Patricia Schnittka Dorschner P.O.V. Mabilis na lumipas ang mga buwan kaya naman malaki na talaga ang aking tiyan. Nahihirapan na rin ako ngayon. Sa loob ng mg nagdaang araw ay hindi rin naming mag-away kung minsan ng aking asawa. Paano ba naman kasi, hating gabi nalang kung umuwi. Pagkatapos ay sasabihin na nag over time lang siya sa kumpanya. Hindi ko madalas na paniwalaan iyon. Hindi naman araw araw ay busy siya sa company. Wala namang problema roon. Nakapag tanong na rin kasi ako sa mga magulang niya dahil nagtataka na talaga ako. Ngayon ay madalang nalang kaming magsama. Kapg tinatanong ko namana siya ay palaging 'wala' ang kaniyang sagot. Malaks ang kutob ko na nakikipagkita pa rin siya sa babaeng iyon. Pero bakit nalang niya sabihin ang totoo na siya talaga ang nakabuntis dito.

