Audrey
Pagbaba ng taxi ni Audrey ay nakita
nya ang Tita nya na nagdidilig ng mga
halaman nito sa harap ng bahay
nito. Tita tawag ni Audrey dito at sabay
lingon ng matandang babae. Napangiti
naman ang Tita nya ng makita sya.
Audrey sabay lapit sa gate at
pinagbuksan sya nito. Tita kamusta kayo
si Tito at Ashley andyan po ba? sunod
sunod na tanong nya. Si Tito mo nasa
trabaho na si Ashley naman ayun tulog
pa masayang wika ng Tita nya. Kumain
kana naba iha? Hindi pa po Tita, Ate
Audrey sigaw ni Ashley na kagigising
lang at masayang yumakap sa kanya.
Ate kamusta kana ang ganda ganda mo
at ang seksi seksi mo ngayon ate. I'm
sure na maraming manliligaw sayo dun
sa kompanya na pinagtatrabahuhan ni
kuya. Biglang naalala ni Audrey yung
lalaking bastos na umagaw ng first kiss
nya sabay ngiti. Ate bakit ka tumatawa
may nagparamdam na ba sayo kanina?
Ano kaba Ashley bad things happened
this early morning, "sus bad things
happened sabi ng isip nya,alalahanin mo
nagustuhan mo rin ang first kiss na yun,
sya diba ang ideal man mo diba? sabi
ng isip nya sa kanyang sarili, ate bakit
natutulala ka? Ashley wag mo kulitin ate
Audrey mo, pagod at gutom yan. Kumain
muna kayo at pagpagpahingahin mo ate
Audrey mo bago kayo magkwentuhan.
Ate kamusta pala sina Tita, Tito at
mga pinsan ko sa probinsya? Maayos
naman sila kaso kelangan kong lumayo
upang tulungan makapag aral ang
dalawa ko pang kapatid na mas bata,
alam mo na mahirap ang buhay sa
probinsya. Ate sa tingin ko bagay kayo
ng boss ni Kuya. Nakita mo na si Boss?
tanong ko kay Audrey? Oo model ang
boss ni Kuya noon ang gwapo nga nya
ate at ang macho macho ng
pangagatawan saad nito, bakit ate hindi
mo ba sya nakita? Hindi eh pinauwi na
kase ako ni Kuya Adrian mo kanina.
Ashley wag mo kulitin ate mo hayaan
mo muna sya magpahinga. Ituro mo sa
kanya room na gagamitin. Opo mama,
ate tara sa taas at ituturo ko sayo room
mo. Ate magpahinga ka muna at
mamaya na lang tayo magkwentuhan
pag uwi ko galing sa school. Habang
nagbabasa ng libro ay naalala na naman
nya yung lalaki kanina, di nya alam sa
sarili nya kung bakit galit na galit sya
dito. Pero mukha naman mabait ang
lalaking yun sabi ng kanyang isipan.
Ewan ko ba ,haysss grrrr ang lalaking
yung humanda talaga sya sakin,
kakalbuhin ko yun pag nakita ko.
Hindi nya namalayan na nakatulog
na sya sa pag iisip, nagising sya sa
katok sa pinto. Tumingin sya sa wall
clock at 6pm na pala, naku mahihirapan
akong makatulog mamaya nito may
pasok pa naman ako bukas at first day
ko. Ate ,ate, boses ng kumakatok sa
labas ng pinto. Saglit lang Ashely ,
sorry napahimbing tulog ko sabay ngiti
nya dito. Ate nandyan na si Kuya kakain
na tayo, tayo na sa baba. Habang
kamakain kami ay binasag ni Ashley ang
katahimikan. Kuya di raw nakita ni ate
Audrey ang boss nyo kanina? Nagulat si
Audrey sa sinabi ng pinsan at parang
masasamid pa, nabigla naman si Adrian
sa tanong ng bunsong kapatid, hindi sya
nagpahalata dito. Si Boss kase nag out
of town kaya itinawag na lang kanina na
dumating na sya. Kuya wag mong
paliligawan si ate sa mga kawork mo ha
gusto ko sa boss mo lang, mas bagay
sila. Ashley nasa harap tayo ng pagkain
saway ng papa nito. Sorry po papa ,
napatawa naman si Adrian sa sinabi ni
Ashely. Narinig mo ba yun Audrey bawal
ka magpaligaw sa iba ha sabay ngiti
nito. Nilakihan nya ng mata ang pinsan
at sabay inirapan. Ano bang meron sa
boss nila?