Alex Halos tatlong buwan na ang lumipas mula nang may nangyari sa kanila at maging sila ni Brandon sa Cebu. Tatlong buwan ang mabilis na lumipas na palagi silang magkasama. Hindi ito pumapayag na hindi siya nito ihahatid sa kanila after ng work nila. Halos gabi-gabi naman silang magkausap sa telepono kahit pa nga maghapon na silang magkasama sa work. Pagkatapos ng trabaho nila ay kadalasan kumakain sila sa labas pero sa mga place na walang makakakilala sa kanila. Minsan nanood din sila ng movie at doon niya nalaman na magkaiba pala sila ng gusto. Gusto nito ang mga action movie samantalang siya naman ay romance and comedy. Every Saturday naman sinasamahan siya nito sa orphanage kaya napalapit na rin ito sa mga bata. Nalaman niya mula kay Sister Faith na nag-donate ito at ang father nito p

