The examination week is over, kaya lahat ng students ay super chill na ngayon. We have rules kasi sa school na kapag after exam, we have 2 days rest. That's what I like about this school, they are concerned sa mental health ng students. You can do whatever you want basta hindi against sa rule ng school.
I am eating here sa cafeteria with Allea. Ma dami-dami din students dito kasi nga wala naman class lahat ng students, kaya halos puno lahat ng tambayan sa school.
"Hay, sana ganito na lang palagi, nakaka-stress free talaga," sabi ni Allea.
"Dami mo namang reklamo, tapos kasali ka naman sa Dean's List," matalino naman 'tong si Allea, ang dami lang talagang reklamo.
"Ganito naman palagi after exam ah," sabi ko sa kanya habang sinusubo ang natitirang pagkain ko.
"Sana araw-araw nalang ganito nakaka-stress na lang lahat ng subject, parang sumasakit na yung ulo ko kapag nakikita ko lahat ng prof natin," reklamo niya sa akin. I can see frustration in her face.
Hindi na niya ako sinagot at nakatulakbong na lang sa lamesa.
"Oh, bakit bigla kang natahimik diyan?" tanong niya nang hindi ako nagsasalita, at inangat ni Allea yung ulo niya.
I saw Evo papunta sa amin.
"Hey guys, can I sit here? There's no available table na eh," sabi niya pagdating niya sa table namin. Sobrang awkward, kaya't tinitigan ko lang siya at tinitigan naman ako ni Allea.
"Wow ha, himala wala kang date ngayon?" basag ni Allea sa katahimikan naming tatlo. "Kasi kapag ganito hindi ka naman nakikita sa loob ng campus, it's either nakipag-date ka or making out," dagdag pa ni Allea, at nag-roll siya ng kanyang mga mata.
"Tsk, ingay mo," tanging sambit ni Evo.
"Yeah, I'm here sa cafeteria. I'll wait here. Don't worry. There's an available table here. See you, love you," and yes, confirmed si Kylie yung kausap niya. Kahit tanggap ko na na wala talaga akong pag-asa sa kanya, bakit parang masakit pa rin. Ako dapat yung sinasabihan niya ng ganyan eh.
"Aba't kapal naman ng mukha mo, Evo. Hindi mo naman ito table eh. Tapos dadalhin mo pa yung girlfriend mo dito, alam mo naman na may gusto yung friend ko sayo. Ang galing mo manakit," galit na sabi ni Allea.
"Allea, stop it. Lower your voice baka marinig ka ng iba pang studyante," suway ko sa kanya. I looked at Evo and wala man lang emosyon na nakatingin rin sa amin. "It's okay boyfri.... I mean Evo, you can stay here. Aalis na naman kami eh," I saw Evo's face na nabigla. Siguro na bigla lang siya sa tono ng boses ko, I don't know, nang malaman ko lahat ng chismis about sa kanila Kylie unti-unti ko ng inaalis ang feelings ko sa kanya.
I grabbed Allea's arm para umalis na sa cafeteria. Kahit si Allea nabigla sa pagtawag ko kay Evo sa pangalan niya. Lumipat kami sa library, kahit dito sobrang dami ng studyante. I used to call him boyfriend kapag kami-kami lang ang magkasama.
"Girl, ano 'yun? Bakit name basis ka na? Part na ba 'yan sa moving on stage mo?" diretsahang tanong ni Allea, pagkadating namin sa library.
I nodded. Sinabi ko sa kanya ang buong nangyari nang makita ko si Evo at Kylie together. They look happy and in love. That's when I decided to move on.
"Yay, omg! Congratulations!" sigaw naman ni Allea habang malakas yung palakpak.
"Ssssssshhhhh," suway naman ng isang studyante sa kanya.
"Sorry po," sabay ipinapakita ang peace sign sa lahat ng studyante.
"Alam mo, may irereto ako sayo," patuloy niya. "He is the captain of the basketball team sa kabilang school."
"Naku, stop it. Not my priority. Bahala ka," magfo-focus nalang muna ako sa acads ko.
"Okay, ikaw bahala, pero kung kailangan mo na, sabihan mo na lang ako," then Allea winked at me. Hindi ko na lang siya pinansin, pinagpatuloy ko na lang yung pagbabasa ko.
I was here sa dining room namin, waiting sa parents ko para mag-dinner kami. I wonder bakit ang tagal ng parents ko bumaba galing sa office ng daddy ko, kaya napagpasiyahan ko na umakyat. Kahit malayo-layo pa ako sa office ni daddy, rinig na rinig ko na yung usapan nila.
"Lucille, it can't be. It doesn't mean that they are our long-time friends pwede na natin silang tulungan. Business is business," rinig ko na sabi ni daddy kay mommy.
"Allan, I know. Pero may naitulong naman sila sa atin para lumago lalo yung business natin," aniya kay daddy.
"Look, Lucille, they helped us para rin maka-benefit yung business nila. We also work hard para rin sa business," dagdag pa ni daddy.
"Mom. Dad. Can I come in?" putol ko sa usapan nila.
"Yes, anak? What do you need?" tanong ni daddy sa akin.
"Dinner is ready na po. Let's eat na," aya ko sa kanila.
Sumunod naman silang dalawa sa akin. I can feel the atmosphere sa dinner na 'yun is parang may something, hindi nag-uusap si mommy at daddy, which is unusual.
"Mom, Dad? We have problem po ba sa business natin?" I genuinely ask them both.
"Bakit mo naman nasabi yan anak?" tanong ni Mommy sa akin.
"I overheard po kasi kanina na you and daddy were talking about business. I guess may problema?"
"Wala naman tayong problema, anak," sabi naman ni daddy, making sure na ayos lang lahat.
"But dad, I need to know. Isa naman din ako sa magmamana sa company, diba?" I insist, ang alam ko na sa akin talaga ipapamana yung company namin because my dad keeps on reminding me na mag-aral ng mabuti para maayos kong ma handle yung company namin in the future.
"Anak, napaka-chismosa mo talaga," biro ni mommy sa akin.
"Mommy, I'm serious," maktol ko sa kanila.
"You're right naman, anak. But don't worry, our company is super okay," dad responded.
"Wag mo na masyadong iniisip yan, anak. Ang atupagin mo lang yung pag-aaral mo. Pagkatapos mo diyan, ako mismo ang magtetrain sayo sa kompanya," mommy said and I look at my dad pero nginitian niya lang ako and nodded his head na para bang nag-a-agree kay mommy.
"But in that case, anak, me and mommy are going to have a business meeting with the Suarez. You can come," daddy said.
"Really, daddy? Sige po, I want to," excited na sabi ko.
"Since you really want to go and you really want to learn," I nod my head nang sinabi ni Mommy 'yun.
"But please behave, okay?" tumango ako para sang-ayunan yung sinabi ni daddy sa akin.
I am here already sa room ko. I just continue reading my books pero dahil tinamad na akong magbasa, kaya I check my socials muna. Talaga bang pinaglalaruan ako ng tadhana? I am trying to move on from Evo pero ito ako ngayon nakatingin sa picture na pinost ni Kylie at naka-tag pa dun si Evo. I just shrug my head and scroll down.
Bigla naman tumunog yung notifications sa phone ko.
Abel Rodmann Manansala wants to follow you. Who is this ba but his name is familiar parang naririnig ko na to sa school. Hindi ko na lang din inaccept kasi hindi ko din kilala.
@abel_M: Hi Miss. Is Allea your friend? She told me to message you eh. You need something daw for me?
@Lucia.R: What? Need something? I don't even know you nga eh.
Ano na naman pinagsasabi ni Allea sa kanya. Lagot talaga 'to sa akin. Hindi ko na inantay yung reply niya, I just called Allea right away.
"Ano?" inis na sabi niya sa kabilang linya.
"Anong ano? Ano na naman pinagsasabi mo ha? Bakit may nag-chat sa akin? Abel ba 'yun? Whatever his name is. Alam mo, nilalaglag mo talaga ako. Baka akalain ng lalaki na 'yun may kailangan talaga ako sa kanya," sermon ko sa kanya.
"Nag-chat na pala siya sayo? Alam mo Lucy, gabing-gabi na oh. Anong oras na ba? Bukas na nga 'yan," at binabaan niya ako ng tawag.
Kaibigan ko ba talaga tong babae na 'to? Kahit sinu-sino ibinibigay yung pangalan ko. Binibenta na ba ako nito? Lagot talaga sa akin 'yun kapag nagkita na kami.