We were driving na papunta kami sa isang restaurant na kakainan naman ni Allea. We can't get over na dalawa sa nakita namin kanina.
"Girl, Evo is so hot," sabi ni Allea habang pinapaypay yung kamay niya.
"Allea, stop it, nakakadire," suway ko naman sa kanya.
"Girl, I won't snitch, okay? Like girl, go mo na 'yan. I-pursue mo na si Evo. Well, hot siya but he's not my type," then she rolled her eyes.
"Yeah, I know naman. Alam ko naman 'yung mga type mo, 'yung mga malalaking muscle, so ew," biro ko sa kanya, and we both laughed.
Nakarating kami sa restaurant kung saan kami nag-book. This restaurant is owned by my family, puro veggies lang yung siniserve namin dito, most likely puro Indiano yung kumakain dito, meron din Pinoy. As a health-conscious person, I decided na dito na lang kumain. Upon entering, the enticing aroma of freshly-cooked vegetables wafted from the kitchen. I noticed the customers engaged in lively conversations while relishing their meals.
When we sat down, we were handed a menu filled with nutritious dishes. I also observed numerous vegan and vegetarian options, as well as fusion dishes that offered various flavors.
"Take a look at this menu; we have dishes here that you'll surely enjoy," I told her.
"Wow, there's a lot. What's good here?" Allea asked.
"Try the Mediterranean Veggie Platter; it's a favorite among many. Flavorful and packed with nutrients," I suggested to her.
"Girl, before I forget, may event kami na pupuntahan, sama ka," aya ko kay Allea.
"Anong event ba 'yan?" tanong niya nang hindi man lang lumilingon sa akin.
"Sa birthday ni Mrs. Aira Suarez," dagdag ko pa.
"You mean mommy ni Evo?" tanong niya para siguraduhin yung sinabi ko.
"Yes, parents nga ni Evo."
"Girl, hindi naman ako part ng family para maimbitahin dun. Ano ka ba!"
"Kaya sinasama kita. Part ka naman ng family namin, ma-bobored naman din kasi ako dun. Wala nga akong maka-usap dun," reklamo ko kay Allea. "Kaya sumama ka na kasi, simple lang naman yung celebration, wala lang talaga akong maka-usap dun," dagdag ko pa.
"Edi kausapin mo si Evo," iritang sabi pa niya.
"Hala, grabe ka naman. For sure, hindi ka din mabo-bored dun kasi maraming hot guys dun, mga pinsan ni Evo," nakangising sabi ko sa kanya.
"Talaga ba?" lumaki yung mata niya pagkasabi ko. Alam mo talaga 'yung kaibigan mo eh, kapag lalaki yung usapan, ang laki agad ng ngiti.
"Alam mo, pag lalaki talaga, ang bilis mong mapa-oo, tadyakan kita jan eh," biro ko sa kanya.
"Syempre naman girl, masaya din mag-aral kung may inspirasyon ka sa buhay. Aba, hindi din naman sila lugi sa akin ah. Maganda din naman ako," sabay pa-cute niya. Kung hindi ko lang to kaibigan eh.
Papunta na kami ngayon sa kung saan gaganapin ang party ni Mrs. Suarez. The Suarez family has been family friends with us since our parents met in the business industry, which is one of the reasons why I know Evo. Nakarating na rin kami sa Appartel Hotel, kung saan gaganapin ang party. This hotel is owned by Evo's family, at isa itong kilalang hotel sa lugar namin.
"Girl, ang daming boys. Don't disturb me later, okay?" bilin ni Allea sa akin.
"Ano ba, kaya nga sinama kita para may makausap ako, eh. Magbo-boy hunting ka pa diyan," suway ko kay Allea.
"Ano ka ba, girl, make a move din kay Evo later. Useless 'yang tinatawag mo siyang crush kung puro ka ngawa diyan," napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya.
I don't know what's with Allea; she seems so thirsty for guys even though she's incredibly beautiful. Allea Ramirez is half-Korean and half-Filipino. She looks just like a Filipino because she inherited her color from her mother's side, which is tanned. Allea is petite with brown eyes, where her beauty shines through.
Nakita ko sila Evo kasama ang mga magulang niya na bumabati sa mga bisita.
"Hello, Allan and Lucille," bati ng mag-asawang Suarez sa mga magulang ko. "Hello, two beautiful ladies," dagdag pa niya nang makita kami ni Allea sa likod ng mga magulang ko. Ngumiti kami at binati si Mrs. Suarez. Kahit na may edad na ito, hindi mo pa rin maikakaila ang kanyang kaseksihan.
"Hello boyfriend," bati ko kay Evo nang makita ko siya na katabi ni Mr. Suarez. Kahit na naiilang pa rin ako sa kanya sa tuwing naaalala ko yung ginawa nila Samantha sa parking. Nasanay na rin akong tawagin si Evo na boyfriend minsan, kahit dati ay galit siya kapag tinatawag ko siyang ganyan. Pero ngayon, siguro ay nasanay na rin siya.
Evo just smiled at me and shifted his gaze to the other guests. Siguro, badtrip pa rin siya sa nagawa namin ni Allea. Naputol kasi yung kasiyahan niya nang masilayan namin siya kasama si Samantha.
"Ang sungit naman ng lover boy mo," bulong ni Allea. Hindi ko na lang siya sinagot.
Pinutol ko na lang yung iniisip ko at pumasok na sa loob ng hall. Marami nang dumating na bisita kaya pumunta na kami sa table kung saan kami naka-assign.
Nagsimula na rin yung program nila at medyo nakakatamad talaga kaya ayaw kong pumupunta sa ganitong event, kasi puro business na lang yung naririnig ko sa mga usapan nila. Bago pa matapos yung program, pinakilala ng pamilya Suarez si Evo bilang tagapagmana sa lahat ng kanilang negosyo.
"Aba, ang taray naman ng lover boy mo, tagapagmana," bulong ulit ni Allea sa akin.
"Grabe ka naman, alam mo ang yaman-yaman ng family niyo pero mukha kang gold-digger," natatawang sabi ko sa kanya. Alam ko kasi na ang pamilya ni Allea ay may-ari ng malaking hotel sa Korea.
"Correction, I am a goal-digger. Whoaaaaaah, tara na tayo diyan, let's dance na and my goal for today is to get that man," tinuro niya sa akin ang isang matipunong lalaki na parang may lahi. Gwapo din naman, hilig talaga ni Allea sa mga ganoong itsura at may mga muscles.
"Dito lang ako, I'll go with you later. Alam mo naman diba na hindi ako nagpaparty pag andiyan parents ko. Basta wag kang sasama kapag inaya ka niya sa labas ngayon, di pa naman natin siya kilala," tanggi ko kay Allea. Nandito na kasi kami malapit sa DJ at yung parents ko nakikipag-usap sa mga kaibigan nila na nasa industriya rin ng negosyo.
"Sige-sige, ako na lang," saad niya at nilapitan na niya yung lalaki.
Nandito lang ako sa table kung saan kami nakaupo kanina. Tinitingnan ko ang bawat tao sa paligid. Gusto ko naman talaga mag-enjoy, pero ayaw ko rin na makita ako ng parents ko na nagpaparty, kaya behave muna ako ngayon.
"Hey, did you enjoy sa nakita mo?" tanong ni Evo, na biglang sumulpot out of nowhere. Iniisip ko kung anong ibig niyang sabihin.
"See what?" I asked him.
"Tsk, nevermind," then he smirked.
"Drink?" alok niya sa akin ng wine na dala-dala niya. I grabbed it and took a little sip. Ayaw ko uminom ng marami para mabantayan ko si Allea kung saan pumupunta.
"Why are you here ba?" tanong ko sa kanya. "And where is your girlfriend?" dagdag ko sa tanong ko.
"Now what? Are you now my mother?" he sarcastically asked at tinungga yung daladala niyang wine.
"So grumpy," I just said at ininom din yung wine na binigay niya sa akin. "So where is Samantha nga? You should invite her dito sa occasion niyo. Especially pinakilala ka na ng family mo as a heiress ng company niyo," dagdag ko pa.
He stared at me and I became conscious. "Naaaah, she's busy."
"Kung ako yun, I won't be busy para sa taong mahal ko. I will be there attending all your achievements in life, that's how I really love you," I straightly said to him. I was shocked rin sa nasabi ko but okay na rin yun at least nasabi ko ang dapat kong sabihin kahit alam naman niya dati na may gusto talaga ako sa kanya.