Keith Brillantes P.O.V This is it pansit with pusit. Kung hindi ko lang talaga ito kailangang gawin ay hindi ko talaga gagawin. Ayaw ko naman talagang guluhin sina Ivan at Patricia. Bakit ba kasi ginamit pa akong kasangkapan ni James. Kung wala lang talaga ong utang sa kaniya at hindi nag-aalala sa Mama ko ay tatanggi talaga ako sa ganito. Ngayon na kasi ako pupunta kina Ivan para ma-accomplished ko na ang mission ko kay James the Evil. Kainis naman. Kung sanang kay Cedric ako nag effort ng ganito 'diba e'di sana ay magiging masaya pa ako. At least nakakasama ko siya at may chance na maging kami talaga. Na maityapwera ang Thea na iyon. Sumakay na ako sa sport car ko. Sa akin na galing ito. Second hand nga lang pero at least ay nagagamit talaga. Bago ko pindutin ang door bell ay huminga

