MILLICENT'S POV Itinulak lang ako ni Uztaki kaya napaatras ako, itutuloy pa rin niya ang planong suntukin si Ofeill kaya mabilis ko siyang sinipa. Bumangon kaagad si Uztaki at sinugod si Ofeill. Ayaw niya talagang tigilan si Ofeill, sinabi ng ako ang serial killer dito. Ako ang papatay sa kanila. Hinatak ko ang damit ni Uztaki at tinulak siya papalayo. Si Ofeill ang hinarap ko, pinilipit ko ang braso niya, habang wala siyang tigil sa kahihiyaw. Binitawan ko siya hanggang sa mawalan ng balanse at napaupo sa sahig, naupo ako upang pantayan siya, hinawakan ko ang panga niya upang iangat ang paningin niya sa akin. "Pagod ka na?" Tinignan niya ako ng masama saka dinuraan sa mukha. Anak ng pating. Kung sa Evolus niya ginawa iyan, matutuwa pa ako. Pinunasan ko ang mukha ko at diniinan an

