I am sitting here sa bench habang inaantay ko si Allea. Exam week ngayon kaya maaga kaming natapos. While waiting, I just grab my notes at nag-review. Pero upon reviewing, I overheard a conversation sa kabilang bench.
"You know what, kalat na sa buong school na si Samantha and Kylie ay nag-away dahil kay Evo," sabi ng babae na halata naman na sobrang chismosa.
"Wait, what? Kylie? I think she's the girl na parating sumasali sa beauty pageant dito sa school," sabi naman nung isa pang babae.
"Where ba sila nag-away?" tanong naman nung isa pang babae.
"Dun sa building nila Evo, ang chismis is pinagsabay pala sila ni Evo and totoong mahal ni Evo ay si Kylie, like paraosan lang niya si Samantha," sagot naman nung isa. I just can't believe na ganyan na si Evo.
Ganoon pa man, I still love him. I see Evo as a loving child to her parents. Kahit ganun pa man, kaya niyang gawin ang lahat para sa pamilya niya. Hindi ko na pinagpatuloy yung pakikinig sa kanila. I continue muna sa pag-rereview.
"f**k," sigaw ko ng biglang may gumulat sa akin.
"Oh, kape pa," biro ni Allea sa akin.
"Bakit ka ba kasi nagugulat?" reklamo ko sa kanya.
"Alam ko na ang problema mo?" Sabi niya habang papaupo sa bench na inuupuan ko rin.
"Ha? Wala naman akong problema ah," sabi ko kanya. Anong problema nito? Bigla-biglang nagtatanong ng ganyan.
"I heard the news about Evo, aside from academics, si Evo lang talaga nagpapaganyan sa mukha mo. You heard the news na pala?" Yeah, nakalimutan ko na itong best friend ko pala ay isang napakalaking chismosa. Panigurado, alam na niya yung nangyari.
"Move on ka na dun girl. I know it's hurt pero I heard that Evo really loves that Kylie girl. Evo really slapped Samantha for Kylie," sabi ni Allea na may pag-alala sa mukha.
"Yeah, I know naman. Tanggap ko na," sabi ko kay Allea kahit masakit sa akin ang mga sinabi ni Evo.
"You know that, I really love you since we've met," diretsahang sabi ko kay Evo. I can see that he is really staring at me. "Stop staring at me. Don't pretend that you didn't know," dagdag ko pa.
"Just nothing. Don't get me wrong Lucy, but I just treat you like a friend like my little sister," he said calmly.
"I'll do whatever it takes para mapasaakin ka, yan ang tandaan mo," I confidently said to him.
"Tsk," he just smirked. "Don't be so delusional, Ms. Lucianna Rodriguez, kahit kailan man hinding-hindi kita magugustuhan," he added and walked away. He left me with tears, it's my first time hearing that galing pa sa bibig ni Evo.
"OMG really? Sinabi niya yun? Ang kapal naman ng mukha niya. Alam mo girl, that's enough. Ihinto mo na yung kahibangan mo kay Evo," galit na sabi ni Allea sa akin.
"It doesn't matter, mahal ko pa rin siya kahit sinasabihan na niya ako ng kung anu-ano. Balang araw lalambot din yan sa akin," I proudly said.
"Naku! Hibang ka na. Kahit alam mo naman na masasaktan ka talaga sa huli, may plano ka pang ipagpatuloy," sermon niya sa akin.
"I'm gonna make sure din naman na mauuwi 'to sa kung ano yung plano ko," sagot ko sa kanya.
"Hay nako kung hindi pa talaga kita bestfriend auto unfriend ka na talaga sa akin," sagot din niya. Alam ko naman na hindi talaga nagkulang si Allea sa pagpapalala sa akin. Ako lang talaga 'to matigas ang ulo.
Hanggang sa natapos na yung usapan naming dalawa, naisipan na rin naming umuwi.
"Kung sinong driver ang huling dumating ngayon, siya ang manglilibre bukas sa favorite resto natin? Oh ano deal?" tanong niya. Aba'y nag-hamon pa.
"Deal," and the waiting game starts. Ganito talaga yung ginagawa namin kapag pareho kaming susunduin ng mga driver namin. Kasi nga coding ako ngayon, papasundo na lang muna ako.
"Bye na, libre mo na ako bukas," biglang sabi ni Allea na sobrang laki ng ngiti.
"Huh? Wala pa nga eh," I said cluelessly tapos tinuro niya yung sasakyan nila na nagpapark sa tabi ng kalsada. "Alam mo, dinadaya mo talaga ako," dagdag ko pa.
"Sige, wag ka nang magreklamo, talo ka na," at nagpaalam na siya. "Una na ako, mag-ingat ka."
Habang nag-aantay ng sundo ko, nakita ko si Evo sa loob ng kotse niya kasama si Kylie. I saw Evo on how he stared at Kylie, I saw the love and sincerity sa mga mata niya habang tinitignan si Kylie. I see how he really treasures Kylie, na kahit kailangan hindi ko nakita sa kanya kapag kami ang nag-uusap.
"Lucy," tawag sa akin ni mommy.
"Mommy!!" masiglang tawag ko sa kanya. "Bakit ikaw yung sumusundo? Nasaan ba si Manong?" tanong ko pa.
"Why? You don't want me to fetch you from school? Hindi na ba ako pwede?" biro na sabi niya sa akin. Alam ko naman na nagbibiro lang talaga si mommy. Kapag sinusundo niya ako at tinatanong ko kung nasaan yung driver namin, nagagalit-galitan siya.
"Mommy, it's not that. Wala ka bang work now?" tanong ko kay mommy.
"I have, anak. But I heard kay Manong that it's your last day of exams today. So, I decided nalang na ako ang kukuha sa'yo now," paliwanag ni mommy sa akin.
"Thank you, mommy," kahit naman sobrang busy ng parents ko sa work, kahit minsan na lang kami magkita-kita, binibigyan pa rin nila ako ng time kaya napaka-swerte ko na sila ang naging mga magulang ko. All I have to do is mag-aral ng mabuti upang masuklian ang mga paghihirap nila sa pagtatrabaho para lang sa akin.
"Where do you wanna go?" mommy asked excitedly.
"Mommy, alam ko na kung ano ang nasa isip mo," kahit naman hindi niya sabihin sa akin, alam ko kung ano ang gusto niya.
"Mommy, akala ko ba doon tayo kung saan yung gusto ko," dagdag ko pa.
"Hmmm, saan mo naman gusto pumunta?" tanong niya.
"Sa mall mag-s-shopping," sabay naman namin na sabi kaya ng tawanan na kami.
"Alam mo talaga kung ano ang gusto natin. Anak talaga kita," biro naman na sabi ni mommy. Mommy is also known as Meany Lucille; halos lahat ng empleyado sa kompanya ganyan ang tawag sa kanya dahil nga sa sobrang kasungitan, pero kapag kami lang dalawa magkasama, masasabi ko lang siya ang pinaka-palabirong ina sa balat ng lupa. Habang papunta na kami sa mall, nagbibiruan lang kami ni mommy ng kung anu-ano.
Pili lang kami ng pili ng damit na gusto namin bilhin. Kahit naman madaming pera ang parents ko, di rin naman nila ako pinakalaki na spoiled. Hanggang sa natapos na kami at pumunta na sa restaurant na favorite namin ni mommy.
"Oh anak, what do you want?" mommy asked. This restaurant is known for its lutong bahay recipes kaya marami din mga foreigners na matagal ng nakatira sa Pinas ang kumakain dito.
"Yung favorite natin, mommy,"
Habang inaantay yung order namin, napansin ko ang isang pamilya na sobrang saya habang kumakain. When I looked at the guy na nakatalikod, he looks so familiar and I confirmed na si Evo ito from hitsura ng kanyang katawan habang nakatalikod ito. I saw Evo and Kylie with Kylie's family, I see how Evo is really happy with Kylie's family.
I know for sure that it's Kylie's family, kahit kaunti kilala ko yung family niya. Her father was our family driver before dahil sa sakit, they decided na ipahinto sa pagtatrabaho.
Hindi ko rin ipagkakaila na maganda si Kylie, isang masipag na anak. I also heard na sumasali siya sa mga beauty pageants para may maibigay sa pamilya niya yung napanalunan niya. Kaya hindi rin impossible na magustuhan ni Evo ang isang babae na katulad ni Kylie na gagawin din ang lahat para sa pamilya. That's what they have in common.