Enjoy reading! PAGSAPIT nang gabi ay unti-unti nang dumarating ang mga bisita ni mommy at daddy. Kanya-kanya silang bati kay mommy pagkarating. "Mrs. Ventura, happy birthday." Bati ng mag asawa na sa tingin ko ay mga na sa fifty na ang edad nila. "Thank you, Mr. and Mrs. Ortega." Nakangiting sagot ni mommy. "You're welcome." Sagot ng babae at tiningnan ako. Nakakahiya pa naman ang suot ko dahil hindi pa ako nakabihis para sa bithday party ni mommy. "Ito pala ang anak kong si Kc Marie." Pakilala sa akin ni mommy. "Hello po. Maraming salamat po sa pagpunta." Magalang kong sabi. "No problem, hija. Sayang lang dahil hindi makararating ang panganay kong anak na si Damon. Ipakilala sana kita." Sagot ng ginang. Hindi ko kilala ang binanggit niyang pangalan kaya ngumiti na lang ako sa

