayrit. Bahagya siyang umatras, hawak pa rin ang spatula sa kanyang kamay. “Sir, hindi naman po kayo napapahiya! Ang cute niyo nga po, e!”
“Cute?” ulit ni Dayrit, tila insulto ang narinig. “Hindi ko kailangan ng ‘cute.’”
Dahil sa seryosong mukha ni Dayrit, lalo pang natawa si Heaven. “Pasensya na po, Sir. Pero hindi ko po talaga mapigilan. Ang hirap kasi mag-concentrate kapag... kapag ang arte niyo pong mag-Tagalog!”
Napuno ng hagikhik ang kusina. Si Dayrit naman, habang pinagmamasdan si Heaven na halatang nag-e-enjoy sa kanyang pagkakamali, ay tila nawalan ng pasensya.
“Enough!” malakas niyang sabi.
Natigil si Heaven sa pagtawa, pero mabilis ding bumalik ang ngiti niya nang makita ang bahagyang pamumula ng mukha ni Dayrit. “Sir, pasensya na po talaga,” sabi niya, hawak ang dulo ng kanyang apron habang iniipit ang tawa. “Hindi ko na po uulitin!”
“Hindi na?” tanong ni Dayrit, nananatiling nakataas ang kilay. “You said that five minutes ago.”
“Promise na po! Pangako!”
“Hmm,” sagot ni Dayrit, tumayo nang mas tuwid at itinaas ang baba. “Fine. Pero huwag ka nang—”
Bago pa niya matapos ang sinasabi, muling napahagikhik si Heaven. Pilit niyang tinatakpan ang kanyang bibig, pero wala siyang magawa.
“Seriously?” tanong ni Dayrit, ngayon ay halatang inis. “Walang respeto?”
“Sir, sorry po talaga!” sabi ni Heaven habang umaatras nang kaunti. “Promise, last na po talaga ‘to!”
Ngunit halatang hindi na siya pinaniniwalaan ni Dayrit. “If you can’t stop laughing, then maybe you shouldn’t stay here.”
Napansin ni Heaven ang malamig na tono sa boses ni Dayrit. Kahit alam niyang nagbibiro lang ito, may kung anong bumigat sa kanyang pakiramdam. “Sir, hindi naman po—”
“Then go,” putol ni Dayrit, ang kanyang malamig na tingin ay hindi nagbago.
Nagulat si Heaven. Hindi niya inasahan na seryoso ito, pero sa tingin ng lalaki, parang gusto talaga nitong mawala siya sa kusina.
Napakunot ang noo niya. “Okay po, Sir,” sagot niya, pilit na pinipigilan ang natitirang ngiti. “Aalis na po ako.”
Mabilis na kinuha ni Heaven ang apron niya at tumakbo palabas ng kusina. Pero habang naglalakad papunta sa pintuan ng mansion, hindi niya mapigilang tumawa muli. Ang imahe ni Dayrit na seryosong-seryoso pero bulol pa rin sa Tagalog ay napakaaliw para sa kanya.
Sa likod niya, narinig niyang nagbuntong-hininga si Dayrit. “Ano ba ‘yan,” narinig niyang bulong nito. “I tried... and she laughed!”
Mas lalong napahagalpak si Heaven. “Sorry po, Sir!” sigaw niya habang tumatakbo palabas.
Sa may pintuan ng mansion, huminto si Heaven para huminga. Hawak niya ang tiyan niya habang patuloy na tumatawa, iniisip kung bakit ganoon na lang ang reaksyon niya. Nakakatuwa naman talaga kasi siya!
Samantala, naiwan si Dayrit sa kusina. Tahimik niyang pinagmasdan ang platong inubos niya kanina. Hindi niya lubos maunawaan kung bakit ganoon ang reaksyon ni Heaven.
“She’s... impossible,” sabi niya sa sarili, iniiling ang ulo. Pero kahit inis siya sa mga sandaling iyon, hindi niya mapigilang mapaisip. Why is it that when she laughs, it’s not annoying?
Kinuha niya ang isang basong tubig at dahan-dahang uminom. Pilit niyang pinakalma ang sarili, pero ang tunog ng halakhak ni Heaven ay parang nakatatak sa kanyang utak.
“Ridiculous,” bulong niya, sabay buntong-hininga.
Sa labas, narinig niyang muling humagalpak ng tawa si Heaven. Napalingon siya sa bintana at bahagyang ngumiti, kahit ayaw niyang aminin. At least she enjoyed herself, naisip niya.