Nate & Audrey
Nate tawag ng familiar na boses
sa likod nya, doon lang naputol ang
kanyang pag mumumi-muni sa usapan
ng dalawa. Oh Adrian bakit ka narito ?
Nagulat si Audrey ng marinig ang
pangalan na kanina lang ay pinag
uusapan nila, ganun din si Nica. "Naku
lagot baka narinig ni sir mga pinag
usapan namin, sigurado tanggal ako
nito pag nagkataon" Saad ni Nica sa
kanyang sarili. Ano itong nararamdaman
ko ang bilis ng t***k ng puso ko.
Pangalan pa lang ng kumag narinig ko
di na ako magkaintindihan. " sasabihan
ko si Audrey na sabay na kaming mag
lunch mamaya kaya ako nagpunta dito,
narinig nyang sagot ng pinsan sa tanong
ng kausap nito. Ikaw ba Nate gusto mo
bang sumabay sa amin mamayang
lunch? tanong ni Adrian sa kanya.
Di nya muna pinansin any sinabi ng
kaibigan at tuluyan ng lumabas sa gilid
ng cubicle kung san naroroon lahat
ng empleyado nya. Good morning sir
bati ng lahat ng empleyado nya sa
kanya. Good morning sa inyo, nandito
lang ako para maglibot libot kung
maayos kayong nagtatrabaho.
Nakatulalang minamasdan ni
Audrey ang boss nya di nya malaman
gagawin sa sobrang bilis ng t***k ng
puso nya. Ang gwapo nya pala pag
seryoso,lalo na kapag nagsasalita
ang smooth at ang sarap sa pandinig.
Nang magtama ang kanilang mga mata
at mas lalong bumilis ang t***k ng puso
nya. Para di mahalata na affected sya
sa presensya nito ay sinigawan nya ito,
hoy kumag ka bakit ngayon ka lang?
Siguro nagpakalango ka na naman sa
alak ng buong linggong wala ka ano?
At isa pa , kanina kapa ba dyan? pagalit
na wika ni Audrey kay Nate. Nakikinig
kaba ng usapan namin ni Nica?
Kalalaking tao chismoso. Nabigla ang
lahat sa sinabi ni Audrey, at ang lahat
ay napatunganga naman. Patay
mukhang di pa sila ayos na dalawa rinig
na rinig ni Audrey na sinabi ng isa sa
mga kasama nya sa kwartong yun. Dun
nya napagtanto na bakit ganun ang
inasal nya, hiyang hiya sya sa lahat lalo
na sa pinsan nyang nasa likod ni Nate.
NANG magtama ang mga mata
nila ni Audrey ay biglang bilis ng t***k
ng kanyang puso. Di sya makapag isip
ng ayos kung paano ito kausapin. Nag
biglang magsalita ang kaharap at laking
gulat na lamang nya sa mga sinabi nito.
Napatunganga sya dito dahil sa sunod
sunod na mga sinasabi nito na para
bang boyfriend sya nito at para bang
tinataguan nya. Parang machine g*n
talaga bibig nito walang kapreno-preno
magsalita . Sa kabilang banda ay kinilig
naman sya at para bang namimiss sya
ni Audrey. Bakit ba hinahanap mo ako
namimiss mo ba ako miss Audrey?
sabay kagat labing nakatingin sa
dalaga na para bang inaakit. " bakit
naman kita mamimiss? Hindi kita
namimiss, at isa pa wag mo nga akong
akitin sa ginagawa mong yan nandidiri
ako sayo ,sabay irap nito.Hindi mo ba
talaga ako hinahanap miss Audrey?
Sabi ng hindi, galit na saad nito.
Audrey tama na yan ,galit na wika ng
pinsan si Adrian , pasensya kana sa
inasal ng pinsan ko. Dun lang natauhan
si Audrey at napahiya rin sa inasal
nya sa lahat ng naroon, yumuko na lang
sya upang ipagbigay alam na humihingi
sya ng paumanhin sa inasal nya sabay
upo sa harap ng mesa nya, galit nyang
inirapan ang lalaking dahilan ng lahat.
Lunchbreak , tahimik ang tatlong
magkakasabay kumain na ng biglang
basagin ni Audrey Ang katahimikan,
Kuya Adrian si Boss pala bakit di ko pa
nakikita. Sabay na nasamid ang dalawa
habang nagkatinginan. Oh anong
problema nyong dalawa? wika ni Audrey
sa pinsan at kay Nate, talagang sabay
pa kayo nasamid. Ah si Boss ba? wika
ni Nate, Si boss nasa 25th floor yung
office nya kaya di mo sya nakikita busy
yun sa mga negosyo nya sa loob at
labas ng bansa. tapos yung 28th floor
penthouse nya yun kaya hindi mo sya
nakikita kase dun sya nagmumula pag
papasok ng trabaho. Wika ni Nate kay
Audrey habang nakatingin kay Adrian
upang sang ayunan sya nito. " Ikaw ba si
kuya Adrian? di naman ikaw tinatanong
sagot ng sagot sabay irap sa lalaking
kaharap. Napahiya namam si Nate sa
sinabi nito. Mabait ba Kuya si Boss?,
"tinawag nya lang kaseng Kuya Adrian
ang pinsan pag seryoso sya sa pinag
usapan". Sana mabait sya at gentleman
na gaya ng sinasabi ng iba sa kanya,
hindi gaya ng iba dyan
mapagsamantala. Bigla naman nasamid
si Nate at laking gulat ng kaibigan kaya
binigyan ito ng inumin. Mukhang may
tinamaan sa sinabi ko ah sabay irap kay
Nate . Ano ka ba Audrey mabait din
naman si Nate,di ko Alam kung bakit
ganyan pakiki-tungo mo sa kanya. Pero
mali pa rin yan dahil isa sya sa boss mo
dito sa company. At kung ano man yung
nangyaring yun sa inyong dalawa ay sure
ako na di nya sinasadya yun. Kilala ko
itong kaibigan kong ito.