bc

Sweetheart Scarlett

book_age18+
5.6K
FOLLOW
46.0K
READ
billionaire
HE
age gap
forced
powerful
drama
bxg
campus
small town
like
intro-logo
Blurb

Book 1- Sweetheart Scarlett;

Walang hindi kayang gawin si Scarlett mapaibig lang niya si Dr. Sebastian Navarro ang stepbrother niya. Kahit ang mang agaw at manira ng relasyon ay magagawa niya para lang sa pag-ibig.

Book 2- Sweetheart Brianna;

Dahil sa nais makalimot ni Brianna sa problema nagawa niyang isuko ang sarili kay Dr. Joaquin Tragora. Paano kung matapos ang gabing iyon ay hindi na siya makalimutan pa ni Dr. Joaquin at walang ibang nais kundi maangkin muli si Brianna.

Sweetheart Georgina;

Sa pagnanais na makaahon sa hirap nagawa ni Georgina na pikutin ang anak ng amo ng kanyang mga magulang na si Chace Madrigal.

chap-preview
Free preview
Scarllet-1
"Balita ko babalik na ang stepbrother mo ng San Miguel ah, Scarlett? Totoo ba?" Maarteng tanong sa kanya ng kaibigang si Brianna nang hapong sabay sila nitong kumain sa cafeteria ng San Miguel University. Kaibigan niya si Brianna since elementary until know nasa second year college na sila ng Nursing department sa San Miguel University. Mag best friend na sila since dati pa hanggang ngayon, kaya wala silang hindi alam sa isat-isa. "Kanino mo naman nalaman iyan Brianna?" Balik tanong niya sa kaibigan at tinuloy ang kinakain. Ang tinutukoy ni Brianna na stepbrother niya ay si Sebastian ang nag-iisang anak ng stepmother niya. Sa edad kasi niyang sampu noon ay nag asawa muli ang Daddy niya. Si Sally ang babaing muling pinakasalan ng kanyang ama. Sa mura niyang edad pumanaw ang Mommy Susie niya dahil sa karamdaman at nang maka recover naman ang ama niya sa pagpanaw ng Mommy niya nakilala nito si Sally. Hiwalay si Sally sa asawa kaya naman nang magka inlab-an ang dalawa ay agad nang nagpakasal ang mga ito. May anak ang si Sally, si Sebastian Navarro noong sampung taong gulang siya ay eighteen years old naman na si Sebastian. Gwapo ito dahil binata na rin naman ito nang makilala niya, kaya naman sa edad niyang sampu ay hindi niya maiwasang humanga sa kagwapuhan ng stepbrother niya. Hindi naman niya nakasama sa bahay si Sebastian dahil pauwi-uwi lang ito sa San Miguel para dalawin ang Mommy nito, naka stay pa rin kasi si Sebastian sa Papa nitong nasa Europe, doon nga nag-aral si Sebastian para maging Doctor katulad ng Papa nito. Sa pagkakaalam niya graduate na si Sebastian ngayon at isa na itong mahusay na doktor sa Europe. May ospital daw kasi sa Europe ang Papa nito kaya doon na pinilinh magtatrabaho ni Sebastian bilang doctor. Kinse anyos siya nang huling makita si Sebastian. Nagbakasyon lang ito sa bahay nila San Miguel ng halos dalawang linggo. Kahit dalawang linggo lang iyon ay naging memorable naman sa kanya ang mga bagay na iyon. Mas nakilala kasi niya si Sebastian at lalo pa niyang napatunayan na hindi lang simpleng crush ang nararamdaman niya para sa binata. At ngayon after three years babalik na naman ito ng San Miguel. Tamang-tama dahil nalalapit na ang eighteen birthday niya. Baka kaya ito umuwi ay dahil sa eighteen birthday niya. "Sa social media ng jowa niya," simangot na tugon sa kanya ni Brianna. May girlfriend si Sebastian isa din itong doctor sa Europe at pinay, balita nga niya matagal na ang dalawa. Bukod sa pagiging magandang doctor ng girlfriend ni Sebastian ay sikat din ito sa social media dahil sa mga post nito about fashion. Fashionista kasi ito kaya marami ang humahanga sa dalaga. Maganda si Irish wala siyang mapipintas sa magandang dalaga, isama pang matalino ito dahil nga isa itong doctor. Hindi na siya magtataka pa kung bakit na inlove si Sebastian kay Irish. "Ah.. Oo nga pala follower ka niya," tugon niya sa kaibigan at inikot ang mga mata. "Don't tell me hindi mo alam. Hindi ba pinag-uusapan sa bahay niyo ang pagdating nila? Syempre sa inyo sila mag i stay niyan, makakasama mo si Irish sa iisang bubong,'' litanya pa ng kaibigan sa kanya. Alam niya ang pagdating ng dalawa. Tahimik lang talaga siya at wala siyang balak ipagsabi ang tungkol sa bagay na iyon. Hindi naman kasi niya alam kung sa bahay ba nila mag i stay ang dalawa. O kung ano nga ba ang dahilan ng pag uwi ng dalawa sa San Miguel. Nagkibit balikat lang siya sa kaibigan bilang tugon sa sinabi nito. Ayaw na lang niyang magbigay ng ano pa mang impormasyon sa ngayon. "Teka hindi ba't debut muna sa susunod na linggo? Baka naman kaya umuuwi si Sebastian para sa debut mo," sabi pa ni Brianna sa kanya. "Malabo iyon. Hindi naman ako ganoon ka espesyal para gumastos pa si Sebastian pauwi ng pilipinas at kasama pa ang jowa niya," tugon niya sa kaibigan na hindi maiwasang ipakita ang inis. Naiinis kasi talaga siya pag napapag-usapan nila si Irish. "Sa bagay may point ka. Hindi ka naman espesyal kay Sebastian kahit noong mga bata pa kayo. Sabi mo nga hindi ka man niya kinakausap," Brianna said. Medyo na hurt siya sa sinabi ng kaibigan, kaya masamang tingin ang pinukol niya sa kaibigan. Napangiwi naman ito at nag peace sign pa sa kanya. Inikot lang niya ang mga mata, para ipakita ang inis. "Yeah right," tugon na lang niya sa kaibigan at tumango-tango. "Anyway balitaan mo na lang ako pag andiyan na sila sa bahay niyo ah," sabi pa nito. "Hay nako. Hintayin mo na lang ang post ng jowa niya," medyo inis pa niyang tugon sa kaibigan. "Oo nga pala," sangayon naman nito sa kanya. Matapos nilang kumain sa cafeteria agad na silang pumasok sa classroom para sa susunod nilang klase. Medyo nabobored na nga siya sa klase nila dahil gusto na niyang umuwi at magtanong-tanong sa pagdating ni Sebastian. Kahit papano excited pa rin siya, kahit kasama pa nito si Irish. Ito ang unang beses na makikita niya si Irish. Ito rin ang unang beses na ipakikilala ni Sebastian si Irish sa Mommy nito. Naisip nga niyang baka seryoso na talaga si Sebastian kay Irish kaya pinakikilala na ito sa Mommy nito. Baka naman may balak nang magpakasal ang dalawa ngayon. Kung hindi siya nagkakamali ay twenty six na si Sebastian ngayon, at sa pagkakaalam niya magkaklase ang dalawa sa Europe at ngayon naman ay kapwa nagtatrabaho sa ospital ng Papa ni Sebastian. Matagal na talagang magkasama ang dalawa. Pagkatapos ng klase agad na lumapit sa kanya ang sikat na basketball player sa San Miguel University na si Rob para yayahin siyang ihatid sa bahay nila. "Hi, Scarlett," pa cute pang bati ni Rob sa kanya. "Ihatid na kita," Rob said. "No thanks." Agad siyang tumanggi dahil until know seventeen palang siya next week palang siya eighteen kaya bawal pa rin siyang magpaligaw at madikitan ng mga lalake. Marami na ngang nagpaparamdam sa kanya, iyun nga lang maingat siyang tumatanggi. Nais kasi niyang tuparin ang pangako niya sa Daddy niya na pag eighteen na siya doon pala siya magpapaligaw. "Next week ba pwede na?" Tanong pa sa kanya ni Rob. Gwapo si Rob at galing sa kilalang pamilya sa bayan ng San Miguel. Matanda lang ito sa kanya ng dalawang taon. Fourth year na ito sa kursong business, dahil negosyante ang mga magulang nito. Gwapo ito kaya maingay ang pangalan sa mga kababaihan sa SMU, sadyang wala lang siyang balak magpaligaw sa ngayon. Kahit papano kasi umaasa pa rin siyang mapansin ni Sebastian. Anong malay niya ngayong eighteen na siya ay mapapansin na siya ni Sebastian. Lagi pa niyang sinasabi sa sarili hangga't hindi pa nakakasal si Sebastian ay may pag-asa pa siya. Alam kasi niya sa sarili niya na hindi basta puppy love lang ang nararamdaman niya para kay Sebastian, kahit naman noong bata pa siya ay alam na niyang love na ang nararamdaman niya para sa gwapong stepbrother. Maganda naman siya kaya hindi siya dapat mawalan ng pag-asa. "I'm sorry, I need to go," paumanhin niya kay Rob na napakamot pa ng ulo, saka na siya nagtuloy sa paglalakad palabas ng campus.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
88.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.8K
bc

His Obsession

read
72.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.6K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook