Patricia Schnittka Dorschner P.O.V. Ngayon na ako ilalabas sa hospital. Dinala na ni Ivan lahat ng mga gamit namin na ginamit namin sa hospital. Kaunti lang iyon kaya naman hindi masyadong mabigat. Ayoko rin naman na nahihirapan siya. Akma na sana akong sasakay sa sasakyan ng nagsalita si Ivan. "Patch, sandali lang," saad niya. Napatango naman ako. "Sige," sagot ko. Nilagay niya 'yung mga gamit sa back seat tapos lumapit siya sa akin. Binuksan niya yung pintuhan at pinasakay ako. "Ang sweet naman niya, hihihi," sa isip ko lang iyon sinasabi. Pagkatapos ay mataman ko lang pinagmamasdan ang bawat galaw niya. Ang sarap niya kasing panoorin. "Baka malusaw niyan ako, Patch," nakangisi niyang saad. Napaiwas naman ako ng tingin. Patingin lang eh. Ang sungit naman. Pinasibad na niya ang kot

