Alex Mabilis na lumipas ang mga araw na hindi niya namamalayan at ilang araw na lang ay gaganapin na ang conference. Napansin niya na may kakaiba sa mga kinikilos ni Brandon pero mas pinili niyang umiwas at huwag itong pansinin hangga't maari. Lagi na itong nakangiti, malumanay makipag-usap at higit sa lahat lagi itong nakamasid sa kanya. Kung hindi lang naman related sa trabaho nila ay hindi niya ito kinakausap. Naging maganda ang kinalabasan ng kanilang Ad dahil sa pagtutulongan nilang lahat. Na approve na ng Board of members ang kanilang presentation kaya sobrang saya nila. Nalaman niya kahapon lang na kasama siya ng dalawa niyang boss sa conference. Gusto sana niyang magdahilan para hindi makasama pero alam niyang hindi 'yon tama. Naiinis siya sa sarili dahil hanggang ngayon ay apek

