Patricia Schnittka Dorschner P.O.V. Kinabukasan... Nagising ako na may nakadagan sa akin. Hindi iyon mabigat at tila nag iingat talaga para na rin hindi matamaan ang tiyan ko. Para na rin ligtas ang baby. "Patch, gising na," naku lagot nagsasalita na pala ang unan ngayon. Bakit ganoon? Bakit may humahalik sa pisngi ko? "Patch, gising na." Napamulagat naman ang mga mata ko ng may humalik sa labi ko. Pambihirang unan talaga! "I-ivan?" "Oh bakit mukha kang gulat?" tanong niya sa akin. So siya 'yung sinasabi kong unan? Patricia naman anong klaseng pag-iisip ba iyan. "Akala ko kasi ay unan lang," namumula kong pag amin sa kaniya. Natawa naman siya ng mahina."Ako unan? Your husband is too handsome para maging unan lang," saad niya at itinuro pa niya ang kaniyang sarili. Talaga? Nakap

