Nate
Bakit kaya nya iniiwas agad ang
pakikipag kamay nya sa kin kanina? Ang
ilap mo talaga Audrey ang hirap hulihin
ng ugali mo. Malungkot na sumakay sa
elivator si Nathan paakyat ng kanyang
opisina. Di nya namalayan na sa pang
employees elivator sya nakasakay.
Malungkot si sir oh, siguro di pa sila
okay ng girlfriend nya wika ng isang
babae sa likod nya. Shhh marinig ka ni
sir bibig mo baka pati ako madamay
sayo. Di na lang nya pinansin ang
dalawa. Lumabas na ng elivator
ang dalawa at sya naman ay nagpatuloy
na sa penthouse house nya. Dun na lang
sya magwowork. Sabay kuha ng
cellphone sa bulsa at tinawagan si
Adrian. Hello Adrian pakidala sa
penthouse ko ang mga documents at
files na kelangan kong pirmahan.
Copy sir Nathan .
Isang linggo na ang lumipas hindi pa
nagpapakita ang kumag na yun,
saad ni Audrey sa kanyang isipan. Hays
bakit ba na-a-alala ko ang kumag na
yun. Baka naman namimiss mo na? Sabi
ng inner side nya, hmmp siguro nga.
Ano kaba 'di ko sya namimiss at isa pa
malaki kasalanan nun sakin,kahit na
damping halik lang yun,ninakawan pa rin
nya ako ng halik. Baka naman gusto mo
ng halik ulit kaya nagagalit ka? Hay naku
ayoko na nga mag isip. Baka isipin ng
iba nababaliw na ako pag nakita nilang
kinakasap ko na sarili ko. Miss Audrey
kanina ka pa tulala,wika ni Nica , bigla
naman sya natauhan sa sinabi ng
katrabaho. May problema po ba miss
Audrey? ah wala naman namimiss ko
lang pamilya ko sa probinsya. Buti na
lang nakaiisip sya ng maidadahilan dito.
Miss Audrey kamusta kayo ni sir Nate
magkagalit pa rin ba kayo ng boyfriend
mo? Bigla syang nasamid sa sinabi nito,
ah, eh, ah naku ang kumag na yun wag
na natin pag usapan kanda uutal na
wika nito kay Nica. Boyfriend? sarap sa
pandinig, kinikilig na wika sa sarili nya.
Pasensya kana Miss Audrey ha kung
nakikiaalam ako sa love life mo. Alam
mo ba na bagay na bagay kayong
dalawa, perfect match nga raw kayo
sabi ng lahat ng mga narito. At alam
mo bang ikaw lang ang malakas ang
loob na nakasampal sa kanya sa harap
ng nakakarami. Nung time na yun
isa ako sa nakakita ng senaryo na
yun at kaming lahat ay natulala sa
ginawa mo sa kanya. Swerte mo
kay sir kase mabait,gwapo,matangkad,
at maganda pa katawan. Sunod sunod
na saad ni Nica sa kanya.
Kase naman ang kumag na yun
pinainit ang ulo ko ng araw na yun, tapos
amoy alak pa. Yun pa naman pinaka
ayaw ko grrr saad nito sa kausap ng
may galit. Siguro kaya di nakapasok
ngayon ang kumag laging lasing at
may hang over. Humanda talaga sakin
yun pag lumapit sa akin ng amoy alak.
Ayiiee may love quarrel nga sila saad
ni Nica ng tinutukso sya. Hindi ah ,
bakit ganito nararamdaman ko, kinikilig
ako sa tuwing tinutukso ako sa kumag
na yun. In love ba ako sa kanya? Hindi!
hindi mangyayari yun. Pagtatapusin ko
muna dalawa kong kapatid,sila
priority ko at walang iba,wika nya sa
kanyang sarili.
ISANG linggong hindi sila nag kita
ni Audrey kaya naisipan nyang silipin
ito sa palapag kung san ito naroon.
Dahil ayaw nya sa office nya mag work
ay sa penthouse nya sya nanatili sa
loob ng isang linggo. Si Adrian ang taga
dala ng mga kelangan nyang documents
at files na mga kelangan nya. Habang
nasa elivator masaya syang nakangiti
para masilayan ang dalaga. Namimiss
nya ang magandang mukha nito at ang
cute na mga irap nito sa kanya. Yayain
ko kaya syang mag lunch mamaya wika
nya sa kanyang sarili. Baka tarayan
naman nya ako ,hmp bahala na. Pag
kalabas nya ng elivator ay malalaking
hakbang ang ginawa nya, malapit na sya
sa cubicle ni Audrey ng marinig nya ang
boses nito at dinig nyang may kausap
ito. Mukhang sya ang pinag uusapan,
base sa tono ng boses ni Audrey ay
mukhang galit ito sa kanya. At narinig
nyang lahat ang mga sinasabi ng kausap
nito. Good thing nga lang at walang
against sa kanya kaya napapatawa na
lang sya. Natatawa sya sa panunukso ng
kausap nito kay Audrey kase
napagkamalan silang magkarelasyon.
At narinig nya lahat ng sinabi ni AUDREY
sa kausap nito, hind naman ako
lasengo at hindi rin ako nag inom ng
buong linggo nawala ako sa paningin
nya, paliwanag nya sa sarili nya.
Bakit ba ako nag eexplain sa sarili ko?
nababaliw na yata ako.