Enjoy reading! LUMIPAS ang isang linggo ay hindi ko par in makalimutan ang nangyaring pagkikita namin ni Calvin. Hanggang ngayon ay naiisip ko pa rin na baka bumalik siya rito. Ngayon na alam niya na kung nasaan ako ay madali na para sa kanya na pumunta. Napabuntong hininga ako habang nakaupo sa upuan. Wala ako sa sarili ko habang nagbabantay ng shop. Kaunti lang ang pumapasok sa shop ko kaya inaantok ako. Mabuti pa nga ang cake bakeshop ni Jane, marami pang customers. Samantalang ang shop ko ay mabibilang lang ang pumapasok. Pero napaangat ako ng mukha nang marinig kong bumukas ang pinto ng shop ko at pumasok mula roon ang hindi ko inaasahang customer. Hindi ko alam pero biglang bumilis ang t***k ng puso ko nang makita ko siya. Bakit nandito na naman siya? Hindi nga ako nagkamali sa i

