Chapter 15

1488 Words

Warning: SPG! Enjoy reading! PAGKATAPOS ng kasal namin ni Calvin sa judge ay may kaunting handaan sa Mansion ng mga Razon. Kami-kami lang ang nandoon at ang ibang mga malalapit na kaibigan namin. "Kc, hindi na ako magtatagal dito. Kailangan ko ng umuwi." Paalam ni Anthonette. "Sige. Mag ingat ka sa pag uwi." Sagot ko. "Salamat. Bye." Paalam niya at nagmamadaling umalis. Agad namang lumapit sa 'kin si Calvin. "Maupo ka muna. Mukhang pagod ka na." Sabi niya at naglagay ng upuan sa gilid ko. Hindi pa ako nakakaupo nang may biglang lumapit sa amin na isang lalaki. Halatang mayaman. Bawat hakbang niya ay parang nagmomodelo. Maputi at matangkad. "Congratulations, Mr. and Mrs. Razon. Best wishes. Kailangan ko ng umuwi, pare. May importante pa akong gagawin." Paalam ng kaibigan niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD