Patricia Schnittka Dorschner P.O.V. Dumating na nag pangalawang araw ko sa hospital kaya naman pwede na akong ma i discharge mamaya. Wala si Ivan dahil may inaasikaso pa siya sa billing. Ako lang nagyon sa loob ng kwarto. Of course with the baby in my tummy. Tumayo ako at mabilis na pinagtatanggal ang mga kung ano anong nakalagay sa kamay ko. Plano ko talaga kasing tumakas. Hindi naman ak magtatagal at babalikan ko naman talaga anag asawa ko. I just need to unwind. Saka may gusto kasi akong kainin. Gusto ko ako lang mag-sang kakain no'n. Na walag nagbabantay sa akin. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at sumilip muna sa labas kung may mga tao ba o dumadaan. O kung may makakita ba sa akin. Nang wala akong makita ay napangiti ako. Perfect timing. Mabilis akong naglakad patungong exit.

