Enjoy reading! PL HABANG bumabyahe ay panay ang tingin ko sa driver na si Karlo. Natatawa kasi ako dahil alam kong pinag seselosan siya ni Calvin. "Ma'am Kc, may gusto po ba kayong sabihin?" Napakurap ako nang namalayan kong kanina pa pala ako nakatingin sa kanya. "Sorry. Ilang taon ka na po bang naninilbihan sa mga Razon?" Tanong ko. Tutal naipit kami sa traffic ay makikipag kwentuhan na lang ako sa kanya. "Tatlong taon pa lang po, ma'am." Magalang niyang sagot. "Hindi ka na po nag aaral?" Tanong ko. Umiling siya. "Nakapag graduate po ako ng high school. Pero hindi po ako nagtuloy sa college dahil hindi po ako kayang pag aralin ng nanay ko."bBigla akong naawa sa kanya. Maswerte pa rin pala ako at yung mga bata na katulad kong nakakapag aral. "Ilang taon ka na po ba?" Tanong ko

