Brandon Napangiti siya nang maalala ang mga nangyari kahapon. Marami siyang nalaman tungkol kay Alex at aaminin niya na lahat ng 'yon ay nagustuhan niya. Pero ang mas hindi niya makakalimutan ang scenario nila sa kusina. Sobrang nagulat ito nang makita siya dahil ang pagkakaalam nito ay nasa out of town meeting pa rin siya. Ngayong araw pa lang talaga dapat ang balik niya pero maagang natapos ang meeting kaya maaga siyang nakabalik. Hindi niya napigilan na pagmasdan ito nang maabutan ito sa kusina na nagbabasa sa lamesa, nakatayo ito habang nakatukod naman ang isang braso nito sa lamesa at may hawak na mug. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa at mula sa pwesto nito ay kitang kita ang kurba ng katawan nito. Naka-white t-shirt ito kung saan makikita ang hubog ng katawan nito, fitted na

