I am stuck sa traffic right now. Ito talaga ang pinaka ayaw ko sa lahat, 'yung traffic talaga kapag umuuwi ako at ito na naman ako habang nasa kalsada iniisip 'yung mga sinasabi ni Evo sa akin. Kulang na lang mag-makaawa siya para tulungan ko siya para hindi matuloy 'yung suspension ni Kylie. What a lucky girl. Pagkarating ko sa bahay, dumiretso na ako sa kwarto ko upang magpahinga, ni hindi ko na nagawa pang kumain dahil sa dami nangyari ngayong araw. "Ma'am Lucy," tawag ni Manang sa akin na nasa labas ng kwarto ko. Tumayo ako para buksan 'yung pinto. "Bakit po, Manang?" tanong ko sa kanya. "Pinapababa daw po kayo ni Mommy niyo. May bisita raw po kayo," sabi ni Manang at bumaba na. Huh? I did not expect some visitors tonight. Sino kaya 'yun? Bumaba na lang ako para makita kung sino a

