Alex Pagbaba niya ng hagdan nagulat siya nang makitang nakaupo si Brandon at halatang hinintay siya. Hindi nga ito nagbibiro nang sabihin nito na sasamahan siya. Naka navy blue itong t-shirt at naka dark blue jeans kung titingnan ay napakasimple lang ng suot nito pero iba ang dating. Kahit naman ano atang isuot nito ay babagay dito at magmumukhang mamahalin. Muntik na siyang mahulog sa hagdan ng biglang maalala na parehas sila ng kulay ng damit na suot. Isang navy blue half sleeve na v neck ang nahanap niya sa closet ng kaibigan. Halos hapit 'yon sa kanyang katawan at hindi siya sanay pero wala naman siyang choice. Nagmukha tuloy couple shirt ang suot nilang dalawa. Gusto sana niyang bumalik sa taas para maghanap ng iba pang damit pero wala na siyang oras. Siguradong hinihintay na siya ng

