AUDREY
Grabe talaga lalaking yung parang
walang nangyari, Saad ni Audrey habang
nakaupo sa couch ng first floor at
hinihintay ang pinsan nya. Di rin alintana
sa kanya ang lahat ng mga matang
dumadaan . Nagagandahan ba
sila sakin? tanong nya sa sarili nya. Yun
ba ang sumampal? Grabe naman lakas
ng loob nya oh. Narinig nyang sambit ng
isang babae sa mga kasama nito. Baka
girlfriend nya yan may misunderstanding
lang sila wika ng isa sa mga babaeng
nagkukumpulan. Yung lalaking yung
boyfriend ko? sambit nya sa sarili grrrr
humanda talaga sya sakin pag nakita ko
ulit sya. Di pa nga ako nakakapag start
napapagchismisan na agad naiirita
nyyang sabi sa sarili.
Audrey, tawag ng familiar na boses
sa kanya. Bakit ang tagal mo?
Pinapasabi ni boss na tanggap kana at
bukas kana maaaring magsimula iwan
mo lang daw resume mo at iba pang
requirements mo. Napalitan ng saya ang
inis na nararamdam nya kanina. Talaga
ba pinsan? Pero di pa ako naiinterview
ng boss natin, saad nito. Oo nga pala
Audrey dun kana pala sa bahay umuwi
hinihintay ka nina mama at papa saka
ng pinsan mo. Salamat pinsan
at di na ko kukuha ng apartment ko at
makakatipid ako. Ano kaba wala yun
at isa pa welcome ka naman talaga dun
kahit pa nung mga bata pa tayo.
Hinihintay kana nila umuwi kana at
magpahinga muna.
Sa conference room nag patawag ng
meeting Nathaniel sa lahat ng
empleyado nya . Sinabi nya na ilalagay
nya sa accounting department si Audrey
at inihayag nya sa lahat na wag ipaalam
dito na sya ang boss ng lahat. Sya ba
yung girlfriend ni boss rinig ni Nate
na bulungan ng empleyado nya. Natuwa
naman sya sa kabilang banda pero
naisip nya na mailap ang dalaga,lahat ba
ng sinabi ko ay maliwanag sa inyo? Yes
sir maliwag na maliwanag po, sabay
sabay na sagot ng lahat ng empleyado.
Nate anong iniisip mo at ayaw mong
malaman ni Audrey na ikaw may ari ng
company ? wika ni Adrian sa
kaibigan. Sa tingin mo maniniwala yun
na ako may ari ng company na ito sa
kabila ng pagkakilala nya sakin kanina?
May point ka naman dun ,pero pwede mo
naman na hindi sya tanggapin diba?
Napaisip sya bigla sa sinabi ni Adrian.
"Hmp pwede naman nga, sabi ng isipan
nya". Kaso pag ginawa ko parang
pinersonal ko sya. Baka lalong pang
magalit at mamuhi sakin sya, sunod
sunod na sambit nya sa kanyang isipan.
ADRIAN pakisabi sa pinsan mo sorry
sa nangyari, di makinig ng paliwag sakin
at gusto ko kung magkakasama tayong
tatlo wag mong ipahalata na ako ang
boss.
Habang nakaupo sa harap ng table
nya ay di pa rin maalis sa iisipan nya ang
nangyaring tagpo kaninang umaga. Ang
magandang mukha ni Audrey ang
kanyang naalala, Hanggang ngayon ay
ramdam pa rin nya ang mga labi nito sa
labi nya. Yung mga mata nya na
kaakit-akit at maamong mukha na 'di mo
aakalain na may pagkatigre kong
magalit.Kung tutuusin kaya nyang
makipagtagisan ng pagtatalo dito pero
ewan at pag dating kay Audrey iba.
Bigla sumagi sa isip nya ang sinabi ng
empleyado nya kanina "girlfriend" . Napa
ngiti sya mga salitang iyon. At biglang
nagbalik ang alala na mailap ang dalaga.
Nathaniel, nagulat sya sa isang sigaw na
nagputol sa kanyan ala-ala. Kanina ka
pang tulala at tumatawa, Saad ni Adrian.
Kanina ka pa dyan ? Oo kanina pa
ibabalita ko lang sayo na masaya ang
pinsan ko. Teka sinabi mo ba sa kanya
na ako ang CEO? nag aalalang tanong
nito.Hindi at hindi rin naman sya
nagtanong at nag usisa dahil sa excited
sya sa trabaho, sagot ni Adrian dito.