"Ahhhhh," sigaw ko. Pagtingin ko, it was Kylie na may dala-dalang tray ng pagkain at natapon sa akin. "What the hell, Kylie? Na nanadya ka ba?" sigaw ko sa kanya. "Oh, I'm sorry, natapilok ako eh," paumanhin niya sa akin. Nakuha namin ang atensyon ng lahat ng studyante dito sa cafeteria, kaya lahat sila ay nakapalibot sa amin. "Girl, okay ka lang ba?" tanong ni Allea sa akin. Dali-dali nila akong pinuntahan nang marinig nila 'yung sigaw ko. "Hindi ka na talaga natuto, Kylie, ah. You b***h," galit na sabi ni Allea sa kanya. "Hey, stop calling her that," awat naman ni Evo kay Allea. "You should stop your girl, bro. I saw her. Sinadya niyang tapunan si Lucianna ng pagkain. Baka gusto mo ipa-review ko pa 'yung CCTV dito," putol naman ni Abel kay Evo. "Is it true, Kylie?" tanong ni Evo

