Enjoy reading! "Hello, mommy?" Sagot ko. Maaga akong nagising dahil sa tunog ng selpon ko. "Hello, anak. Kakaalis lang dito ni Calvin. Hindi pa rin siya tumitigil na hanapin ka." Nawala ang antok ko dahil sa sinabi ni mommy. Bakit niya pa rin ako hinahanap? Ilang taon na ang lumipas. Limang taon. Bakit ayaw niya na lang pagtuunan ng pansin ang mag-ina niya? "Hayaan niyo na lang po, mommy. Huwag niyo na lang po sabihin kung nasaan ako." Sagot ko. "Sige. Kung 'yan ang gusto mo. Hindi namin sasabihin. Mag iingat ka." Sagot niya. "Sige po, ma. Bye po." Pagkatapos ay binaba ko na ang tawag. Bakit niya pa rin ako hinahanap? May asawa't anak na siya. Dapat iyon na lang ang pagtuunan niya ng pansin. Lumayo na nga ako para hindi ako magmumukhang masama sa kanila. Pagkatapos kasi nang pag

